Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Paglilibing kay Marcos sa LNMB

ni Binibining Anne Lorraine Paguagan

Lakambini:
Isang milyong pagbati sa inyo ang aking hatid
_______________ po, ang lingkod niyo na didinig
at hahatol sa makatang, magpapalitan ng matwid
dito sa balagtasan, labanan na mayroong isip

sa pakiwari koy isyung pinag-uusapan


paglibing sa dating pangulong marcos ang laban
mainit ito nagyo'y pinagtutunggalian
halinat alamin natin ang mga paninindigan

May ginoong iiling at magsasabing hindi


dapat ilibing sa libingan ng bayani
isang taong nagdulot sa bayan ng pighati
tara nat salubungin ng masigabong pagbati

Isang dilag ng talino ito namang tumango


malakas niyang sigaw, "magpatawad tayo"
por pabor siyang ilibing ang dating pangulo
hindi bilang bayani kundi bilang tao

S: magpatawad tayo,iyab ang dapat gawin


magpatawad tayo iyan ang aking daing
pagkat siya'y pangulong magaing
at kanyang karapatan na doon ay mailibing

L: magpatawad tayo sa taong di humingi ng tawad ?


magpapatawad sa isaang taong luwad?
magpapatawad kapalit sa buhay na nawasak
buhay na nasira,nilimot winakawak

S: nais kong maaalala mo na siya ay ating pangulo


pangulong kinilala sa buong mundo
hatid niya sa bayan, ay tunay na pagbabago
pagbaabgong nakamit ng mga pilipino

Nang siya ay pangulo nting ating bansa


piso-piso ang laban ng dolyar ang napala
respeto ng mundo ay ating nakuha
oportunidad sa Pilipinas, lumaganap, bumaha

Mga inprastraktura ay naipatayo


plano sa edukasyon naman ay binuo
transportasyon at kalusugan ay kanilang niluto
nang matikman ng bansa ang ganap na paghayo

L: mga gusaling isinilang ay di kokontrahin


ngunit sana kaibigan ay magbalik-tanaw din
buwi ng pilipino ay ginamit, nilustay
sa pagbuo ng gusali na puhunan ay buhay

Nais kong ibahagi na ang martial law


ang bumawi sa tagumpay na kanyang binuo
sapagkat ang bayan ay tunay na gumuho
nawala sa pedestal ng yaman at respeto

maraming nawala, namatay, ginahasa


tinaggalan ng karapatan sa pagsasalita
ganito ba ang bayan na pinagpala?
ganito ba ang bayan sa iyong akala?

S: Maaring masama ang ilang gawain


ngunit ibang administrasyon ay gayundin
masahol pa sa hayop nang ipain
ibenta ang karapatan, baya'y limutin

sa libingan ng bayani dito'y nakahimlay


pangulo, sundalo at alagad ng sining
itong si marcos ay tunay na nagnigning
kaya't karapatan na doon ay ilibing
L: Kaibigan ko ika'y nakalimot
sa sakit sa bayan na kaniyang dulot
sugat ng utang na ngayon ay hakot
ibinulsa ang yaman, pilipino ay nanagot

kung karapatan na doon ay ihimlay


karapatan na yaon ay di niya taglay
sugat sa bayan na ngayon ay latay
sugat ng bayan na dadalhin sa hukay

Lakambini:
Magpaawat kayo sa masighing palitan
aming tatanggapin ang bawat katwiran
kaya huminga at saglit na tandaan
Ito ay balagtasan, at hindi bangayan

S: Umunlad ang bansa, ito ay hindi lingid


siya ay pangulo iyo bang narinig
karapatan din niya ito bilang sundalo
karapatang mailibing bilang tao

L: tao ba niyang itinuring ang mga Pilipino


tao ba ang tingin nang mamatay ang mga ito?
bayan ay nasadlak, nanamatay, nabigo
ngayon sino ang unang hindi nagpakatao?

Lakambini:
mainit na palitan ay inyong nasaksihan
malailm na sugat ay muling nabuksan
ngunit tumindig ang bawat katwiran
ito ay itinayo, dininig, nilaban

ang lahat ng paninindigan ay isang katwiran


lahat ng punto ay kaliwanagan
kaya nakikinig ang hahatol naman
titimbang, huhusga sa opinyong nagustuhan.

You might also like