Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Nanay kong Lola

Milagros B. Gonzalez

Labing isang taon na ako. Maganda at maraming


nagkakacrush. Dalawang taon na lamang,teen-ager na ako.
Sabi ni Nanay, huwag daw akong magmadaling magdalaga. Minsan lang
daw kasi ako maging bata.
E bakit ba? Gusto ko na nga e. Masama bang magsuot ng sandals na
may heels? Maglipgloss at mascara?
Sawa na nga akong maglaro ng Barbie at Bratz dolls e. Mas gusto ko
pang magtext o sumama sa mga classmates ko sa mall.
Kill joy nga sina Nanay at Tatay. Ayaw nila akong gumagala kung saan-
saan. Delikado daw kasi ang panahon.
Ilang buwan na lang gagraduate na ko sa elementary. Bising-bisi nga
sa school sapagprapractice ng aming graduation number. Sabi ni Teacher, third honor daw
ako.
Binalita ko kay Nanay.
“Talaga?” , tuwang-tuwang sambit niya. “Naku, dapat maganda ang
damit at sapatos mo. Honor ka pala!”
Excited naman masyado Nanay ko. Para namang siya
ang gagraduate. Sa totoo lang, ayoko siyang umakyat sa stage. Kasi mukha na siyang
lola.
Tinutukso nga ako ng mga classmates ko, minsang pumunta ang Nanay
ko sa school.
“Susie, lola mo?”
“Hanap ka ng lola mo, Susie.”
Bakit kasi si Nanay, mukhang lola na? Ang ibang nanay ng
mga classmates ko, seksi at
bata pa. Si Nanay, mataba na, puti pa ang buhok! Ayoko tuloy siyang pumupunta
sa school.
“Nanay, magpakulay ka na ng buhok,” minsan kong sabi sa
kanya. “Tinutukso na ako sa school e.”
Tiningnan niya lang ako at tumalikod.
Isang araw, tinawag ako ni Nanay. “Susie, halika. May ipapakita ako sa
iyo,” nakangiti niyang tawag sa akin.
Inalis niya sa malaking supot ng SM ang isang puting damit na may
mga rafols.
“Panggraduation mo,” sabay abot niya sa akin.
Itinaas ko ang damit. Inilapat ko sa aking katawan. Hindi ko napigilan
ang bibig ko.
“Ayoko nito, Nay. Ang pangit!”
“Pero mahal yan! At bagay mo naman! Isukat mo kasi para makita
mong mabuti ang lapat sa iyo,” pilit ng Nanay ko.
“E, Nay, ayoko talaga ito. Hindi ko bagay,” sabay kong balik sa kanya
ang damit at pumunta ako sa kwarto na mangiyak-ngiyak.
Bakit kasi siya nangingialam? Ang pangit ng taste ni
Nanay. Pangmatanda. Pagsusuotin ba naman ako ng damit na maraming lace at rafols.
Hindi na ako bata, ‘no?
Hindi ako kumain ng tanghalian kahit anong pilit ni Nanay. Nagtatampo
ako sa kanya. Hindi akoaattend ng graduation kapag yun ang damit ko. Bakit kasi hindi
niya ako isama sa pamimili ng damit. Ako ang magsusuot nuon.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto matapos ang tatlong
oras. Kumukulo na kasi ang tiyan ko. Kukuha ako ng pagkain sa ref. Narinig kong nag-
uusap sina Nanay at Tatay.
“E bakit kasi binilhan mo na siya ng damit? Isinama mo na sana siya
sa mall. Alam mo naman yang anak mo. Pangdalaga na ang taste.”
Sige Tatay, ipagtanggol mo ako sa Nanay kong lola, tuwa kong sabi sa
sarili ko.
“Kasi, gusto ko siyang isurprise. Akala ko naman, matutuwa siya. Libo
pa naman yang damit na iyun!”
Yak! Libo na yun? Buti nga sa kanya, pinapangunahan niya kasi ako.
Isinama ako ni Tatay sa mall. Ako ang pumili ng graduation dress ko.
Mas maganda, mas bagay sa akin. Hindi sumama sa amin si Nanay. May gagawin daw
siya.
Ilang araw na lang. Graduation na Si Nanay excited Bumili na rin siya
