Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region VI-Western Visayas


Division of Capiz

PAKITANG-TURO SA FILIPINO

Banghay Aralin sa Filipino 9

April 17, 2017

I. Layunin:

1. Natutukoy ang pang-abay sa pangungusap


2. Nagagamit ang pang-abay sa pagbuo ng pangungusap
3. Nauuri ang pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan

II. Paksang Aralin


Paksa: Pang-abay
a. Pamanahon
b. Panlunan
c. Pamaraan
Kagamitan: multi- media projector, laptap, tsart, pentel pen
Sanggunian : Modyul sa Filipino- 9, pp. 37

III. Pamamaraan:

A. Pagbabalik- aral :

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang seleksiyon. Punuan ng tamang


pangatnig ang patlang upang mabuo ang diwa nito.

Kapag Lumaki Na

Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa


mga nilalang na hindi natin nakikita-kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak,
multo, at mangkukulam. Mga lamang –lupa raw ang tawag dito. Nagtataka ako
_______ bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas, at luya. Mga lamang-lupa rin
naman iyon.
_______ nagkakasakit tayo, ipinipilit ng nanay na masarap ang lasa ng gamot
para sa sakit mo. _____ kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika.
____ mapainom ka, kailangang pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot
kahit pati sila kapag umiinom nito ay nagkakandangiwi na rin sa simangot. ___
may batok ka galing kay tatay kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang
ipinambili ng gamot.

Mula sa Modyul ng Grade 9-Filipino

Batay sa inyong nabuong sagot, ano ang pangatnig?

Paano nakatutulong ang pangatnig sa pagsasalaysay ng


pangyayari ?

B. Pagganyak:

-Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat.


-Pamumumod ng mga gabay na tanong.
Gabay na tanong:

Pangkat 1

1. Batay sa pangungusap sa ibaba, ano ang isinasaad ng salitang may


salungguhit?
2. Kung susuriin , anong bahagi ng pananalita ang salitang may salungguhit?

“Maya-maya bumalik uli si Pinang at nagtanong kung nasaan ang


palayok.”

Pangkat 2

1. Ano ang ginamit na pahayag sa pagsisimula ng alamat?


2. Kailan lagi nagtatanong si Pina sa kaniyang nanay?

Pangkat 3

1. Saan nakatira ang mag-inang si Aling Rosa at Pinang?


2. Saan ibig pumunta ni Pinang kapag inuutusan ng kaniyang ina?

Pangkat 4

1. Paano tinatrato ni Aling Rosa si Pinang kahit binabalewala ni Pinang ang


kaniyang utos?
2. Paano nabubuhay ang mag-ina?

-Pagpapakita ng video clip/animation na kinapapalooban ng mga


pahayag/diwa na may pang-abay.

C. Paglalahad :
Ipapaskil sa pisara ang mga nabuong sagot ng mga mag-aaral.
Tanong:
1. Ano ang nakasaad sa unang pahayag/pangungusap?
2. Ano ang tawag sa salitang may salungguhit sa gawain ng pangkat 1?
3. Ano ang isinasaad ng sagot ng pangkat 2?
4. Ano ang tawag sa pang-abay na nagsaad ng panahon?
5. Ano naman ang isinasaad sa sagot ng pangkat 3 ng unang tanong?
6. Ano ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan
naganap ang pangyayari?
7. Sa pangalawang sagot ng pangkat 3, ano ang isinasaad nito ?
8. Ano ang tawag sa pang-abay na naglalarawan kung paano naganap ,
nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa?

D. Pagbibigay input tungkol sa pang-abay at mga uri nito.


Alam mo ba na…
Ang Pang-abay ay mga salitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa
pang-abay.
Tatlong uri ng Pang-abay
1. Pang-abay na Pamanahon- nagsasaad kung kalian naganap o magaganap
ang kilos na taglay ng pandiwa.
2. Pang-abay na Panlunan- nagsasaad ng lugar kung saan nagana pang
pangyayari.
3. Pang-abay na Pamaraan- naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o
magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa.

