Si Chrizel Acodile Brioso ay isang senior high na estudyante sa Unibersidad ng
Perpetual Help System DALTA-Molino sa larangan ng STEM o (science, technology, engineering and mathematics). Nagtapos ng sekondarya (junior high) sa pribadong paaralan ng MSH Loyola Academy sa probinsya ng samar, ika anim sa rangko sa taong 2016 at. Sa mababang paaralan ng San Juan nakapagtapos siya ng elementarya at ika anim rangko sa taong 2012 at pangalawa sa pagsulat ng editoryal sa ingles noong 2011 ng nobyembre. Bago pa man ipagpayuloy ang kanyang pagaaral sa nasabing paaralan ng San Juan ay nagaral ito sa Rafael Palma sa San Andres Manila ng grade 1 sa taong 2006. Brioso, Chrizel Acodile STEM 12-02
BUOD
May isang Pilipino na nangangamba sa kanyang kapwa Pilipino dahil sa lindol na
naganap sa bansang pilipinas, habang sa mga oras na iyon sa napapatungo siya sa isang magandang lugar na tinatawag na Sendai na matatagpuan sa Japan. Hangang hanga ang pinoy na ito sa kaniyang nakikita sa bawat sulok ng Sendai, lalo na at nagaganap doon ang pista ng tanabata na 700 taon nang ipinagdiriwang sa nasabing lugar. Lubos na humaga ang pinoy sa mga nakitang ngiti at saya sa mga batang hapon. Biglang pumasok sa isipan niya at sinabi sa kaniyang kaibigang hapon na napakamapalad ng mga anak ninyo. Dahil sa masaganang pamumuhay na kaniyang nakikita. Nagulat na lamang ang pinoy sa tugon ng hapon, imbis na sumang-ayon ito ay tumutol sa pahayag ng pinoy, ayon dito mas maswerte ang mga batang Pilipino kahit ito ay laki sa hirap dahil may direksyon ang kanilang pagtao at may kinikilalang diyos at mayaman sang kalooban at kaluluwa. Ipinahayag pa ng hapon ang lahat ng suliranin ng kanilang bansa. Lubos na napaisip ang pinoy sa sinabi ng kaniyang kaibigang hapon at muling napaisip “ ito ba talaga ang tinitingalang poder ng asya, na ibinabanta ng amerika na nananatiling panganib sa pilipinas?”.