Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Far East College of Information

Teachnology
S-Y 2017-2018
Portfolio ng mga Akademikong
Sulatin sa Filipino
Mula sa pangkat nina:
 Aileen Galang
 Shiela Pardilla
 Jerald Tayag
 Jared Mark Fruelda
 Khen Eiron Miranda
INFORMATION COMMUNICATION TECHHNOLOGY
Panimula
Nilalaman ng portfolio na ito
ang koleksyon ng mga pang-
akademikong sulatin na aming
nilikha mula sa asignaturang
Filipino. Ito ay nagsisilbing patunay
na kami ay gumagawa ng mga
gawain at nagpakita ng pagtitiyaga at
pagkakaisa sa mga nagdaang
panahon maging na rin sa hinaharap.
Pagkilala
Ako, na si Jared Mark Fruelda, ang tagalikha ng
portfolio na ito, ay lubos na pinasasalamatan si
Jerald Tayag na nagbigay ng partisipasyon sa
paggawa ng portfolio na ito sa pamamagitan ng
pag-type sa aming mga nilikhang sulatin sa
dokumentong ito pati na rin sa aking mga ka-
pangkat na nagbigay ng pagsisikap na aming
likhain ang aming mga sulatin nang sama-sama.
Kung hindi dahil sa kanila ay hindi magiging
posible ang paglikha ng portfolio na ito.
Talaan ng Nilalaman
Kabanata 1: Ilang Sulating Naglalahad ng Nilalaman
Katitikan ng Pulong
Panukalang Proyekto
Posisyong Papel
-TBD-
Kabanata 2: Ilang Akademikong Sulatin na Naglalahad at
Nangangatuwiran
Talumpati
Buod\
Abstrak
Kabanata 3: Ilang Sulating Naglalahad at Nagsasalaysay
Lakbay sanaysay
Replektibong sanaysay
Piktoryal na sanaysay
Dokumentasyon
Bibliography
Unang Kabanata: Ilang
Sulating Naglalahad ng
Nilalaman

Katitikan ng Pulong
Photo Version
Typewritten Version
Katitikang Pagpupulong ng Supreme Student Government ng Far
East College
Republika ng Pilipinas
Lungsod ng Pampanga
Bayan ng Magalang
KATITIKANG PAGPUPULONG NG SUPREME STUDENT GOVERNMENT
NG FAR EAST COLLEGE NA GINANAP SA SS OFFICE, FEC BUILDING,
MAGALANG, PAMPANGA NOONG IKA-13 NG HULYO, 2017
Mga dumalo:
Ngalan Posisyon
Jared Mark Fruelda -Presidente ng SSG
Jerald Tayag -Bise Presidente ng SSG
Aileen Galang -Secretary ng SSG
Sheila Pardilla -Treasurer ng SSG
Sir Khen Eiron Miranda -SSG Adviser
Mga hindi dumalo:
Wala

Ang pagpupulong ay itinatag ni Sir Khen Eiron Miranda sa ganap na


12:05 ng tanghali, at ito ay kanyang inumpisahan sap ag-uulat hinggil sa
kinakaharap na suliranin ng paaralan. Batay sa kanyang pahayag, maaaring hindi
matuloy ang gaganapin na Acquaintance party ng mga estudyante ng Far East
College sa Shanghai Palace sapagkat hindi pa sapat ang salaping nalikom ng
treasurer ng Supreme Student Government na si Sheila Pardilla.
Nagbigay ng pahayag ang treasurer ukol sa ginawang paglilikom.
Ayon sa kanya, lima nalang ang hindi pa nakakapgbayad ng bayarin sa mga
estudyanteng nasa ika-11 na baiting ngunit halos kalahati pa lang hindi
nakakapagbayad sa mga ika-12 baitang. Nagbigay muli ng pahayag si Sir Khen
Eiron Miranda na sa dami na iyon ng hindi pa nakakapagbayad ay malabong
makapag-down payment pa sila sa loob ng isang araw samantalang gaganapin na
ang nasabing kaganapan sa susunod na araw at marapat na kanselahin na lamang.
Matinding hindi sumang-ayon ang president ng Supreme Student
Government na si Jared Mark Fruelda ay naglahad ng opinyon base sa sinabi ni Sir
Khen Eiron Miranda. Batay sa kanya, ito ay malaking kabiguan at pagkadismaya
para sa mga estduyante ng paaralan dahil maaaring nakapagrenta na sila ng
kanilang susuutin at masasayang lamang ang mga pera’t oras na inilaan para dito.
Sumang-ayon ang bise presidente na si Jerald Tayag sa binigay na pahayag ng
president. Dagdag pa niya, hindi pa nakakapagbayad ng bayarin ang iilan sa mga
estudyante ayon sa kanyang ginawang pananaliksik ay dahil wala pang
maipapambayad ang mga ito o kaya nama’y hindi pinayang ng kani-kanilang
magulang at marapat na’y bigyan ng panahaon ang mga hindi pa nakakapagbayad.
Matapos magbigay ng pahayag ang presidente at bise presidente
ng SSG ay muling iniulat ni Sir Miranda ang napagpasiyahan niyang desisyon na
bibigyan pa ng panahon ang mga hindi pa nakakapagbayad at ipagpapaliban na
lamang ang Acquaintance party sa susunod na lamang na lingo sa ika-21 ng Hulyo,
2017.
Napagsang-ayunan ng SSG ang nasabing desisyon at muling
nagtapos ang pulong sa ganap na 1:45 ng hapon sa mungkahi ng SSG Adviser.
Inihanda ni:
Aileen Galang
SSG Secretary

