Ang Rosas at Ang Paru-Paro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Rosas at Ang Paru-Paro

Isang araw, may isang kaharian sa MALAYONG lugar. Sa kaharian na ito ay may isang hardin.
Ordinaryo lang ang hardin. Di ganoong kalakihan pero sumasapat para sa mga bulaklak nito.
Lalo na sa isang rosas. Ang rosas na ito ang unang bulaklak na sumibol sa hardin. Lumaki itong
pulang-pula, at napakabango. Maniwala kayo, sobrang bango ng rosas. Kinalauna'y nagbunga't
nag-aruga na rin ito ng maraming bulaklak na lumaking kuntento sa hardin tulad ng rosas.
Masaya naman ang rosas. Alam namin--Alam ng mga bulaklak na Masaya ang rosas.
Tapos isang araw, may dumapong paru-paro sa rosas. Sa pagkakadapo nito, tinanong niya ang
rosas, "Masaya ba maging rosas?" Napa-isip tuloy ang rosas. Gaano ba kasaya maging rosas—
maging rosas na tulad niya, nalalanta't nawawalan na ng bango.

Araw-gabing nakatingala ang rosas, sinusubukang masulyapang muli ang magandang paru-
paro...
Nang bumalik ang paru-paro, tinanong naman siya ng rosas, "Gaano kasarap ang paglipad?"
Habang nagyayabang ang insekto sa kakayahan niyang lumipad, nakita ng buong hardin ang
kawalan sa mata ng rosas.

Nainggit ata ang rosas.


Pero Masaya siya. Oo, Masaya lagi ang rosas.
Masaya kami sa hardin.
"Masaya naman maging rosas" panigurong sabi niya sa'min.
Masaya nga siya.
Hanggang sa isang araw…

You might also like