Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Smoking Kills, Di nga ba ?

Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng sigarilyo. Sa
kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga pilipino, edad kinse pataas ang naninigarilyo. May
malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasiyong ito, " Ano nga bang
ikinaganda ng paninigarilyo?
Ang nikotina, ang pangunahing kemikal na sikoaktibo sa tobako na isang aditibo. Ang sigarilyo
din ay pinapakita ring bilang dahilan ng maraming uri ng kanser, sakit sa puso, sakit sa baga,
sakit sa paghinga, sakit sa sistemang sirkulatoryo ng katawan, at mga depekto sa bagong
silang. Ang bilang ng mga gumagamit ng sigarilyo ay malawak at magkakaiba. Samantalang
ang bilang ng mga naninigarilyo sa mga mauunlad na bansa ay bumaba, patuloy naman ang
pagtaas nito sa mga mahihirap na mga bansa.

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong Panay buga ng usok
mula sa kanikanilang sigarilyo. Naging parts na ito ng pamumuhay ng lipunan. Iilan sa mga
reason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito raw ay
nakakawala ng pagod at nakakapigil ng antok kapag nasa gitna ka ng trabaho, may ilan
namang nagsasabi na nagiging "in"sila kung gumagamit into. Nakababahala na ang patuloy na
pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na Hindi lingid sa kaalaman mg lahat ang
masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit Mata ang ilan sa mga adik adik ng sigarilyo tungkol
sa maaaring kahihinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa
paghithit sa mga I to. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4,800 na kemikals ang dala ng usok
mula sa sigarilyo, 69 dito at maaaring magdulot ng kanser. Is a ring katotohanan na ma's
maagang namamatay ang mga taong ito kung makalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo.
Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo matin at lulong sa paggamit ng sigarilyo
at Hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat Sana at modelo ng bansa. Nakikita
naman nating may aksyong ginaawa ang pamahalaan ngunit parang kulang pa and
pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilangas pag-iglihin ang pagmungkahi ng mga
solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo.
Kailangan ng ma's mahigpit na aksiyon para masiguradong ligtas ang mamamayang pilipino
mula sa mga negatibong epekto dulot ng paninigarilyo.

You might also like