Nagpatotoo:
Sir Khen Eiron Miranda
SSG Adviser

Panukalang Proyekto
Photo Version
Typewritten Version
Diskwentong Alok ng FEC para sa Unang Limampung
Estudyanteng Mag-eenroll sa Paaralan
1. Proponent ng Proyekto: Upang maraming estudyante ang mag-enroll sa FEC
2. Deskripsyon ng Proyekto:
Upang maging abot kaya para sa mga mag-aaral ang
binabayaran na miscellaneous fee sa FEC. Nagbigay ang FEC ng mga diskwento
sa mga mag-aaral at promo tulad ng uniporme at tablet upang makahikayat lalo
ng maraming estduyante na mag-aaral sa FEC.
3.Rasyonal ng Proyekto:
Kaya’t binigay ang promo na ito dahil ang iila sa mga estudyante
na nag-aaral sa mga publiko at pribadong paaralan ay hind bila alam ang
kaibahan ng tuition fee sa miscellaneous fee sa pamamagitan nito, mauunawaan
nila kung ano ang kanilang binabayaran ng may pinababang halaga.
4. Layuning ng Proyekto:
 Ang layuning ng proyekto ng FEC ay upang mabawasan ang kanilang
binabayaran.
 Para dumami ang mag-enroll sa FEC
5. Estratehiya:
Pagdalaw sa mga pampubliko at pribadong paaralan at ibahagi
ng FEC ang kanila discount at promo para sa mga estudyante. Una, ihahanda ang
mga budget na kakailanganin para sa transportasyon sa iba’t-ibang paaralan na
pupuntahan ng FEC. Pangalawa, ihahanda ang mga budget na kakailanganin para
sa transportasyon sa iba’t-ibang paaralan na pupuntahan ng FEC. Ikatlo, dahil
inisa-isa na ng FEC sa mga iba’t-ibang paaralan at ipinaliwanag ang kanilang
mga inaalok sa mga estudyante na promo na tungkol sa mga mag-eenroll.

6. Implementasyon at Iskedyul:
Gawain Inaasahang Output Iskedyul
Paghanda sa budget na Sapat na ang kakailanganing Marso 2018
ilalaan sa proyekto budget para sa proyekto
Pagbisita sa mga Mapupuntahan ang lahat ng Abril at Mayo
pampubliko at pribado na paaralan sa lungsod 2018
paaralan
Pagtaguyod sa diskwento at Mabibigyang kaalaman ang
promo na inaalok ng FEC mga mag-aaral ukol sa
sa mga estudyanteng mag- inaalok ng diskwento at
eenroll sa paaralan promo ng paaralan

7. Halimbawang Pormat

TBD

8. Mga kasangkot sa proyekto:


Pangalan Posisyon/Kinaaaniban Tungkulin sa Proyekto
Sir Khen Eiron Miranda SSG Adviser Tagataguyod ng Proyekto
Jared Mark Fruelda SSG President Tagapamahala ng
Proyekto
Jerald Tayag SSG Vice President Pinuno sa gagawing pag-
alok
Aileen Galang SSG Secretary Taga-organisa ng proyekto
Sheila Pardilla SSG Treasurer Tagakwenta sa salapi

