Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Ibong Adarna

All: Magandang hapon sa inyong lahat, kami ang unang grupo.

Mga Tauhan :
Tecson - Haring Fernando
Carmina : Siya ang Hari ng Berbanya, ama nina Don Pedro, Don Diego at Don juan.
Sabado - Reyna Valeriana
Carmina : Reyna ng Berbanya, ina ng tatlong magkakapatid.
Dexter - Don Pedro
Carmina : Prinsipe ng Berbanya, ang panganay na anak.
Tecson - Don Diego
Carmina : Prinsipe ng Berbanya, ikalawang anak ni Haring Fernando.
Aaron - Don Juan
Carmina : Prinsipe ng Berbanya, bunsong anak.
Keanne - Donya Maria
Carmina : Prinsesa ng kaharian ng Cristales, taglay niya ang kapangyarihan ng mahika
blanca.
Erika - Donya Leonora
Carmina : Iniligtas ni Don Juan mula sa serpyenteng may 7 ulo.
Lindy - Donya Juana
Carmina : Iniligtas ni Don Juan mula sa higante.
Dexter - Haring Salermo
Carmina : Hari ng Reyno De los Cristales, ama ni Donyo Maria.
Shin
Pablico - Mga Ermitanyo
Carmina
Carmina : Ang mga taong tumulong kay Don Juan upang magtagumpay.
Pablico - Ibong Adarna
Carmina : Ang mahiwagang ibon.
Lindy : May isang tahimik, payapa, at maunlad na kaharian kung tawagin ay Berbanya,
maayos and pamumuhay rito ng mga mamamayan. Kung may nagkasala ay
makatuwirang kaparusahan ang ipapataw.
Don Pedro : Magbigay pugay sa ating Amang Hari, isang dakila at uliran sa kabaitan,
maunawain at makatwiran.
Don Juan : At ang Inang Reyna Valeriana, ang aming mayumi at maalagaing ina.
Haring Fernando : Mabuti, ngayon ay inaasahan kong kayo ay susunod sa mga nilathala
kong mga batas at ako’y umaasa na lahat ng ito ay inyong susundin.
All: Makakaasa po kayo mahal na Hari!
Lindy : Pinag-iisipan niyang mabuti ang kanyang mga desisyon kaya mahal na mahal
siya ng kanyang mga nasasakupan at maging sa karatig na kaharian, siya’y
pinapagitnaan.
Sila’y may tatlong anak, sina Don Pedro (ang panganay, sa tindig ay kagalng-galang),
Don Diego(pangalawa, malumanay kung magsalita), at si Don Juan(bunsong anak,
mabait, magiliw at mapagmahal)
Reyna Valeriana : Kayo ay nasa wastong gulang na. Ipasasanay ko kayo dahil balang
araw, isa sa inyo ang mamumuno ng kaharian.
3 Prinsipe : Bakit mahal na ina?
Lindy : Pinaturuan ng Hari ang tatlong prinsipe upang magkaroon ng malawak na
kaalaman. Sapagkat ang paniniwala ng Hari, kahit sila’y mga anak ng Hari at Reyna ay,
dapat silang matuto upang hindi mapulaan ng mga tao.
3 Prinsipe : (Nagsanay gamit ang espada)
Haring Fernando : Sila’y nagtagumpay na matapos ang isang mahirap at nakakapagod na
pagsasanay. (Sila’y nagpalakpakan)
3 Prinsipe : Kami’y nagpapasalamat sa taos pusong pagtanggap sa amin.
Lindy : Sa mahusay at maayos na pamumuno ni Haring Fernando sa kaharian ng
Berbanya ay patuloy na umunlad ang kanyang nasasakupan. Ang kasiyahan ay laging
nasa puso ng bawat isa, ni minsan ay hindi nagkarron ng puwang ng kalungkutan sa
kahariang ito.
