Mga Paniniwalang Nakakatakot

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Paniniwalang Nakakatakot (Espiritismo) Ingatan

baka Mahawa
Kakatuwang mga pangyayari, nakakita ng kaluluwa o espiritu, nakakita ng namatay
na mahal sa buhay, guni-guni o panaginip, ilan lamang ‘yan sa mga bagay na
karaniwang pinaniniwalaan ng maraming mga tao, hindi lamang sa ating mga pinoy
kundi maging sa ibang bahagi ng mundo. Subalit ang lahat ba ng mga ito ay may
katotohanan? O kung mayroon man ay ano ba ang opinion ng Biblia tungkol dito? Ito
bang ganitong paniniwala ay ayon sa kalooban ng Dios?

Sa ibang panig ng mundo, gaya ng ilang sekta ng pananampalataya sa ating bansa ay


mayroong mga kilusan o grupo ng mga tao na inaari din naman ang kanilang sarili
na mga Kristiyano, subalit ang kanilang mga paniniwala ay naka-base sa spiritual
world o daigdig ng mga espiritu o mga bagay na hindi nakikita.

Ilan sa kanilang mga paniniwala ay tungkol sa kung saan napupunta ang kaluluwa ng
mga namatay na tao at maging ang pinanggalingan nito bago pa man ipanganak.

Naniniwala ang ilan sa reincarnation at sa katotohanang ang buhay sa mundo ay


subukan lamang o testing ground, na kung saan ay kinakailangang matuto at
umunlad ang isang tao hanggang sa hindi na nila kailanganin ang kanilang pisikal na
katawan.

Naniniwala din ang iba sa pagtawag sa mga espiritu at sa mga kaluluwa ng mga
namatay na tao.

Ang ganitong paniniwala ba ay mababasa natin sa Biblia? Eto ang sagot ng Biblia.

Lev 19:26, 31 Huwag kayong kakain ng anomang may dugo: ni huwag kayong
mag-eenkanto ni magpapamahiin. Huwag ninyong babalikan ang mga inaalihan
ng masasamang espiritu ni ang mga mangkukulam: huwag ninyong hanapin na
magpakahawa sa kanila: ako ang Panginoon ninyong Dios.
Noon pa man ay ipinagbawal na ito ng Dios sa lahing Israel. Kung ipinagbawal ito,
nangangahulugang mayroon nang umiiral na ganitong paniniwala sa kanilang
panahon.

Deu 18:10-12 Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy


ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga
pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o
nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa
mga patay. Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay
karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas
sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.
Pansinin natin na ang pagpaparaan sa apoy (PAGTATAWAS), panghuhula,
pamahiin, engkanto, sumasangguni o kumakausap sa mga masasamang espiritu o sa
mga patay ay isang bagay na karumaldumal o abomination sa paningin ng Dios. Lev
20:6 At ang taong magbalik sa inaalihan ng masamang espiritu at sa mga
mangkukulam, upang manalig sa mga yaon ay itititig ko ang aking mukha laban
sa taong yaon, at ihihiwalay ko siya sa kaniyang bayan.
At kung ito ay karumaldumal sa Dios, kung gayon isa ito sa ikinagagalit Niya.
Gagawa ba tayo ng bagay na ikagagalit ng Dios? 2Ki 21:6 At kaniyang pinaraan ang
kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, at
nakipagsanggunian sa masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya’y gumawa ng
maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa
galit.
Dahil dito, ano ang iniutos ng Dios particular sa lahing Israel na mababasa sa Biblia?
At ano ang mabigat na parusa sa sinumang lalabag dito? Eto po ang sagot. Lev
20:27 Ang isang lalake rin naman o kaya’y ang isang babae na inaalihan ng
masamang espiritu, o mangkukulam, ay papatayin na walang pagsala, sila’y
babatuhin ng mga bato: mabububo ang kanilang dugo sa kanila.
Isa sa mga naging Hari ng Israel si Saul ay nagtakda ng kautusang palayasin ang lhat
ng nakikipagsanggunian sa mga masasamang espiritu. 1Sa 28:3 Si Samuel nga ay
namatay, at pinanaghuyan ng buong Israel at inilibing siya sa Rama, sa
makatuwid baga’y sa kaniyang sariling bayan. At pinalayas ni Saul sa lupain,
yaong mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula.
At maging sa Bagong Tipan, sa panahon ni Apostol Pablo, iniaral niya na huwag
paniwalaan ang mga ganitong aral na laban sa aral ng evangelio o aral ng
Panginoong Hesus.