9. Badyet:
Gastusin Halaga bawat yunit Tungkulin sa proyekto
Printout ng iaalok na P3,000 x 3 P9,000
diskwento
Tablet P4,000 x 10 P40,000
Uniporme P900 x 10 P9,000
Iba pang gastusin P1,000 P1,000
Kabuuan P59,000
Posisyong Papel
PHOTO VERSION

T
Y
P
E
W
R
I
T
T
E
N
VERSION
Posisyong Papel ng Supreme Student Government Hinggil
sa Paggamit ng Marijuana Bilang Medisina
MAGAMIT ANG MARIJUANA BILANG MEDISINA SA PAGGAMOT NG IILANG
SAKIT AT MAPAG-ARALAN PA ITO NG HUSTO NANG MAPALAWAK PA ANG
MAPAPAGGAMITAN NITO
Posisyong Papel na nauukol sa Batas Republika Blg. 6425
Paninindigan ng Supreme Student Government na binubuo nina Jared Mark Fruelda,
Jerald Tayag, Khen Eiron Miranda, Sheila Pardilla, Aileen Galang
Nais ng Supreme Student Government n14g Far East College na gawing legal ang
paggamit ng Marijuana sa medikal at edukasyonal na pamamaraan sa kadahilanang may
potensyal ito na makapaggamot ng mga karamdamang walang lunas. Maituturing mang
ilegal na droga ang Marijuana, may maganda pa din itong naidudulot sa kalusugan ng isang
tao kung ang paggamit nito ay hindi inaabuso. Masasabing mabisang paraan ang paggamit
nito para maggamot ang mga sakit na kinakailangan nito.
Ang Marijuana ay nakakapagbuti sa kalusugan ng mga taong may AIDS/HIV at
nagpapababa din ng neuropathic pain. Ito din ay nakakapagpataba, sa isang pag-aaral
sinasabing pinapababa ng Marijuana ang protein deposit sa utak ng isang tao na maaaring
ugat ng sakit na Alzheimer’s. Nakakapagpababa rin ng magkaramdam ng sakit ang mga
taong may Arthritis kung saan sila’y nakakatulog ng mahimbing. May pag-aaral din na
nagpapatunay na magagamit din ang Marijuana sa pagsugpo sa cancer cells na maaaring
makapagpigil sa paglaki ng kaso ng cancer sa isang tao. Nakakapagpababa din ang
Marijuana sa pagkaka-epilepsy ng isang tao.
Maituturing mang prohibited drug ang Marijuana ay may maganda pa din itong
naidudulot para sa kalusugan ng isang tao. Maaaring ito ay maging bahagi ng paraan na
makakapagpaunlad sa kalusugan ng mga mamamayang Pilipino pati na din sa buong mundo.
Talumpati
Jared Mark Fruelda
PHOTO VERSION

