Wala Pa Nahuman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“INTRODUCTION”

Ang Kawalang trabaho (Ingles: unemployment o joblessness) ay nangyayari kapag ang mga
tao ay walang trabaho ngunit aktibong naghahanap ng trabaho.[1] Ang rate ng kawalang
trabaho ay isang sukat ng pagiging laganap ng kawalang trabaho at kinukwenta bilang
isang persentahe na hinahati ng bilang ng mga indibidwal na walang trabaho ang lahat ng
mga indbidwal na kasalukuyang nasa pwersang trabaho. Sa mga panahon ng resesyon,
ang ekonomiya ay karaniwang nakararanas ng isang relatibong mataas na rate ng kawalang
trabaho.[2]Sa isang balita noong 2011, iniulat ng BusinessWeek na "higit sa 200 milyong mga
tao sa buong mundo ay walang trabaho, isang mataas na rkord na halos dalawang-tatlo ng
mga maunlad na ekonomiya at ang kalahati ng mga umuunlad na bansa ay nakararanas ng
isang pagbagal sa paglago ng trabaho."[3] Mayroong natitirang mahalagang debateng
teorteikal tungkol sa mga sanhi, konsekwensiya at mga solusyon sa kawalan ng trabaho.
Ang ekonomikang klasiko, ekonomikang neoklasiko at Eskwelang Austrian ng ekonomika ay
nangangatwirang ang mga mekanismo ng pamilihan ay maaasahang paraan ng paglutas ng
kawalang trabaho. Ang mga teoriyang ito ay nangangatwiran laban sa mga panghihimasok
na itinakda ng pamilihan ng trabaho mula sa labas gaya ng unionisasyon, mga batas ng
minimum na sahod, mga buwis, at iba pang mga regulasyon na kanilang inaangking
pumipigil sa pagupa ng mga manggagawa. Ang ekonomikang Keynesian ay nagbibigay diin
sa kalikasang siklikal ng kawalang trabaho at nagrerekomiyenda ng mga panghihimasok na
inaangking nitong nagpapabaws ng kawalang trabaho tuwing may resesyon. Ang teoriyang
ay pumopkus sa paulit ulit na mga shock ng suplay na biglaang nagpapabaw ng agregatong
pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo at kaya ay nagbabawas ng
pangangailangan para sa mga manggagawa. Ang mga modelong Keynesian ay
nagrerekomiyenda ng mga panghihimasok ng pamahalaan na ginawa upang pataasing ang
pangangailangan para sa mga manggagawa. Ang mga ito ay maaring kabilangan ng mga
stimulus na pinansiyal, pinondohan ng publikong paglikha ng trabaho, at pagpapalawig na
mga patakarang pang-salapi. Si Georgists na kalahating siglo bago si Keynes ay nagbigay
pansin rin sa kalikasang siklikal ngunit pumokus sa papel ng spekulasyon sa lupain na
nagpapataas ng rentang ekonomika. Ang gawaing ekonomiko ay hindi masusutentuhan sa
bula ng renta dahil ang renta ay dapat bayarin ng karamihan mula sa mga sahod(bunga ng
trabaho) gayundin mula sa interest(bunga ng kapital o puhunan). Kapag ang spekulasyon ay
napiga na mula sa sistema, ang siklo ng spekulasyon ng lupain ay magsisimulang muli.[4] Kaya
itinaguyod ni Henry George ang pagbubuwis ng mga halagang lupain(isang buwis upang
pigilan ang spekulasyo ng lupain at upang matanggal ang pagbubuwis sa trabaho at kapital.
Tinutulan ni George ang nasyonalisasyon ng lupain at mga teoriya ni Karl Marx.
Ang Marxismo ay nakapokus sa mga relasyon sa pagitan ng mga may ari at mga
manggagawa na inaangkin nitong ang mga may ari ay naglalaban sa bawat isa sa isang
