Konsepto NG Pananaw Lp1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mariano, Leri Mae P.

Masusing Banghay Aralin


I.Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a) Nakapagbibigay ng mga pamahiin

b) Nasasabi ang kahalagahan ng pamhiin sa buhay ng mga Pilipino

c) Nakapagbibigay ng komento hinggil sa larawan gamit ang konsepto


ng pananaw;

d) Nakikilahok nang masigasig sa talakayan;

II.Paksa
Gramatika: Konsepto ng Pananaw
III.Kagamitan
Pisara at Panulat
Powerpoint Presentation
Laptop
Mga Larawan
Rubrik

IV.Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Magandang Umaga! -Magandang Umaga rin po!

- Maaari na bang tumayo ang lahat at


pumunta na sa harapan ang mangunguna
sa panalangin? -(Pagdarasal ng mga mag-aaral)

-Wala munang uupo sapagkat upang


magising ang inyong mga diwa at maging
magana kayo ay magkakaroon tayo ng -(Pagsayaw ng mga mag-aaral)
energizer.

B. Pagbabalik-Aral

- Bago natin buksan ang ating aralin


ngayong araw na ito ay magkakaroon
muna tayo ng balik-aral sa ating napag-
aralan noong nakaraang linggo. Ano nga
ulit ang ating napag-aralan? -Tungkol po sa kontemporaryong
programang panradyo.

-Magaling! Ano nga ulit ang kahulugan - Ang pagbibigay ng oportunidad sa


nito? kabataan na maipahayag ang kanilang
mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayan at
pagtuunan ng pansin.

-Mahusay! Sino naman ang


makapagbibigay ng halimbawa ng midya
na maaari nating kunan ng balita? -Radyo,Telebisyon,Dyaryo at Cellphone
po Ma’am.

-Tama! Maliban sa kontemporaryong


programang panradyo ay may dalawang
kaisipan pa tayong napag-aralan, ano -Katotohanan at Opinyon po Ma’am.
nga ulit ito?

-Magaling! Sino ngayon ang


makapagbibigay ng kahulugan ng
katotohanan? -Ang katotohanan po ay isang pahayag
na hindi maaaring pasubalian kahit saang
lupalop ka man ng mundo magpunta,
halimbawa po “Lahat ng tao ay
humihinga”

-Tama! Ano naman ang kahulugan kapag


sinabi nating opinyon? -Opinyon, ito po ay ang saloobin ng isang
tao kung saan ito po ay maaaring totoo o
hindi.

-Mahusay! Maaari ba natin siyang bigyan


ng tatlong palakpak?

-Kung noong nakaraang linggo ay ang


makrong kasanayan sa pakikinig ang
binigyan natin ng pansin, sa atin namang
aralin ngayon ay higit nating bibigyang
tuon ang makrong kasanayan sa pagbasa
at pagsulat. Handa na ba kayo? -Opo, Ma’am.

C. Pagganyak

-Dahil nasagutan ninyo nang wasto ang


aking mga katanungan sa ating
pagbabalik-aral naniniwala akong lubos
niyong naunawaan ang ating aralin.
Ngayong araw na ito ay magkakaroon
naman tayo ng isang laro. Bubunot ako
ng pangalan dito sa kahon kung sino man
ang mabunot ay kailangan niyang
magsabi ng isang bagay na
pinaniniwalaan niya o superstitious belief.

(LARO)

-Ngayong narinig niyo na ang mga


pamahiin na ibinigay ng inyong mga
kamag-aral ano kaya sa tingin ninyo ang
kahalagahan nito sa buhay ng mga
Pilipino? -Para po sa akin ang kahalagahan po ng
pamahiin sa buhay ng mga Pilipino ay
nakatutulong ito na maging ligtas tayo
kahit na wala itong basehan.

-Magaling! Maliban doon mayroon pa ba? -Mahalaga po ang mga pamahiin sa


Pilipino dahil sa paraang ito ay
napagyayaman natin ang ating kultura.
-Mahusay! Bigyan niyo ng tatlong
palakpak at tatlong bagsak ang inyong
mga sarili dahil napagtagumpayan ninyo
ang inyong gawain.

D. Paglalahad

-Batay sa ating ginawa ano kaya ang


magiging aralin natin ngayong araw? -Tungkol po sa mga pamahiin?

-Maaaring tungkol sa paniniwala dahil


tinanong ko kayo ng mga pinaniniwalaan
ninyo. Sino pa ang may hinuha? -Tungkol sa mga paniniwala?

-Upang hindi kayo mahirapan ay narito


ang jumbled word. Sino ang makakahula? -Konsepto ng Pananaw po?