TYPEWRITTEN VERSION
Kabataan Noon at Ngayon
Malaki ang nagbago sa pag-uugali, pagkilos, at kultura ng kabataan ngayon mula
sanoon. Wika nga ng pambansang bayani natin na si Jose Rizal, “Kabataan ang pag-asa ng
bayan.” Nasasalamin ba ang mga kabataan sa uri ng kabataang tinutukoy ni Rizal?
Sa tuwing naririnig natin ang paksang ito, laging pumapasok sa isip natin na hindi
na kaaya-aya ang pinapakitang halimbawa ng mga kabataan ngayon. May mga batang
maagang nabubuntis, may mga umiinom ng alak, naninigarilyo, walang respeto sa
magulang, at napapariwara. Nakakalungkot isipin na nagkakaganito ang iilan sa mga
magtataguyod ng susunod na henerasyon. Ngunit hindi lamang iyon ang nagbago sa kanila.
May mga bata pa rin na patuloy na nagpupursige na maiangat ang kanilang bayan. Sila ang
ma hindi nabibigyan ng atensyon na mailagay sa harap ng dyaryo. Aing iilan sa kanila’y
marunong gawin ang mga bagay na nagagawa ng nakatatanda gaya ng pagtaguyod sa
pamilya. Sa henerasyong ito, hindi natin masasabing watak na ang kabataan.
Kung mapapansin natin, may mga kabataan na nais mapaunlad ang bayan. Huwag
dapat maging negatibo ang tingin natin sa kanila at marapat na ibigay ang tiwala na
maitataguyod nila at mapapagyamanin pa ang bansang sinilangan natin.
Aileen Galang
PHOTO VERSION
TYPEWRITTEN VERSION
“ Kabataan ”
“Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan”. Yan ang sinasabi ng mga ibang tao , ngunit
sa kasalukuyan. Ang kabataan parin ba ang pag-asa ng bayan?.
Isang pagbati ng mapagpalang araw sa lahat ng mga nakikinig.
Ayon kay Gat Jose Rizal “ Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan ” gasgas man sa
ating pandinig, hindi pari ito maiaalis sa kaisipan at paniniwala ng bawat Pilipino. Ngunit kung
titignan natin ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Mga kabataan ang nasasadlak sa
mga maling Gawain tulad ng pag-dodroga, maagang pagbubuntis ng mga kabataan, maagang
paninigarilyo, maagang pag-aasawa. Masasabi padin ba na ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
Sa panahon ngayong masasabi kong hindi mga kabataan ang pag-asa ng bayan kundi sila pa ang
sumisira sa ating bayan tulad nalang ng mga kabataan na nagdodroga alam naman natin na mali
o may masamang maidudulot sa buhay ginagawa pa nila. Maagang pagbubuntis ng kabataan
alam din naman nila na pinapag-aral sila ng kanilang mga magulang upang makatulong at para
din sakanila ngunit hindi pa nila ito sinunod ginawa pa nila ang mga mali. Kung ako ang
tatanungin, isa ring kabataan na nabibilang sa kasalukuyang panahon, nanatili parin na ang
kabataan ay ang pag-asa ng bayan. Hindi natin maiwasan na masadlak sa mga maling Gawain
ng mga kabataan, dahil may mga bagay sila na hinahanap. Mga bagay na magpaparamdam sa
kanila ng pagmamahal at pag-aaruga, at mga tao na handang dumamay sa kanila. Na dahil din
sa hindi matapos tapos na paghihirap , mas pinipili pa rin ng mga ilang kabataan na gumawa ng
kamalian para may maihain lamang sa hapag-kainan at ay panlaman tiyan. Ang mga kabataan
na nasasadlak sa masamang bisyo ay hindi nararapat na husgahan bagkus dapat nating silang
bigyan ng pagkakataon upang magbago.
Bionote
Jared Mark Fruelda
PHOTO VERSION

TYPEWRITTEN VERSION
Bionote ni Francisco Sionil Jose
Siya’y isa sa mga pinakatanyag na manunulat sa wikang Ingles. Noong Disyembre
3, 1924 nang siya’y ipinanganak sa Rosales, Pangasinan. Nag-aral sa Pamantasan ng Santo
Tomas ngunit hindi ito pinagpatuloy sa halip siya’y naging isang manunulat, at
mamamahayag sa peryodiko sa Maynila.
Kilala siya sa kanyang mga malilikhaing gawa na umantig sa damdamin ng
kanyang mga mambabasa at sa paggamit ng Pilipinong Ingles sa kanyang panitikan. Isa sa
kanyang mga lika ang “The Pretenders”, ang kaniyang pinakatanyag na nobela kung saan
ginawaran siya ng parangal na “Mga Gantimpalang Ramon Magsaysay” para sa
Pamamahayag at, Malikhaing Sining ng Pakikipag-ugnayan noong 1980. Tumanggap din
siya ng iba pang parangal gaya ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan at
Gantimpalang Pablo Neruda.
Isa siya sa mga kinilalang Pilipinong manunulat sa labas ng Pilipinas, ngunit hindi
siya nabigyan ng pansin sa kanyang bansa dahil sa paggamit ng wikang Ingles at sa mga
pananaw niyang laban sa mga elitista.
Sa kabuuan ng kanyang karera, itinaguyod niya sa kanyang mga likha ang
katarungang panlipunan at pagpapakita ng pag-asa tungo sa pagbabago upang mapabuti ang
mga buhay ng mga pangkaraniwang mamamayang Pilipino. Nakihalubilo din siya sa mga
pakikibakang panlipunan sa pamamagitan ng pagsusulat ng nobela kung saan malaki ang
impluho niya kay Jose Rizal. Talaga lamang na siya’y ikamangha buhat sa kahanga-hangang
mga naiambag niya sa larangan ng panitikan at sa ating bansa.
Buod
Jared Mark Fruelda
PHOTO VERSION