Gal 1:8-9 Datapuwa’t kahima’t kami, o isang anghel na mula sa langit, ang
mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo,
ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking
sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio
na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil.
Bakit kasalanan ang maniwala sa ganito? Mayroon bang mga tala ng kasaysayan na
mayroong nakagawa ng ganitong pagkakasala sa harap ng Dios? Ang sagot, si Saul
mismo na hari sa Israel ay namatay sa ganitong pagkakasala.
1Ch 10:13 Sa gayo’y namatay si Saul dahil sa kaniyang pagsalangsang na
kaniyang nagawa laban sa Panginoon, dahil sa salita ng Panginoon na hindi niya
iningatan; at dahil naman na siya’y nakipagsanggunian sa masamang espiritu,
upang pagsiyasatan.
1Sa 28:7-18 Nang magkagayo’y sinabi ni Saul sa kaniyang mga lingkod, Ihanap
ninyo ako ng isang babae na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, upang
ako’y pumaroon sa kaniya, at magusisa sa kaniya. At sinabi ng kaniyang mga
lingkod sa kaniya. Narito, may isang babae na nakikipagsanggunian sa
masamang espiritu sa Endor. At hindi napakilala si Saul, at nagsuot ng ibang
kasuutan, at naparoon siya at ang dalawang lalake na kasama niya, at sila’y
dumating sa babae nang kinagabihan: at kaniyang sinabi, Hulaan mo ako
isinasamo ko sa iyo, sa pamamagitan ng sinasanggunian mong espiritu, at iahon
mo sa akin sinomang banggitin ko sa iyo. At sinabi ng babae sa kaniya, Narito,
iyong nalalaman ang ginawa ni Saul, kung paanong kaniyang inihiwalay yaong
mga nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, sa
lupain: bakit nga ipinaglalagay mo ng silo ang aking buhay, upang ipapatay
ako? At sumumpa si Saul sa kaniya sa pamamagitan ng Panginoon, na sinasabi,
Buhay ang Panginoon, walang parusang mangyayari sa iyo dahil sa bagay na
ito. Nang magkagayo’y sinabi ng babae, Sinong iaahon ko sa iyo? At kaniyang
sinabi, Iahon mo si Samuel sa akin. At nang makita ng babae si Samuel, ay
sumigaw ng malakas na tinig at nagsalita ang babae kay Saul, na sinasabi, Bakit
mo ako dinaya? sapagka’t ikaw ay si Saul. At sinabi ng hari sa kaniya, Huwag
kang matakot: sapagka’t anong iyong nakikita? At sinabi ng babae kay Saul, Aking
nakikita’y isang dios na lumilitaw sa lupa. At kaniyang sinabi sa kaniya, Ano ang
kaniyang anyo? At sinabi niya, Isang matandang lalake ay lumilitaw; at siya’y
nabibilot ng isang balabal. At nakilala ni Saul, na si Samuel, at siya’y yumukod sa
lupa, at nagbigay galang. At sinabi ni Samuel kay Saul, Bakit mo binagabag ako sa
aking pagahon? At sumagot si Saul, Ako’y totoong naliligalig; sapagka’t ang mga
Filisteo ay nangdidigma laban sa akin, at ang Dios ay humiwalay sa akin, at hindi
na ako sinasagot, kahit sa pamamagitan ng mga propeta, ni ng panaginip man:
kaya tinawag kita, upang maipakilala mo sa akin kung ano ang aking gagawin. At
sinabi ni Samuel, Bakit nga nagtatanong ka sa akin, dangang ang Panginoon ay
humiwalay sa iyo, at naging iyong kaaway? At ginawa ng Panginoon ang gaya ng
sinalita niya sa pamamagitan ko: at inihiwalay ng Panginoon ang kaharian sa
iyong kamay, at ibinigay sa iyong kapuwa, sa makatuwid baga’y kay David.
Sapagka’t hindi mo sinunod ang tinig ng Panginoon, at hindi mo ginawa ang
kaniyang mabagsik na galit sa Amalec, kaya’t ginawa ng Panginoon ang bagay na
ito sa iyo sa araw na ito.
Hindi lamang si Saul kundi maging si Manases sa kaniyang paghahari din sa lahing
Israel.

