Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

G5, Jasmine Nicole Capus

7-Galileo

A. Ano-ano ang mensahe ng ibong Adarna na mahalaga sa

buhay ng mga Pilipino?

 Ang pagmamahal ng isang anak sa kaniyang magulang ay isa

sa mga mensahe na nais iparating sa kwentong ito. Ipinakita rin

dito ang kahalagahan ng pagiging matapat ng isang tao sa

kaniyang kapatid at kapwa tao. Ang pagmamalasakit ng isang

anak sa kaniyang magulang na kaya niyang harapin ano mang

pagsubok ang ibigay sa kaniya, gumaling lamang ang

kaniyang ama. Ipinararating rin dito ang tunay na pagibig ng

isang babae at lalaki. Ipinakita ni Don Juan ang wagas na

pagmamahal niya kay Maria Blanca. Ang mabuting

pamamahala at pakikitungo sa kapwa ay nakapaloob din sa

kwentong ito. Sinasabi rin dito na ang pagiging mabuti at

matulungin ay hindi naghihintay ng anumang kapalit.


B. Ano ano ang katangian ng korido?

 Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang

nakuha natin sa mga impluwensiya ng mga espanyol. Ito ay

may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya

sa isang saknong. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng

pakantang pagpapahayag ng mga tula. Isang awit o sayaw na

isinasagaw sa saliw ng gitara katulad ng pandanggo (dela

Costa), Binalbal na salitang Mehikano na buhat sa “occurido” o

isang pangyayaring naganap

C. Ano ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna?

 Ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna ay hango sa

“KORIDO” na dala ng mga Kastila buhat sa Europa.

 Ayon sa isang kritiko, ang kasaysayan ng “Ibong Adarna” ay

maaaring hango sa mga kuwentong bayan ng iba’t ibang

bansa tulad ng Germany, Denmark, Romania, Austria, Finlad, at

Indonesia.

 Mayroon ang “Ibong Adarnang” motif at cycle na

matatagpuan sa mga kwentong bayan


 Ang kaligiran din nito ay isang Tulang Romansa

– ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at

kabayanihan.

 -Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa kaharian

tulad ng prinsipe, prinsesa,hari, reyna at ilang dugong bughaw.

 -Naging palasak sa Europa,at maaring nakarating sa Pilipinas

mula sa Mexico noon pang 1610.

Ang palasak na halimbawa ng tulang romansa ay ang Koridong

Ibong Adarna at Awit na Florante at Laura ni Francisco Baltazar.

You might also like