TYPEWRITTEN VERSION
Buod ng Pelikulang “A Silent Voice”
Ang pelikulang “A Silent Voice” ay nilikha ng A-1 Pictures noong Abril 2017.
Unang ipinalabas sa Japan noong Setyembre 2016. Ito ay nagmula sa nobela.
Ang Nakaraan
Bago magtangkang magpakamatay si Ken, inalala niya ang napakadilim niyang
nakaraan kung saan binubully niya ang kaklase niyang si Kate. Dahil sa ginawa niya,
nawalan siya ng mga kaibigan at hindi niya alam na bingi pala siya.
Kasulukuyan
Nangako siya sa kanyang ina na hindi na niya ulit gagawing magangkang
magpakamatay. Hinanap niya ang nakaraang binging kaklase at nag-alok na
makipagkaibigan sa kanya. Naging masaya silang magkasama pero ginagambala pa din sila
ng nakaraan.
Pagkikitang Muli
Muling nagkita uli ang mga magkakaklase noon para magsaya. Hindi nangyari ang
inaasahang pagsasaya dahil sa hindi pagkakasundo at sinisisi ang binging kaklase na
nawatak ang pagkakaibigan nila dahil sa kanya. Hindi komportable ang pakiramdam nila sa
isa’t-isa.
Trahedya
Hinanap ni Ken ang binging kaibigan at nakita niya na nagtangkang tumalon ito sa
mataas na gusali ngunit tumakbo siya para iligtas siya. Nailigtas niya ang kaibigan ngunit
siya ang nahulog. Si Ken ay dinala sa ospital. Sinisisi ngayon ng nakaraang magkakaklase
ang binging kaklase.
Aileen Galang
PHOTO VERSION

TYPEWRITTEN VERSION
HALAGA NG PAG-AARAL TUNGO SA PAG-UNLAD NG BANSA
(NI YOLANDA PANIMBAAN. CANATAN LEARNING CENTER )
Ang edukasyon ay ang susi ng tagumpay. Ang edukasyon ay ang tanging yaman na
kahit kailan ay hindi makukuha lalong lalo na hindi mananakaw ng kahit sino man ditto sa ating
mundo.
Edukasyon ay ang pinaka importanti sa ating buhay. Makakamit ang tamang
edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti. Sa ating buhay hindi lahat natin makukuha
ng walang paghihirap at pagsisikap. Ganoon din sa pag-aaral , dadaan ka muna sa butas ng
karayom. Lahat naman tayo ay mayroong karapatang makapag aral. Lahat naman tayo ay nanais
makapag-aral ngunit sadyang hindi ito pinapahalagahan ng iba.maraming tao ang hindi
nakakapag-aral dahilan na nga lang ang kahirapan. Marami din namang mga mahihirap na
nakakapagtapos sa pag-aaral na hindi dahilan sa kanila ang kanilang kahirapan. Kaya habang
may buhay at may pagkakataon pang pwedeng mag-aral, sikapin at pilitin makapag-aral upang
sa ika uunlad ng buhay.

Mga susing salita :sikapin, edukasyon , karapatang makapag aral , susi ng tagumpay.

Abstrak
Jared Mark Fruelda
PHOTO VERSION
TYPEWRITTEN VERSION
Pananatili sa Kalinisan ng Ating Kapaligiran
Intensiyon ng sanaysay na ito na makapag-ambag sa paglalaganap ng kalinisan at
disiplina sa kapaligiran nang maipreserba ito para sa hinaharap pang henerasyon. Gaya
lamang ng mga karangal-rangal na sulatin nina Narmie P. Maulingan, at Sara Angela
Arellano na nagpapakita ng pag-ibig sa ating paligid. Sa sanaysay na ito, tatalakayin ang
mga bagay na maaaring gawin ng isang tao upang maitaguyod ang kalinisan maging sa
kanyang tirahan at lipunan. Layunin nito mamulat ang mga ng mga mamamayang Pilipino sa
unti-unting pagkasira ng ating kalikasan na maaaring magdulot pa ng suliranin sa buhay ng
mga Pilipino gayundin sa ating bansa.

