Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Buod ▼

Buod

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor sa


pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga
pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si
Isagani, at si Basilio. Labintatlong taon na ang
nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang
makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si
Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina
sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo;
Upang maitago ang ganitong lihim, ay tinangka ni
Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito
Simoun
naituloy ay hinikayat niya ang binata na makiisa
sa kanyang layuning maghiganti sa
Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-
aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino ay
naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila.
Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagka't napag-alamang ang mamamahala sa
akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari
sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong
gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.
Ang mga estudyante naman, upang makapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa
kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa
mga talumpating binigkas habang sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle.
Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay
natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga
pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa
mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si
Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-
anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-
sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil
wala siyang tagapagmagitan. Sa isang dako
naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na
tulungan siya upang mapalaya nguni't sa halip na
makatulong ang paring ito ay siya pang nagging
dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng
pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak
na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo
kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa
ganitong paraan ay nagawa niyang Maria Clara

maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita


Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang
dumalo sa piging na idaraos, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga
litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.
Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni Simoun
ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa. Ito ay isang
lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya
niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang
ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay
magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay
manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang
kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang
pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga
naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang
magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.
Mag-iikapito pa lamang ng gabi ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng
bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang
bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay sisinod sana
nguni't namalas niyang dumatng si Isagani, ang naging katipan at iniirog ni Paulita.
Pinagsabihan niya itong tumakas nguni't di siya pinansin kaya't napilitan si Basilio na ipagtapat
kay Isagani ang lihim na pakana subali't hindi rin napatinag ang binatang ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na loob,
ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at
inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay nawalan ng bisa ang
pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa
sandatahan. Tumakas sya sa bahay ni Pari Florentino, sa
baybayin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang
mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas,
uminom siya ng lason upang huwag pahuli nang buhay.
Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at
isinalaysay niya sa dito ang malungkot na kasaysayan ng
kanyang buhay. Mula nang siya ay bumalik sa Pilipinas
buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang
pag-iibigan nila ni Maria Clara at pagbabalatkayo niya na
mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik.
Ang Lampara
Pagkatapos na mangungumpisal ay namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga bukto't na Gawain ay itinapon ni Pari
Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni
Simoun.

Home

View web version

Powered by Blogger.

You might also like