Shin : Hanggang sa dumating ang isang pangyayari sa buhay ni Haring Fernando na
nagdulot ng lumbay hindi lamang sa kanyang pamilya bagkus sa buong kaharian. Isang
masamang panaginip ang naganap sa Hari, batay sa kanyang panaginip, ang kanyang
bunso at pinakamamahal na Prinsipe na si Don Juan ay nalinlang ng dalawang tao at
pinatay pa. Pagkatapos, ay inihulog ang bangkay ng Prinsipe sa isang napakalalim na
balon.
Haring Fernando : Huwag niyong saktan ang aking anak!
3 Prinsipe : Ama! Gumising kayo.
Reyna Valeriana : Mahal ko, ikaw ay nananaginip ng masama.
Shin : Buhat noon, hindi na matanggal sa isip ng hari ang masamang nangyari sa kanyang
bunsong anak, dahil doon ay siya ay nagkasakit.
Reyna Valeriana : Napaka-tamlay ng inyong ama, ipatawag ang lahat ng manggagamot
sa buong kaharian.
3 Prinsipe : Ngayon din, mahal na ina.
Shin : Agad ding tinawag ang mga manggagamot ng Berbanya. Natuklasan na may
malubhang sakit ang Hari at ang tanging ang awit ng ibong Adarna ang makakagamot na
matatagpuan sa bundok Tabor sa puno na tinatawag na Piedras Platas. Agad na inutusan
ng Hari ang panganay na anak na si Don Pedro.
Haring Fernando : Mahal kong anak, ako sana ay tulungan, pumunta ka sa bundok Tabor
at uhlihin ang ibong Adarna.
Shin : Naglakbay si Don Pedro patungo sa kinaroroonan ng Piedras Platas. Bago pa man
niya marating ang Bundok Tabor ay namatay ang kanyang kabayo kaya napilitan siyang
maglakad. Sa wakas ay narating na niya ang pinaroroonan. Nakita niya ang kakaibgang
puno, namangha siya rito. Ngunit dahil sa pagod ay nakatulog ito at hindi naabutan ang
pagdating ng ibon.
Don Pedro : (Tinatanaw ang puno) Talagang nakakamangha ang punong ito! (Hinikab)
Nakakapagod naman, makatulog muna.
Shin : Sa kanyang malalim na pagtulog, dumating ang ibong adarna. Katulad ng
nakaugalian, umawit ito ng pitong beses kasabay ang pagpapalit ng anyo. Sa kamalasan
ni Don Pedro, pagkatapos ng ibong umawit, ay napatakan siya ng dumi nito at naging
bato, hindi na siya nakabalik sa kaharian ng Berbanya.
Cut!
Carmina : Hindi na nakabalik si Don Pedro dahil siya ay naging bato. Sumunod na
naatasan si Don Diego upang hanapin ang ibong Adarna.
Reyna Valeriana : Matagal na panahon na rin ng makaalis si Don Pedro. Ngayon ay
inaatasan kita upang alamin kung anong nagyari sa iyong kapatid at hulihin ang ibong
Adarna.
Don Diego : ikinalulugod kong gawin ang iyong utos mahal na inang reyna.(nagbigay
galang)
Carmina : Katulad ng paglalakbay ni Don Diego ang paglalakbay ni Don Pedro, ngunit 5
buwan siyang naglakbay na bas matagal kayisa kay Don Pedro.
Don Diego : (Hinihingal) Ngayon ay alam ko na kung ano ang dinanas ng aking kapatid.
Sana’y magtagumpay ako.
Carmina : Gabi na ng makarating si Don Diego sa puno at dito siya naghinatay. Nagtaka
ito dahil ni isang ibon ay walang dumadapo sa puno. Katulad ng nangyari sa kapatid,
ito’y napagod at namahinga.
Don Diego : Talagang kamangha-mangha ang punong ito.
Carmina : Di nagtagal, dumating ang ibong Adarna at sinimulang umawit at magpalit ng
balahibo. Naaliw si Don Diego at di namalayang siya’y nakatulog. Nang ikapitong awit
na ng ibon ay dumumi ito at napatakan ang Prinsipe. Katulad ni Don Pedro ay siya din ay
naging bato.
Cut!