ng kanyang damit. Binilhan na rin niya si Tatay.
Nang binigay na sa amin ang Graduation Program, inabot ko ito kay
Nanay.
“Nay, si Tatay ang magsasabit ng medal ko ha? Ayaw
kita kasi tutuksuhin na naman ako ng mga classmates ko. Magpakulay ka na rin ng
buhok, Nay, para naman bumata ka naman”.
Hindi kumibo Nanay ko. Binuklat lang niya at binasa ang Program.
Graduation ko na . Magpapaayos ako sa parlor kasama ko
ang classmate at bestfriend ko. Makikisabay din ako sa kanila pagpunta
sa school. Bigtime kaya siya. Pajero ang sasakyan nila. Sunod na lang sina Tatay at
Nanay sa akin sa school.
Pagdating ko sa school, ang daming pumuri sa akin. Ang ganda ko
raw. Dalagang-dalaga na raw ako. Tuwang-tuwa naman ako.
Marami na ang tao sa school. Mga parents, students, teachers, pero
bakit wala pa sina Nanay at Tatay. Kinabahan ako. Wala akong makakasama
sa graduation march.
“Where are your parents, Susie,” tanong ni Teacher habang inaayos niya
kami sa linya.
“Teacher, ewan ko po. Tinext ko na nga po pero walang reply.”
Talaga itong si Nanay at Tatay, ang bagal-bagal kumilos. Kinakabahan
na ako. Wala akong kasamang magulang.. Nag-uumpisa na ang graduation march.
Maya-maya ay humihingal na tumatakbo si Tatay. Tumabi sa akin.
“Ang tagal-tagal niyo! Saan si Nanay?”, tanong ko kay Tatay.
“Hindi siya makakasama. Dinala ko siya sa clinic dahil nagka-allergy siya
sa hair dye na ginamit sa kanya kanina.”
Nagpakulay ng buhok si Nanay? Bakit siya nagka-allergy?
“Sabi ko kasi sa kanya na huwag na siyang magtina at may allergy siya
duon. Matigas ulo ng Nanay mo, tulad mo rin.”
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa kay Nanay. Ako ang
nagsabi sa kanya na magkulay siya ng buhok.
Nag-iisa si Tatay sa graduation ko. Gustong-gusto pa naman ni Nanay na
mapanuod ako sastage. Naawa ako bigla sa kanya.
Naalala ko na si Nanay pala ang kasama ko sa paggawa ng
mahihirap na projects ko. Nuong Grade 1 hanggang Grade 4 ako, ginagawan pa niya
ako ng reviewer sa exam. Siya pa ang gumagawa ngassignments ko kapag tinatamad
ako. Pati pagkopya ng mga notes ng classmates ko kapag absent ako, siya ang
gumagawa.
Dapat kasama ko si Nanay ngayon dito. Gustong-gusto niya akong
makitang makagraduate. Siya dapat magsabit ng medalya ko
Isa-isa nang tinatawag ang mga honors ng grade six. Nang tinawag ang
pangalan ko, kasama ko si Tatay. Tuwang-tuwa siya. Isinabit niya ang medal ko. Picture,
picture, shake hands sa guest at mga teachers.
“O, bakit, wala kang kibo bigla,”tanong ni Tatay.
“Sana nandito si Nanay,” sagot ko.
Nagpaalam ako pumuntang CR kasi naiiyak na talaga ako. Kawawa
naman Nanay ko. Kung hindi ko siya ikinahihiya, di sana nandito siya.
Uwian na. Pagdating namin sa bahay, maraming tao.
“Naghanda, Nanay mo kaya maraming tao,” sabi ni Tatay.
Binati ako nina Lolo at Lola, mga pinsan, kaibigan at kapitbahay
namin. Tuwang-tuwa sila.
Si Nanay… nakita ko siya na suot ang damit na binili niya para
sa graduation ko. Magang-maga ang mukha niya sa allergy.
Lumapit ako sa kanya. Hinubad ko ang medalya ko at inabot sa kanya,
“Para sa iyo, Nay. Pinaghirapan natin it, ‘di ba?.” At saka ko siya niyakap.
Ngumiti si Nanay. Lalong sumingkit ang mga mata niyang
maga. Niyakap din niya ako nang mahigpit.
***

You might also like