2Ch 33:1 – 6 Si Manases ay may labing dalawang taon nang siya’y magpasimulang
maghari; at siya’y nagharing limang pu’t limang taon sa Jerusalem. At siya’y gumawa
ng masama sa paningin ng Panginoon, ayon sa mga karumaldumal ng mga bansa, na
pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ni Israel. Sapagka’t kaniyang itinayo
uli ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama: at siya’y
nagtayo ng mga dambana na ukol sa mga Baal, at gumawa ng mga Asera, at
sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa mga yaon, At siya’y
nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, Sa
Jerusalem ay malalagay ang aking pangalan magpakailan man. At siya’y nagtayo ng
mga dambana na ukol sa mga natatanaw sa langit sa dalawang looban ng bahay ng
Panginoon. Kaniya rin namang pinaraan ang kaniyang mga anak sa apoy sa libis ng
anak ni Hinnom: at siya’y nagpamahiin, at nagsanay ng panggagaway at nanghula, at
nakipagsanggunian sa mga masamang espiritu, at sa mga mahiko: siya’y gumawa ng
maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit.

Ilan sa mga katulad nito sa panahon natin ngayon ay ang pagsangguni nga sa mga
patay o masamang espiritu, manghuhula, na nagsisihuni at may kasama pang
bulong.

Isa 8:19 At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang


nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni
at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios?
dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay?
Sa panahon natin, mayroon pa ding ilan na sa halip na sangguniin ang buhay na Dios
o ang mga doctor sa kanilang mga karamdaman ay sumasangguni sa mga bagay na
ayaw ng Dios. Hindi nila namamamalayan na sila ay nakagagawa na pala ng mga
bagay na karumaldumal sa Dios.

Act 16:16- 23 At nangyari, na nang kami’y nagsisiparoon sa mapapanalanginan,


ay sinalubong kami ng isang dalagang may karumaldumal na espiritu ng
panghuhula, at nagdadala ng maraming pakinabang sa kaniyang mga panginoon
sa pamamagitan ng panghuhula. Siya’y sumusunod kay Pablo at sa amin at
nagsisigaw, na sinasabi, Mga alipin ng Kataastaasang Dios ang mga taong ito, na
nagsisipangaral sa inyo ng daan ng kaligtasan. At maraming mga araw na
ginawa niya ito. Datapuwa’t palibhasa’y si Pablo ay totoong nababagabag, ay
lumingon at sinabi sa espiritu, Iniuutos ko sa iyo sa pangalan ni Jesucristo na
lumabas ka sa kaniya. At ito ay lumabas nang oras ding yaon. Datapuwa’t nang
makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang
kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan,
sa harapan ng mga may kapangyarihan, At nang maiharap na sila sa mga hukom,
ay sinabi nila, Ang mga lalaking ito, palibh asa’y mga Judio, ay nagsisipanggulong
totoo sa ating bayan, At nangaghahayag ng mga kaugaliang hindi matuwid
nating tanggapin, o gawin, palibhasa tayo’y Romano. At samasamang nagsitindig
ang karamihan laban sa kanila: at hinapak ng mga hukom ang kanilang mga
damit, at ipinapalo sila ng mga panghampas. At nang sila’y mapalo na nila ng
marami, ay ipinasok sila sa bilangguan, na ipinagtatagubilin sa tagapamahala na
sila’y bantayang maigi: Na, nang tanggapin nito ang gayong tagubilin, ay
ipinasok sila sa kalooblooban ng bilangguan, at piniit ang kanilang mga paa sa
mga pangawan.
Kaya ang payo ng Biblia, siyasatin o pag-aralan muna natin kung ang pinaniniwalaan
natin ay ayon ba sa kalooban ng Dios. Huwag tayo kapagdaka maniwala sa bawat
espiritu na nagke-claim na espiritu ng Dios subalit espiritu pala na karumaldumal sa
Kaniya.

1Jn 4:1 Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa’t espiritu, kundi
inyong subukin ang mga espiritu, kung sila’y sa Dios: sapagka’t maraming
nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.
Ang mga naunang Kristiyano sa panahon ng mga Apostol ay naliwanagan nang
kanilang marinig ang evangelio ng ating Panginoong Hesus. At ito ang naging
dahilan upang itakuwil nila ang karumaldumal na mga paniniwalang ito.

Act 19:18-19 Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating, na


ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain. At hindi kakaunti sa mga
nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga
aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga
niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak.

You might also like