patuloy na pakikibaka para sa mga trabaho at mas mataas na mga sahod. Ang kawalang
trabaho na nilikha ng pakikibakang ito ay sinasabing nagbibigay pakinabang sa sistema sa
pamamagitan ng pagbabawas ng mga gastos ng sahod para sa mga may ari. Para sa mga
Marxista, ang mga sanhi at mga solusyon sa kawalang trabaho ay nangangailangan ng
pagbuwag ng kapitalismo at paglipat sa sosyalismo o komunismo. Sa karagdagan sa mga
tatlong komprehensibong teoriyang ito ng kawalang trabaho, may ilang mga kategorisasyon
ng kawalang trabaho na ginagamit upang mas tiyak na imodelo ang mga epekto ng
kawalang trabaho sa loob ng sistemang ekonomiko. Ang pangunahing mga uri ng kawalang
trabaho ay kinabibilangan ng istraktural na kawalang trabaho na pumopokus sa mga
“INTRODUCTION”
problemang istraktural sa ekonomiya at mga kawalang kaigihan na likas sa mga pamilihan
ng trabaho kabilang ang isang hindi pagtutugma s apagitan ng suplay at pangangailangan
ng mga manggagawa na may kinakailangang hanay ng kasanayan. Ang mga argumentong
istraktural ay nagbibigay diin sa mg asanhi at solusyon na kaugnay ng mga teknolohiyang
disruptibo at globalisasyon. Ang mga talakayan sa priksiyonal na kawalang trabaho ay
nakapokus sa mga boluntaryong desisyon ng trabaho bata sa baluasyon ng bawat indibidwal
ng kanilang sariling trabaho at kung paano ito humahambing sa kasalukuyang mga rate ng
sahod na dinagdagan ng panahon at pagsisikap na kailangan upang makahanp ng isang
trabaho. Ang mga sanhi at solusyon para sa priksiyonal na kawalang trabaho ay kadalasang
tumutugon sa mga harang sa pagpasok at mga rate ng sahod. Ang ekonomikang pang-
asal ay nagbibigay diin sa mga pagkiling ng indibidwal sa paggawa ng desisyon at
kadalasang sumasangkot sa mga problema at solusyon ukol sa mga makitid na sahod at
mga kaigihang sahod.
Ang isang dahilan ng kawalan ng trabaho sa bansa ay job mismatch. Ibig sabihin nito na ang
mga trabaho na nakalatag at yung mga negosyong nangangailangan sa ating bansa ng
empleyado ay hindi angkop sa nakuhang kurso ng isang indibiduwal. Kaya na rin napipilitan
o mas pinipili na magtrabaho sa ibang bansa kung saan ang trabahong inaalok ay angkop sa
kursong nakuha.

Bukod pa rito, ang mga kabataan naman na hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa
kakapusan ay nahihirapang makahanap na trabaho na makatutulong sana sa gastusin ng
pamilya. Ang pagtataas ng matrikula sa mga kolehiyo samantala mababa naman ang kita
ng mga magulang na nagtatrabaho kaya napipilitan na hindi makapagpapatuloy sa
kolehiyo ang isang indibiduwal.

Ang pangglobo na rin ng bilang ng mga Pilipino ay isa rin sanhi ng kawalan ng trabaho dahil
hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng trabaho. Mas madami ang bilang ng tao kaysa dami ng
trabahong inaalok. Ang mga ito ay patuloy na nagbubunga sa kawalan ng trabaho sa bansa
at ang walang tigil na paglaganap ng kahirapan.

Mga Gabay na Tanong!?

1. Sino-sino ang itinuturing na kabilang sa lakas paggawa? Sa unemployed?


2. Ano-ano ang mga uri ng unemployement?
3. Paano malulutas ng pamahalaan ang suliranin ng unemployment?
4. Bakit mahalagang linangin ang kasanayan ng lakas paggawa ng bansa?

You might also like