-Tama! Ngayong araw na ito ang ating


aralin ay iikot sa “Konsepto ng Pananaw”

-Mayroon tayong dalawang uri ng


konsepto ng pananaw. Narito ang una,
maaari niyo bang hulaan ang salita? -EKSPRESYON NG PANANAW po
Ma’am.
-Tama! Ang una ay ang ekspresyon ng
pananaw. Narito ang mga halimbawa.
Basahin niyo nga.
- ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay,
ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba
-Mayroon akong ipapakitang larawan sa pa.
inyo dito kung saan kailangan niyong
magbigay ng komento gamit ang
ekspresyon ng pananaw. Pagkatapos
sumagot ng unang matatawag ay siya
namang tatawag ng kaniyang kamag-aral
upang sumagot. Handa na ba?

(Pagpapakita ng larawan)

-Ano ang iyong komento? -Sa pananaw ko ay lubos na nahihirapan


ang mga magulang sa pagpapaaral sa
kanilang anak.

-Mahusay! Tumawag ka ngayon ng iyong


kamag-aral. (Tugon ng mag-aaral)

-Ano naman ang masasabi mo? -Batay sa larawan, makikitang ang K12
ang dahilan ng paghihirap.

-Magaling! Sino sa mga kamag-aral mo


ang pinipili mo? (Tugon ng mag-aaral)

-Ano ang iyong komento? -Sa paniniwala ko ay nais ng tumakas ng


bata sa larawan.

-Maraming salamat sa pagbibigay ninyo


ng komento sa larawan. Narito pa ang
ilang halimbawa. Maaari niyo bang
basahin? Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987
Konstitusyon ng Pilipinas, ang
Filipino ang pambansang wika at isa sa
mga opisyal na wika ng
komunikasyon at sistema ng edukasyon.
Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/
tingin/ palagay ni/ ng
Pangulong Quezon, mas mabuti ang
mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa
makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.
Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong
hindi makabubuti kanino
man ang kanilang plano.
Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay
ko, wala nang
gaganda pa sa lugar na ito.

-Ang mga ekspresyon ng pananaw ay


nagpapakita ng ekspresyong ito ang
iniisip, sinasabi o paniniwalaan ng isang -Opo Ma’am.
tao.

-Ano ang pagkakatulad nito sa mga


pamahiin? -Ang mga pamahiin po ay mga
paniniwala rin katulad ng konsepto ng
pananaw.

-Mahusay!

-Narito naman ang ating ikalawang uri. -Ekspresyon ng pagbabago.


Sino ang makakahula ng salita?

-Tama! Ekspresyon ng pagbabago! Narito


naman ang mga halimbawa ng Sa isang banda/ Sa kabilang dako,
ekspresyon ng pagbabago. Samantala,

-Gamit muli ang larawan kanina maaari


ka bang magbigay ng komento na -Sa isang banda, hindi naman
ginagamitan ng ekpresyon ng maitatanggi maganda ang magiging dulot
pagbabago? ng K12 pagdating ng araw.

-Mahusay! Sino sa iyong mga kaklase -(Tugon ng mag-aaral)


ang nais mong sumagot?
-Sa kabilang dako, maaaring hindi pa rin
-Ano naman ang iyong komento? maunawaan sa ngayon ng mga
magulang ang kagandahang dulot ng
K12 dahil nakikita nila ito bilang pasakit.

-Maraming salamat sa inyong


kooperasyon. May katanungan ba kayo -Wala po.
hinggil sa ating aralin ngayong araw?

E. Paglalahat
-Ngayong naunawaan niyo na ay may
mga iilang tanong ako sa inyo.

-Ano ang dalawang uri ng konsepto ng -Ekspresyon ng pananaw at Ekspresyon


pananaw? ng Pagbabago po Maam.

-Mahusay! Maaari ka bang magbigay ng


mga salitang maaaring gamitin sa
konsepto ng pananaw? - ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay,
ganoon din sa
paniniwala/pananaw/akala ko/ni/ng, at iba
pa.

-Magaling! Ano naman ang mga salitang


maaaring gamitin kung tayo ay
nagpapahiwatig ng konsepto ng -Sa kabilang banda, samantala at Sa
pagkakaiba? kabilang dako po Maam.

-Magaling! Natitiyak kong lubos na


ninyong nauunawaan ang ating aralin.
Maghanda kayo bukas sapagkata
magkakaroon tayo ng isang gawain. -Opo Ma’am.

-Tumayo na ang lahat para sa


pangwakas na panalangin. (Panalangin)

-Magandang Araw sa lahat! -Magandang araw din po Ma’am.

You might also like