2 Padre Modesto de Castro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Padre Modesto de Castro

- Ipinanganak sa Biñan, Laguna noong kalahatian ng ika-16 na raang


taon. Sa pagkakasulat niya ng Urbana at Feliza, siya ay tinaguriang
Ama ng Klasikong Tuluyang Tagalog. Sumulat din siya ng iba pang
tuluyan, gaya ng Coleccion de Semones Tagalog (1864), Exposicion
de la Siete Palabras en Talalog, Novena de San Isidro en Tagalo at
iba pa.

1. Sa Katungkulan sa Bayan ni: Padre Modesto de Castro (isang


liham mula sa nobelang Urbana at Felisa)

Felisa: Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa


ng sulat, sumulat, cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay sa
estado, ay di malayo ang siya'y gawing puno sa bayan, kaya minatapat ko
sa loob na isulat sa iyo ang kanyang aasalin. Kung siya'y
magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may
pagkaaninawan kung maging kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang
kahalimbawa'y korona na di ipinagkakaloob kundi sa may karapatan. Kaya
di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan; ang
kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang
karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan,
kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa pagnanasa ng karangalan, ay
ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung
makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitan at
lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at kung sa lahat ng ito'y
magkatimbang-timbang, saka pahinuhod ang loob sa pagtanggap ng
katungkulan, nguni't hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang kamtan,
subali't dapat tanggapin, kung pagkakaisahan ng bayan, at maging
kalooban ng Diyos.

Ang magnasang makamit ng kamahalan sa bayan, sa karaniwan ay


hindi magandang nasa, sapagka't ang pinagkakadahilanan ay di ang
magaling na gayak ng loob na siya'y pakinabangan ng tao, kundi ang siya
ang makinabang sa kamahalan; hindi ang pagtitiis ng hirap sa pagtupad ng
katungkulan, kundi ang siya'y maginhawahan; hindi ang siya'y
pagkaginhawahan ng tao, kundi ang siya'y paginhawahin ng taong
kanyang pinagpupunuan.

Ang masakim sa kamahalan, sa karaniwan ay hindi marunong


tumupad ng katungkulan, sapagka't hindi ang katungkulan, kundi ang
kamahalan ang pinagsasakiman; salat sa bait, sapagka't kung may iniingat
na bait, na makikilala ang kabigatan, ay hindi pagpipilitan kund bagkus
tatanggihan, kaya marami ang makikitang pabaya sa bayan, walang
hinarap kundi ang sariling kaginhawahan; ang mayaman ay kinakabig, at
ang imbi ay iniiring. Kaya, Felisa, ingatan mo si Honesto, pagdating ng
kapanahunan, tapunan mo ng magandang aral, nang huwag pumaris sa
iba na walang iniisip kundi ang tingalain sa kaibuturan ng kamahalan,
suknan, igalang at pintuhuin ng tao sa bayan.

Huwag limutin ni Honesto, na ang karangalan sa mundo, ay para rin


ng mundo, na may katapusan; ang fortuna o kapalaran ng tao, ay tulad sa
gulong na pipihit-pihit, ang nasa-itaas ngayon, mamaya'y mapapailaliman,
ang tinitingala ngayon, bukas ay mayuyurakan, kaya hindi ang dapat
tingnan lamang ay ang panahong hinaharap kundi pati ng haharapin.
Itanim mo sa kanyang dibdib, ang pagtupad ng katungkulan, na sakali ng
tatanggapin niya, sapagka't may pagusulitan, may justicia sa lupa't may
justicia sa langit; ang malisan ng justicia rito, ay di makaliligtas sa justicia
ng Diyos.

Huwag magpalalo, sapagka't ang puno at pinagpupunuan, di man


magkasing-uri, ay isa rin ang pinanggalingan, isa ang pagkakaraanan at
isa rin naman ang kauuwian; Diyos ang pinanggalingan, kaya magdaraang
lahat sa hukuman ng Diyos at Diyos din naman ang kauuwian.

Huwag magpakita ng kalupitan sa pagnanasang igalang ng tao,


sapagka't hindi ang katampalasanan, kundi ang pagtunton sa matuwid, at
pagpapakita ng magandang loob, ang iginagalang at minamahal ng tao.
Mahal man, at kung malupit, ay di namamahal, kundi kinalulupitan, at
pagkatalingid ay pinaglililuhan ng kaniyang pinaglulupitan. Ang kapurihan
ng mahal na tao ay nasa pagmamahal sa asal, at pagpapakita ng loob,
pamimihag ng puso ng tao; nguni't ang pagmamalaki at pagmamataas, ay
tandang pinagkakakilanlan nang kaiklian ng isip, at pinagkakadahilanan ng
pagkapoot ng kaniyang kapwa.

Kailan ma'y huwag lilimutin ng puno ang kaniyang katungkulang


lumingap sa lahat, mahal man at hindi, sapagka't ang paglingap niya ay
laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin ng tao, kundi sampo ng
kaniyang familia, at sa panahon ng kagipitan, ay di magpapabaya ang
kaniyang pinagpakitaan ng magaling.

Pakatatandaan, na ang isang ginoo, o mahal na marunong tumupad


ng katungkulan, tapat na loob sa mga kaibigan, mapag-ampon sa mga
mabababa, maaawain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at
kapurihan ng bayan, at hari ng lahat ng puso. Sa katagang wika'y ang
tunay na kamahalan, ay nasa pagmamahal sa asal, at paggawa ng
magaling.

Unti-unti, Felisa, na ipakilala mo kay Honeto ang kahalagahan ng


mahal na asal, ng pagtunton sa matuwid at kagandahan ng loob. Itala mo
sa kanyang dibdib, na ang baculo, trono, corona ma't cetro ay walang
halaga, kung di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas. Ipahayag mo
kay ama't ina ang kagalangan ko sa kanila. Adyos, Felisa, hanggang sa
isang sulat.—Urbana.

You might also like