Mga susing salita: Pananatili ng kalikasan, pag-ibig sa ating paligid, pagkasira ng ating
kalikasan, suliraning sa buhay
Aileen Galang
PHOTO VERSION
PHOTO VERSION
TYPEWRITTEN VERSION
ALINTUNTUNIN NG PAMAHALAAN, PAG-UNLAD NG BAYAN
Intensiyon ng pamahalaan na ito na makatulong sa paguunlad ng bayan at mga
bawat mamamayan upang lalong matiwasay ang mga bawat isa. Marapat lamang na sundin ang
mga alituntunin ng pamahalaan upang ang bawat isa sa atin ay magkaunawaan. Angn mmga
katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga pangulo tulad nina Pang. Nina lopez, Pang. Jose
Enriquez , Pang. Nicanor Abelardo at Pang. Jeffry Tiongson na nagsasaad ng mga alituntunin
ng pamahalaan sa ating buhay at lipunan. Sa sanaysay na ito , tinalakay at sinuri ng mmga
pangulo ang mmga isinaad ng mga alituntunin ng pamahalaan sa ating bayan. Ang layunin na
isinaad ng mga pangulo ay hindi lamang dapat matiwasay ang ating bayan kundi mas lalo pang
gustong maisaayos an gating lipunan kahit sa mmaliit o malaking bagay man.

Mga susing salita: pagpapa-unlad ng bawat mamamayan, alituntunin,katangitanging sulatin,


sinuri,isinaaad.
Bionote (aileen)
Bionote ni nick Joaquin
Si nicomedes marquez Joaquin, na kinikilala ng karamihan
bilang nick Joaquin , ay isang pilipinong manunulat
mananalaysay ng kasaysayan at mamamahayag at kilala sa
pagsusulat ngn mg a maikling kwento at nobela sa wikang
ingles pagkatapos ng ikalawang digmaang pandaigdig. Dahil
sa maraming karanasan noong panahon ng digmaan ang
paksa ng mga tula ay iba-iba ukol sa makatotohanan at
buhay na buhay kaya malapit sa karanasan ng mambabasa.
Kinilala rin siyang quijano de manila bilang pangalawang
panulat . Si Nicomedes Marquez Joaquin o kilala bilang
Nick Joaquin ay kilala din bilang pinakamagaling na pintor
sa bansa. Si Nick Joaquin ay isa din siyang mananayaw. Ang
kanyang asawa ay si Julia Joaquin. Si Julia Joaquin ay kilala
din bilang pinaka marunong na manunulat siya din ang
pinaka marunong na mananayaw sa lahat ng uri ng
pagsasayaw. Si Nick Joaquin at Julia Joaquin ay
nakikipaglaban sa iba’t-ibang bansa ng mga sayaw. Si Nick
Joaquin ay may 3 anak.
Replektibong Sanaysay
Labis ang kaligayahan ang aking nadama nang aking
makamit ang pinakahihintay na maging isang tanyag na
piloto. Halos hindi ko mapigilan ang paglundag na may
kasamang halakhak habang dinarama ko ang pagkakataong
ito. Muli kung binalikan ang bakuran na kinahihiligan kong
puntahan noon at para maglaro ng aking mga laruang
eroplano habang ako’y nagpapanggap na isang piloto.
Natatandaan ko pa ang mga nasasaya kong karanasan ditto
noong mga 10 taon nakalipas.
Ang bakuran ay puno ng mga halaman na nakapalibot sa
lupang may mga lantang dahon. Kadalasang mahangin sa
lugar na ito kaya’t dama ko ang pagiging piloto. Maririnig
din dito ang awitin ng mga ibong naninirahan dito kaya’t
masasabing ang lugar nito ay kanais-nais. Niyaya ko ang
aking ama na kami’y maglaro sa aming bakuran bilang
piloto. Kami ay nagpalipad ng saranggola at binuhat niya
ako at iniangat sa akin sabay tinawag niya akong isang “
super pilot ”. Ako’y napangiti sa kanyang sinabi at nangako
akong isasakay ko siya sa eroplano at liliparin namin ang
buong mundo.
Sa kabuuan, labis ang aking pasasalamat sa aking mga
magulang na lubos na nagtiyaga at patuloy na nagsuporta at
kung wala sila, wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.

You might also like