E. Pagtatalakay:
Pagtukoy sa pang-abay
Pagbigay ng pamantayan para sa pangkatang Gawain
Pamantayan Bahagdan/Puntos
Kahusayan at katumpakan ng sagot
Kaisahan
Presentasyon
Bahagdan/Puntos
Pangkatang Gawain:

Pangkat 1

Gamitin sa pangungusap ang pang-abay na nakatala at iulat sa paraang “Ulat


Panahon”

 noong unang panahon


 mayamaya
 araw-araw
 tuwing

Pangkat 2

Gumawa ng dalawang pangungusap batay sa pangyayari sa napanood/nabasa na


alamat gamit ang mga sumusunod na pang-abay at iulat sa paraang “Rated K” .

 sa maliit na baryo
 sa labas

Pangkat 3

Magtala ng dalawang pangungusap na nagsasaad ng paraan ng kilos hango sa


“Alamat ng Pinya at ibahagi sa klase sa paraang “Masining na Pagkukuwento”.

1. Pamumuhay ni Aling Rosa at Pina


2. Pagtrato ni Aling Rosa sa kanyang anak na si Pina.

Pangkat 4

Uriin ang mga pag-abay na nakatala sa pisara gaya ng mga sumusunod:


maya-maya sa maliit na baryo
tuwing nang maligaya
nang maayos

Pang-abay Uri ng pang-abay


1.
2.
3.
4.
5.

F. Pagbabahaginan ng bawat pangkat


G. Pagbibigay feedback ng mga nakinig
H. Pagproseso sa sagot ng mga mag-aaral sa patnubay ng guro
I. Paglalahat:
Batay sa iyong natutunan, punan ang talahanayan ng mga mahalagang kaalaman tungkol
sa pang-abay at uri nito.

Pang-abay Uri ng Pang-abay Mensahe ng Alamat ng Pinya


IV. Pagtataya:

Panuto: Suriin ang seleksyon. Itala ang mga pang-abay sa diagram at iguhit ang
orasan () sa pang-abay na panlunan, lapis naman () para sa pang-abay na
pamaraan at krus () para sa pang-abay na panlunan.

ANG ALAMAT NG SAGING

Noong unang panahon sa isang nayon ay may magkasintahan. Sila ay si Juana at si Aging.Sila`y labis na
nagmamahalan sa bawa`t isa. Ngunit tutol ang mga magulang ni Juana sa kanilang pag-iibigan. Gayun pa
man di ito alintana ni Juana. Patuloy pa rin siyang nakikipagkita kay Aging.

Isang araw, naabutan sila ng ama ni Juana. Bigla itong nagsiklab sa galit at hinabol ng taga si Aging.
Naabutan ang braso ni Aging at ito`y naputol. Tumakas si Aging at naiwang umiiyak si Juana. Pinulot
niya ang putol na braso ni Aging at ito`y ibinaon sa kanilang bakuran.

Kinabukasan, gulat na gulat ang ama ni Juana sa isang halaman na tumubong bigla sa kanilang
bakuran. Ito`y kulay luntian, may mahahaba at malalapad na dahon. May bunga itong kulay dilaw na
animo`y isang kamay na may mga daliri ng tao

Tinawag. niya si Juana at tinanong kung anong uri ng halaman ang tumubo sa kanilang bakuran.

Pagkakita sa halaman, naalaala niya ang braso ni Aging na ibinaon niya doon mismo sa
kinatatayuan ng puno. Nasambit niya ang pangalan ni Aging.

"Ang punong iyan ay si Aging!" wika ni Juana.

Magmula noon ang halamang iyon ay tinawag na "Aging" at sa katagalan ito`y naging saging.

Pang-abay Uri ng Pang-abay


1
2
3
4
5

IV. Takdang Gawain:

Panuto :

 Magsalaysay ng isang karanasan sa isang pagdiriwang na hindi malilimutan tulad ng pasko,


pista, kaarawan at iba pa. Gumamit ng pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan.
 Magdala ng mga lumang magasin, brochure, glue o anumang pandikit, gunting, lapis,
coupon bond para sa susunod nating gawain.

You might also like