3rd PT Fil

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MARIKABAN INTEGRATED SCHOOL

Marikaban, Santa Fe, Cebu

Ikatlong Markahang Pagsusulit

Fil 9

1. Ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan bukod pa sa literal o leksikal nitong
kahulugan.
Ano ang katawagan dito?
a. natatagong kahulugan b. Konotasyon c. denotasyon
2. Ito ay pagpapakahulugan na tumutukoy sa literal na kahulugan na matatagpuan sa diksyunaryo.
a) natatagong kahulugan b) Konotasyon c) denotasyon
3. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Ang siyansi ay gamit pangkusina na tinatawag na "spatula" sa Ingles..
a. Denotasyon b. konotasyon
5. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Ang edukasyon ay isang kayamanan na hindi mananakaw.
a) Konotasyon b) denotasyon
6. kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Isang bulaklak ang palabuy-laboy sa daan nang maulila sa magulang..
a. Denotasyon b. konotasyon
7. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Ang bumbon ay isang kawayan na ginawang lalagyanan ng tubig ng mga sinaunang mga ninuno.
a) Denotasyon b) konotasyon
8. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang makamit ang rurok ng tagumpay sa kabila ng mga paghihirap na
pinadaanan.
a. Denotasyon b. konotasyon
9. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Ang anak na panganay ay lumayas at nagpabaya sa kanyang mga magulang.
a) Konotasyon b) denotasyon
10. Tukuying kung ang salitang nakalihis ay ginamit bilang konotasyon at denotasyon na pagbibigay kahulugan.
Napahiya sa kanyang mga kaibigan ang palamarang anak nang mapagalitan ng kanyang magulang.
a. Konotasyon b. denotasyon
11. Ang tula ay bunga ng mayamang ng lahing Pilipino na nilahukan ng matatalinghagang pananalita o pahayag.
a) kabutihan b. Kayamanan c. Kaisipan d. panitikan
12. Sinangkapan ng kariktan, aliwiw at ______________ ng mga salita. Mula rito nabibigyan ng buhay ang isang tula.
a) Imahinasyon c) Personipikasyon
b) Indayog d) kaisipan
13. Isa sa mga tatak ng tula ay ang paggamit ng mga ________________ pananalita.
a) matalinghagang pananalita b) kabuluhan at kasiningan c) kaisipan at imahinasyon
d) may aliwiw at indayog ng mga salita
14. Ang ______________ ay pahiwatig na paghahambing sa dalawang bagay na magkaiba ng uri.
a) Pagmamalabis c) Metapora
b) Panawag d) personipikasyon
15. Ito ay lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan,
damdamin, at iba pang katangian, kalagayan, o katayuan.
a. Anapora c. Personipikasyon
b. Pagmamalabis d. metapora
16. Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
a) Pagmamalabis c) Simili
b) Apostrope d) Personipikasyon
17. Tukuyin kung alin sa mga tayutay ang naglalarawan sa linya.
Para ng halamang lumaki sa tubig,
Dahon ay nalalanta munting di madilig
 halaw mula sa tulang Florante at Laura ni F. Balagtas

