Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Batas Rizal (RA 1425)

Posted: Hunyo 19, 2013 in Uncategorized

Mga kataga1956, Batas Rizal, Cong. Jacobo Gonzales, Fili, House Bill 5561, Hunyo 12, Jose Rizal, Noli,
Philippines, RA 1425, RH BILL, Rizal Law, Sen. Claro M. Recto, Senate Bill 438 49

Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan ng dating pinuno ng
Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito mapagtibay noong Hunyo 12,
1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag
itong House Bill 5561 sa kongreso na pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong
Senate Bill 438 sa Senado na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila
ang mga pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na may
marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban upang mapalaya ang
kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na ipinaglaban ang soberanya ng
Pilipinas labas sa Estados Unidos.

RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON

Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-alabin ang diwa ng
nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsama sa kurikulum
ng lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat
ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataan. Bukod
dito, layunin din ng batas na ito na parangalan si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng
kanilang mga ginawa para sa bayan.

Batas Rizal 0 Mga Layunin 1. Maipahayag at mapalitaw ang mga naging motibo ng mga mambabatas sa
pagpapatupad ng Batas Rizal 2. Ilahad ang mga pangyayari noong ipinasa at ipinagdebatihan upang
tunay na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapasa ng Batas Rizal 3. Tulungan ang mga mag-aaral na
maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng batas. 4. Patunayan na makatwiran ang
pagpapatupad ng Batas Rizal i. Ano ang Batas Rizal? Higit na limampung taon na ang nakalipas mula
nang ipinatupad and Republic Act. 1425 o mas kilala bilang Rizal Law o Batas Rizal na pinangunahan ni
Jose P. Laurel. Inaprubahan ito noong ika-12 ng Hunyo

1956 noong ito’y tinatawag pa

ng House Bill No. 5561 na pinangungunahan ni Jacobo Gonzales at Senate Bill No. 438 na
pinangungunahan ni Sen. Claro M. Recto. Ilang henerasyon na ang naapektuhan sa pagpapatupad ng
mga lider ng gobyerno ng Batas Rizal na kanilang isinulong. Ang pagpapatupad nito ay hindi naging
madali para sa mga mambabatas. Mahabang proseso ang pinagdaanan ng panukalang

batas na ito bago ito naging isang batas. Mainit na debate ang naganap kung saan iba’t

-ibang opinyon at motibo ang lumabas galing sa mga lider ng gobyerno sa kanilang adhikain na maitupad
ang Batas Rizal

You might also like