Erika : 3 taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakabalik ang magkapatid. |Lubhang
nalungkot ang buong kaharian, kasama na si Don Juan na lubhang naapektuhan kaya’t
nagpasya siya nahulihin ang ibong Adarna at alamin ang nangyari sa kanyang mga
kapatid. Ngunit hindi pumayag ang Hari at Reyna.
Don Juan : (Nakahiga ang Hari, magbibigay pugay si Don Juan sa Hari at Reyna) Mahal
kong inang Reyna at amang Hari, payagan niyo ako na sumunod sa aking mga kapatid at
tuklasin kung ano ang kinahinatnan nila at hulihin na din ang ibong Adarna.
Reyna Valeriana : Ngunit Juan, ikaw na lamang ang natitirang Prinsipe sa Berbanya.
Haring Fernando : Hindi ko maaatim na mawala pa ang aking bunsong anak dahil
mawawalan ako ng tagapagmana.
Don Juan : (Luluhod na parang umiiyak) Ako’y nakikiusap, ikararangal ko kung sakali
mang mamatay para sa kaharian ng Berbanya.
Erika : Makalipas ang tatlong araw, patuloy ang pakikiusap nito sa kanyang ama’t ina.
Isang araw ay nakapagpasya na ang Hari at Reyna.
Reyna Valeriana : Aming anak, kami ng iyong ama ay nakapagdesisyon na.
Haring Fernando : (Mukang nanghihina) Bilang iyong magulang, labag man sa loob
namin, ay papayagan na kita na maglakbay at hulihin ang ibong Adarna.
Don Juan : Maraming salamat sa inyong desisyon, ama’t ina.
Reyna Valeriana : (Ihahatid si Don Juan sa paglabas ng kaharian at iaabot ang 5 tianapay
at 3 tubig) Juan, ito ang 5 tinapay at tatlong tubig. Baunin mo ito sa iyong paglalakbay, at
huwag mong kakalimutang magdasal sa puong maykapal. Magiingat ka at dalhin mo ang
aming basbas.
Don Juan : (Yayakapin ang kanyang ina) Mahal na mahal ko kayo ni ama, at hindi ko
kalilimutan ang inyong bilin.
Erika : Nagsimula nang maglakbay si Don Juan at tiniss ang hirap at pagod. Nang
sumapit na ang ikapitong buwan, 1 na lamang ang tinapay na natitira at 1 tubig, sa
kanyang paglalakad sa matarik na daan ay may nakasalubong siyang matandang leproso.
Leproso : Magandang hapon, maari ba akong makahingi ng kaunting tinapay at tubig,
matagal na nung huli akong nakakain. (Nanglilimos)
Erika : Dahil sa awa at natural na mabait ay ibinigay niya ang huli niyang tinapat ay
kapirasong tubig.
Don Juan : (Magaabot ng tinapay at tubig) Ito ho, sana ay mabusog kayo dahil yan na
lamang po ang tira sa aking baon.
Leproso : Salamat, ikaw ay may busilak na puso. Mayroon ba aong maitutulong sa iyo?
Erika : Nagtaka ngunit sinabi na lamang niya ang kanyang hinahanap at nagbakasakali na
alam ng leproso ang kinaroroonan ng ibon.
Don Juan : Hinahanap kop o ang ibong Adarna dahil tanging ang awit lamang nito ang
lunas sa karamdaman ng aking ama, hinahanap ko din po ang aking mga kapatid na
nauang naglakbay.
Leproso : Diretsuhin mo ang daan at may makikita kang talon doon, sa tabi nito ay may
kubo na tinitirhan ng isang ermitanyo.
Erika : Narating ni Don Juan ang talon at hinanap ang ermitanyo.
Don Juan : (Kumakatok) Tao po! Magandang hapon. (Bubukas ang pinto)
Ermitanyo : Pumasok ka at ikaw ay kumain muna.
Erika : Nakita niya ang limos na ibinigay niya sa leproso. Kaya nagtaka siya nagtaka
namamaligno.
Ermitanyo : Huwag kang mag-alala, ako ay tunay.
Don Juan : Salamat po, ako ay naparito upang mag-patulong mahuli ang ibong adarna.

You might also like