Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SOL 1 SEMINAR – ARALIN 8: ANG MASAGANANG BUHAY

BIBLIKAL NA BATAYAN
3 Juan 2

Mga Kaugnay na Batayang Biblikal


Efeso 2:1 Mateo 25:20-24 Gawa 17:1 Gawa 16:31 Juan 10:19 Genesis 17:1
Roma 12:2 Genesis 14:22-23

PANGUNAHING TALATA/TEKSTO
“Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin, sa
pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin.”

LAYUNIN
Ang masaganang buhay ay nagmumula sa loob alabas, mula sa espirituwal patungo sa materyal,
mula sa hindi nakikita patungo sa nakikita. Tinuro ni Hesus na walang mapapala ang isang tao
kahit makamit man niya ang buong mundo kung mawala niya ang kanyang kaluluwa na walang
pamalit ang maaaring maibayad para makuha itong muli. Sinasabi niya na walang materyal na
katagumpayan, gaano man ito kadami, ang maaaring makapantay sa espirituwal na kayamanan
na tanging ang Diyos lamang ang nakapagbibigay.

Ang masaganang buhay ay kombinasyon ng espiritwal, moral at materyal na pagpapahalaga.


Hindi hangad ng Panginoon na tayo ay magtamasa ng espirituwal na pagpapala at sa kabilang
banda ay namumuhay ng may kakulangan sa materyal na bagay. Sa kabaligtaran, ang gawa ng
pagtubos ay nagbabalik sa tao ng mga bagay na nawala sa kanya ng dahil sa kasalanan. Sinabi ni
Pablo na si Hesus, “Bagamat mayaman ay nagpakadukha upang yumaman tayo sa pamamagitan
ng kanyang karukhaan.” 2 Corinto 8:9. Ang masaganang buhay ay para sa iyo upang maranasan
ang magandang kalusugan. “Tayo’y gumaling sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.” (1 Pedro
2:24).

Ang masaganang buhay ay ang pagpapakasiya sa regalo ng kaligtasan na tanging si Hesus


lamang ang nagbibigay. (Efeso 2:1) Tayo ay patay na sa ating mga pagsuway at kasalanan.
Ngunit masasabi rin natin na ang masaganang buhay ay ang makitang ligtas ang ating pamilya.
Sinabi ni Pablo sa bantay bilangguan na taga-Filipos: “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesus
at maliligtas ka – ikaw at ang iyong sambahayan.” (Gawa 16:31).

PAGPAPAUNLAD NG PAKSA

I. MASAGANANG BUHAY
Masaganang mula sa Griyegong kataga, PERISSEA:
 Marami o mayaman
 Ganap
 Nag-uumapaw sa sukat, isang bagay na mataas at higit pa sa ordinaryo

35
II. PAANO NATIN MAKAKAMIT ITO?

A. BUONG PAGTITIWALA SA DIYOS

Alam ni Abraham na ang Diyos ay “El Shaddai”, na ang ibig sabihin ay ang Diyos na
nagbibigay at kumakatagpo sa lahat ng ating pangangailangan.

Ang Hebreong salita, ito ay nangangahulugan ng:


El - Pinakamakapangyarihan sa lahat
Shad - Dibdib(dibdib ng isang ina)

Sa parehong paraang inaalagaan ng isang ina ang kanyang anak, tayo naman ay inaalagaan
ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang lakas. Sinabi ng Diyos kay Gideon, “Lumakad ka at
gamitin mo ang buong lakas mo sa pagliligtas sa Israel” (Hukom 6:14). Kinalinga ng Diyos
si Gedeon at ang kanyang lakas ay ang lakas ng Diyos.

Si Abraham, isang taong may paninindigan (Genesis 14:22-23)

a. Gumawa si Abraham ng isang Tipan ng pagtitiwala sa Diyos, na naniniwalang ang


Panginoon lang ang pagmumulan ng kanyang mga pangangailangan.
b. Alam ni Abraham na ang lahat ng kayamanan ay nagmumula sa kamay ng Panginoon,
kaya naman siya ang naging isa sa pinakamakapangyarihang tao ng kanyang
kapanahunan. Ang kanyang pagtitiwala sa Diyos ay buo.

B. PAGSASAAYOS NG MGA PRAYORIDAD O PINAHAHALAGAHAN

Gusto ng Panginoon na magkaroon tayo ng kumpletong pagtitiwala sa Kanya dahil


mayroong pagpapala dito. Kapag ninais nating pagyamanin Niya ang ating mga buhay tayo
ay pinagpapala rin Niya sa pamamaraang materyal.

C. MALAYA SA PAG-IIMBOT

Ang pag-iimbot ay nangangahulugan ng labis na pagnanasa sa kayamanan. Gusto ng


Panginoon na tayo ay managana, ngunit kapag mayroong pag-iimbot, imposible na tayong
pagpalain ng Diyos. Ang pag-iimbot ay isang anyo ng pagsamba sa diyus-diyusan.

D. MAGING TAPAT NA KATIWALA

Kung tayo ay tapat sa pamamahala sa mga yamang ipinagkatiwala ng Diyos sa atin;


daragdagan ng Diyos ang ating responsibilidad. Ang layunin ng mga talento ay:

 Upang gamitin ng matalino


 Upang maparami
 Upang gamitin sa pagdakila sa Diyos

36
Dapat nating tandaan palagi na pinararangalan ng Diyos yaong mga nagiging matagumpay sa
mga ipinagkatiwala sa kanila. Ngunit ipinapahiya Niya ang mga takot at pabaya. Sa
kadahilanang ito, binabawi ng Diyos ang mga nakatanggap ng kakaunti upang ibigay sa mga
nagtagumpay.

Ang kabaligtaran ng masaganang buhay ay pagnanakaw, kamatayan at pagkawasak. Ito ang


ginagawa ng kasalanan sa bawat isa sa atin. Dinadaya tayo nito, tinutukso at pagkatapos ay
kinukuha niya ang lahat sa atin. Sa huli, tayo ay dinadala nito sa landas ng pagkawasak at
kamatayan. Dahil sa ating kalagayang ito, tayo ay mangmang sa katotohanang ang magandang
buhay na matatagpuan kay Kristo ay maaari ring mapasaatin.

Magbago ng isip (Roma 12:2). Ang tao ang kabuuan ng kanyang isip. Kaya naman kailangan
nating buksan ang ating isipan sa mga pahayag ng Espiritu dahil ito ang magdadala sa atin sa
bagong sasakupin. Ang binagong isipan ay hindi nagpapahintulot ng mga kaisipan ng kahirapan,
kakulangan, pagkasira, pagkainis, pagkabigo, atbp. Ang kaisipan ng masikap ay laging nakatuon
sa kasaganahan.

KONKLUSYON/PAGTATAPOS

Maaari lamang tayong magkaroon ng masaganang buhay sa pamamagitan ng krus. Dito


kinansela ni Hesus ang bawat sumpa at argumento laban sa atin. Samaktuwid, kinakailangan
nating mamuhay ng may binagong pag-iisip.

TAKDANG ARALIN

Dapat kumpletong masaulo ng mag-aaral ang Batayang Biblikal na araling ito.

PAGSASABUHAY/PAGSASAGAWA

Magbasa ng aklat tungkol sa pagbabago ng isip. Basahin ang lahat ng salitang tumutukoy sa
ksaganahan at angkinin ang mga ito para sa iyong buhay.

37

You might also like