Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Gabay sa Bahayan ng Baboy

(Kulungan)
September 14, 2017 Ruzzel Santos Article, FAQ, Farming Styles 0

Bago magkaroon ng sariling backyard piggery, kailangang isipin ang magiging kulungan o bahay ng mga
aalagaang baboy. Ipapakita namin ang iba’t ibang uri ng mga bahayan na puwedeng gamitin sa pag-aalaga
ng mga baboy.

Ano ba ang nangyayari kapag pangit o madumi ang kulungan ng baboy?


Upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng pangit o di sapat na bahayan, kailangang laging malinis
ang mga kulungan at sumasang-ayon sa mga sumusunod:
Bukod pa sa mga litrato sa ibabaw, kailangan din may mga malilinis na lagayan ng feeds at tubig ang mga
alagang baboy. Lilinisin ito lagi upang maiwasan na makain ng mga baboy ang mga dumi nila at mga
parasitiko at insektong makasasama sa kalusugan nila.

Sa pagpapatayo naman ng bahayan ng mga alagang baboy, may iba’t ibang klase ng itsura at laki ang mga
ito.
Ang shed type ay ang pangkarinawan na bahayan ng baboy sa mga backyard piggery. Ito ay kayang
bumahay ng hindi hihigit sa 5 inahin o 20 na grower / fattener.

Ang gable type naman ang nararapat sa mga babuyan na hindi hihigit sa 20 na inahin o 50 grower /
fattener.

Ang semi-monitor type ay para sa mga babuyan na may bilang na 20 hanggang 50 inahin o hindi hihigit
sa 200 grower / fattener.

Ang monitor type ay para sa mga malalakihang babuyan na naglalaman ng humigit sa 50 na inahin o mas
higit pa sa 200 na palakihing baboy. Ito ang ginagamit na disenyo ng mga “pig factory” o komersyal na
babuyan.

PRO TIP: Sa bawat hektarya ng lupa, hindi dapat lumagpas sa 1,000 baboy. Huwag punuin ang mga
kulungan kahit na may espasyo pa. Upang manatiling malulusog at lumaking maigi ang mga alaga, sundin
ang mga nararapat na metro sa pagpapagawa ng mga kulungan.

Ito pa ang karagdagang disenyo ng mga bahayan ng mga baboy na puwede ring sundin.

You might also like