Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: Nicole L.

Moscare Petsa: January 9, 2018


Grade & Section: 8-ESEP Newton

Mga Elemento ng Dokumentaryong Pampelikula


1. Sequence Iskrip – Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa
pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento.
2. Sinematograpiya – Pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang
tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
3. Tunog at Musika – Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng
tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood.
4. Pananaliksik o Riserts – Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng
dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naihaharap nang mahusay at
makatotohanan ang mga detalye ng palabas.
5. Disenyong Pamproduksyon – Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena,
pananamit at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento.
6. Pagdidirihe – Mga pamaraan at diskarte ng director kung paano patatakbuhin ang
kuwento sa telebisyon o pelikula.
7. Pag-eedit – Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong muli ng mga negatibo mula
sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain
kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya
ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera sa Pelikula

1. Establishing/Long Shot – Sa ibang termino ay tinatawag na “scene- setting”. Mula sa


malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang
manonood sa magiging takbo ng buong pelikula o dokumentaryo.
2. Medium Shot – Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o mula baywang paitaas.
Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may diyalogo o sa pagitan ng dalawang
taong nag-uusap. Gayundin, kapag may ipakikitang isang maaksiyong detalye.
3. Close-Up Shot – Ang pokus ay nasa isang partikular na bagay lamang, hindi
binibigyang-diin ang nasa paligid. Halimbawa nito ay ang pagpokus sa ekspresiyon
ng mukha; sulat-kamay sa isang papel.
4. Extreme-Close Up – Ang pinakamataas na lebel ng “close-up shot”. Ang pinakapokus
ay isang detalye lamang mula sa close-up . Halimbawa, ang pokus ng kamera ay nasa
mata lamang sa halip na sa buong mukha.
5. High Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging itaas, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim.
6. Low Angle Shot – Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
7. Birds Eye-View – Maaari ring maging isang “aerial shot” na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi. Halimbawa nito ay ang
senaryo ng buong karagatan at mga kabundukan na ang manonood ay tila isang
ibong lumilipad sa himpapawid.
8. Panning Shot - Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang
masundan ang detalyeng kinukunan. Halimbawa nito ay ang kuha sa isang
tumatakbong sasakyan o isang taong kumakaripas ng takbo.

You might also like