a. Metonomiya c. Anapora
b. Pagmamalabis d. simili
18. Tukuyin kung alin sa mga tayutay ang naglalarawan sa linya.
O hanging mahabagin, iligtas po ninyo ang aming bayan sa daluyong ng dagat nawa’y aming malagpasan sa
pagsikat ng araw.
a) Simili c) Apostrope
b) Metapora d) Pagmamalabis
19. Tukuyin kung alin sa mga tayutay ang naglalarawan sa linya.
Masayang humaplos sa aking mukha ang hanging amihan nagmula sa kalawakan batid kong ikaw iyon aking mahal.
a. Apostrope c. Metonomiya
b. Pagsasatao d. simili
20. Tukuyin kung alin sa mga tayutay ang naglalarawan sa nga linya.
Bakit ganyan ka, sa aking pagkatao ?
lalaking hari kung mag-utos
kaisa-isa mong rosas na mayumi
sana naman ika’y mag-isip-isip.
a) Pagmamalabis c) Apostrope
b) Simili d) pagtutulad
21. Piliin ang pinakawastong sagot.
Ano ang salitang naglalarawan o nagbibigay ng katangian sa pangngalan at panghalip?
a. Pang-uri c. Pang-ugnay
b. Pandiwa d. Pang-angkop
22. Piliin ang pinakawastong sagot.
Ang mga ito ay tumutukoy sa pag-aantas ng paglalarawan sa pangngalan at panghalip.
a) Tambalan b) Pasukdol c) PahambingLantay
23. Hanapin ang pang-uri sa pangungusap:
Sa kasaysayan ng daigdig, si Adolf Hitler ay itinuturing na kinatatakutang pinuno.
a. Pinuno c. Kinatatakutan
b. Kasaysayan d. Itinuturing
24. Hanapin ang pang-uri sa pangungusap:
Malawak ang kalupaan ng bansang Russia.
a) Malawak c) Bansa
b) Russia d) Kalupaan
25. Hanapin ang pang-uri sa pangungusap:
Lubhang mapanganib ang mga kagubatan at maging ang katubigan ng Amazon.
a. Amazon c. Kagubatan
b. Katubigan d. Mapanganib
26. Alin sa mga sumusunod na pang-uri ang nasa kaantasang pahambing?
a) Sobrang inis c) Hari ng takot
b) Malungkot d) Kasingsakit
27. Ano ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap?
Ubod ng duwag iyang si Mando.
a. LantayP c. Pasahol
b. Asukdol d. Patulad
28. Ano ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap?
Si Amor ay mas matampuhin kaysa sa kanyang kapatid na si Maya.
a) Lantay c) Tambalan
b) Pasukdol d) Pahambing
29. Ano ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap?
Nasindak sa pangyayari ang lahat ng mga mag-aaral kung kaya't sisikapin na ng pamunuan na hindi na
muling magkaroon ng sunog.
a. Patulad c. Pasukdol
b. Lantay d. Pasahol
30. Ano ang kaantasan ng pang-uri sa pangungusap?
Talagang lungkot na lungkot ang pamilya Aquino nang namayapa ang dating pangulong Cory Aquino.
a) Patulad c) Lantay
b) Pasahol d) Pasukdol
31. Piliin ang pinakawastong sagot.
Ang mga ito ay mga pahayag na nagtataglay ng malalim na kahulugan.
a. Talasalitaan c. Idyoma
b. Salita d. Pangungusap
32. Piliin ang pinakawastong sagot.
Tekstong pampanitikan na nagbuhat sa mga kuwento sa Bibliya.
a) Parabula c) Bugtong
b) Pabula d) Sawikain
33. Piliin ang pinakawastong sagot.
Bakit madalas gumamit ng mga matatalinghagang pahayag ang mga Pilipino?
a. Matalino talaga ang mga Pilipino c. May mataas na pagpapahalaga sa damdamin
b. Mahilig magbigay ng mga palaisipan d. Malalim ang damdaming Pilipino
34. Piliin ang pinakawastong sagot.
Napakarami nang tao ang namatay. Kaya malungkot ang mga kamag-anak at kaibigan nila. Pero may
kapangyarihan si Jehova na bumuhay sa mga patay. Balang araw bubuhayin uli niya ang milyong-milyong mga
tao.
(Bahagi ng parabulang Dalawang Batang Nabuhay Muli)
Alin ang kahulugan ng pahayag na may diin?
a. Pagbabalik-loob sa Diyos
b. Mabubuhay muli ang patay
c. Makapangyarihan ang patay
d. Darating ang paghuhukom
35. Piliin ang pinakawastong sagot.
Sa mga huling araw na ito, sinabi ng Panginoon, “Maging matapat, nananalangin tuwina, taglay ang inyong mga
ilawan na tinabasan at nagniningas, at may langis na dala kayo, upang kayo ay maging handa sa pagparito ng
Kasintahang lalaki”
(Bahagi ng parabulang Sampung Dalaga)
Ang pahayag na may diin ay nangangahulugang
a. May lamang gaas na ilawan
b. Pusong malinis
c. Laging maghintay
d. Ilawang may sindi
36. Piliin ang pinakawastong sagot.
"Ang mga nauna’y mahuhuli at ang mga nahuli’y mauuna"
a) Ang mabuting puso ang tinitingnan ng Diyos
b) Ang laging nagmamadali ay nahuhuling lagi
c) Ang mga nauuna at nahuhuli ay walang pagkakaiba
d) Ang mga nahuhuli ang siyang laging may pakinabang
(Bahagi ng parabulang Ang May-ari ng Ubasan)
Alin ang may angkop na pagpapakahulugan sa talinghaga?
37. Piliin ang pinakawastong sagot.
"Sinuman ang mawala sa aking mga tupa ay akin ding hahanapin kung paano kong hinanap ang isang ito, sapagkat
lahat kayo ay mahalaga sa akin."
(Bahagi ng parabulang Ang Nawawalang Tupa)
Ang kabuuan ng pahayag ay nangangahulugang ___
a. Ang mga tupa ang pinakamahalagang hayop
b. Gumaya tayo sa mga tupa sa kung ano ang asal nila
c. Ang lahat ay mahalaga sa Diyos
d. Walang hayop na hindi hinanap ng Diyos
38. Piliin ang pinakawastong sagot.
"Panginoon, hindi ba’t mabuting binhi ang inihasik mo sa iyong bukid? Saan kaya nanggaling ang mga damo?"
Sinabi niya sa kanila, "Isang kaaway ang gumawa nito."
(Bahagi ng parabulang Mga Damo sa Triguhan)
Sa talinghagang ito, ang damo ay nangangahulugang _________
a) Damong ligaw c) Magsasaka
b) Anak ng masama d) Sanlibutan
39. Piliin ang pinakawastong sagot.
Gayundin naman, ang kaharian ng langit ay tulad ng isang mangangalakal na naghahanap ng magagandang perlas,
at nang makatagpo ng isang mamahaling perlas ay umalis at ipinagbili ang lahat ng kaniyang ari-arian at
binili iyon.
(Ang talinghaga ng Perlas, Mateo 13:45-56)
Ang perlas ay nangangahulugang .
a. Kayamanan c. Yamang-dagat
b. Mamahaling hiyas d. Pagkatagpo sa kabanalan
40. Piliin ang pinakawastong sagot.
"Sinasabi ko sa inyo, bagaman hindi siya bumangon at magbigay sa kaniya ng anuman dahil siya ay kaniyang
kaibigan, ngunit dahil sa kaniyang pamimilit siya’y babangon at ibibigay ang anumang kailanganin niya. At
sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makakakita; tumuktok kayo at
kayo’y pagbubuksan."
(Bahagi ng parabulang Kaibigan sa Hatinggabi)
Ang kabuuan ng bahagi ng parabula ay nangangahulugang .
a) Manumbalik tayo sa Panginoon
b) Maaari tayong umasa sa mga kaibigan
c) Hindi tayo matitiis ng mga taong malapit sa atin
d) Manghingi tayo nang manghingi

You might also like