Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

EPEKTO SA PAG-AARAL NG MGA INUMAN AT BILYARAN NA MALAPIT SA BALIUAG UNIVERSITY

SA MGA MAG-AARAL NITO

ISANG PAG-AARAL NA ISINAGAWA

BILANG PAGTUGON

SA MGA PANGANGAILANGAN

SA ASIGNATURANG FIL200

PAGSULAT AT PAGBASA TUNGO SA PANANALIKSIK

JOHN ANGELO S. ORTEGA


KABANATA I

SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula

Ang edukasyon ay daan tungo sa kaunlaran. Nagbibigay daan ito sa pagkakataong


makapamili ang isang tao sa kung anong pangarap ang nais niyang tuparin. Binubuksan din nito
ang ibat ibang oportunidad para sa mga nagsusumikap na makatapos ng kanilang pag-aaral. Sa
pamamagitan ng magandang edukasyon, ang suliranin ng kahirapan, sakit at karamdaman ay unti
– unting nababawasan. Kasabay din nito, ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng mas malakas
na tindig sa lipunan na kanilang ginagalawan kung sila ay may sapat na edukasyon.

Ang edukasyon ay mahalaga sa buhay ng isang tao. Ito ay isang kayamanan at ang
tanging maipapamana ng bawat magulang sa kanilang anak. Maraming paraan upang makamit
ang isang magandangkinabukasan. Ang paghahanda para sa kinabukasan ang mabisang paraan
upang makasigurado ang bawat tao sa kanilang pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na
maaaring pumigil sa pagtatagumpay ng isang tao. Mga balakid na susubok sa kaisipan ng bawat
mag-aaral. Ilan na lamang sa mga hadlang na ito ay ang masamang bisyo tulad ng paginom at
pagsusugal gaya ng bilyar.

Ang bisyo ay nakakasira ng pag-aaral, sapagkat nababaling ang atensyon ng mga mag-
aaral sa mga ito. May ilang bisyo na nakakasama sa kalusugan tulad na lamang ng paginom ng
alak, paninigarilyo, at pagsusugal. Sa oras na ang isang tao ay ay nalulong sa mga bisyong ito,
sinasayang niya hindi lamang ang panahon at pera kung hindi pati na rin ang magandang
kinabukasan na nag-iintay sa kaniya.Ang isang tao na nalululong sa masamang bisyo ay nagiging
malaking impluwensya sa kaniyang kapaligiran. Sinisira ng bisyo ang kaisipan ng isang tao.
Nagiging negatibo ang kanyang mental na aspeto at pagkilos, dahil dito ay nakakagawa siya ng
hindi magandang bagay na maaaring magpasama sa imahe ng kanyang pagkatao.

Maraming dahilan kung bakit naiisipan ng mga mag-aaral na magbisyo tulad ng paginom
ng alak at pagsusugal sa mga bilyaran. Kabilang na dito ang problema sa pamilya, maging ang
kawalang suporta ng mga kasapi nito. Isa ring dahilan ay ang pagsama sa maling barkada o
itinuturing nilang mga kaibigan. Sila ang naglulugmok sa mga walang musang ng mga kabataan.
Kaya naman marapat na kilalaning mabuti at piliin ang mga taong sinasamahan at kinakaibigan.
Pag-gabay ng magulang at lipunan ay mahalagang kailangan ng bawat kabataan.
Sa kasalukuyan panahon, maraming mag-aaral mula sa kolehiyo ang madali na lamang
mahikayat ng kanilang mga kamag-aral na subukan ang mga bisyo tulad na lamang ng pag-inom
ng alak at pagsusugal tulad na lamang ng pag-bibilyar.

Sa ngayon, hindi na lamang mga tindahan ng grocery o kaya naman school supplies ang
makikitang nakapalibot sa mga eskwelahan, kung hindi pati na rin ang mga inuuman at bilyaran
na tila mga kabuti na nagsusulputan sa paligid ng mga eskwelahan. Ang mga lugar na ito ang
nagsisilbing libangan at tambayan ng mga mag-aaral tuwing sila ay may bakanteng oras bago
pa man ang kanilang susunod na klase.

Ilan lamang ito sa mga bagay na nagiging dahilan upang maapektuhan ang pag-aaral ng
mga mag-aaral mula sa Baliuag University.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mag-aaral - mabigyang pansin ang mga epekto ng kanilang pag-inom at pagtambay sa bilyaran
pagdating sa kanilang pag-aaral.

Magulang- Nang sa gayon ay kanilang mapayuhan ang mga anak nila na nalululong sa
pagsusugal sa bilyaran maging ang pag-inom lalong lalo na sa lugar malapit sa paaralan.

Guro- malalaman ang dahilan kung bakit madalas na lumiliban sa kanilang klase ang kanilang
mga mag-aaral at kung may kinalaman ang inuman at bilyaran sa mababang grado na kanilang
nakukuha. Dahil din dito, maaaring payuhan ng mga guro ang kanilang mag-aaral sa maaaring
kalabasan kung ipagpapatuloy pa nila ang ganitong gawain.

Kawani ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag - mabigyang pansin ang dumaraming bilang ng mga
inuman at bilyaran na malapit sa mga paaralan.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay alamin ang mga epekto sa pag-aaral
ng mga mag-aaral ng mga inuman at bilyaran na malapit sa Baliuag University . Kaugnay nito,
naglalayon din ang pag-aaral na suriin at unawain ang mga dahilan kung bakit naiisipan ng mga
mag-aaral na pumunta sa mga lugar na ito. Sasagutin sa pananaliksik na ito ang mga sumusunod
na katanungan:

1. Ano ang dahilan ng pag-inom ng alak ng mga mag-aaral sa Baliuag University?


2. Bakit ang pagtambay at pagsusugal sa bilyaran ang isa sa mga nagiging pang palipas oras
ng mga mag-aaral?
3. Ano ang kanilang saloobin tungkol sa dumaraming bilang ng mga inuman at bilyaran na
malapit sa Baliuag University?
4. May epekto ba ang pagsama sa barkada upang maengganyo ang mga mag-aaral na
pumunta sa mga inuman at bilyaran na malapit sa Baliuag University?

5. Ano ang epekto ng mga bilyaran at inuman na malapit sa Baliuag University sa mga
mag-aaral nito?

BATAYANG KONSEPTWAL

INPUT PROCESS OUTPUT

Epekto sa pag-aaral ng mga inuman -Pagpasa ng letter of approval o Matukoy ang epekto ng mga inuman
at bilyaran na malapit sa Baliuag liham ng pahintulot at bilyaran na malapit sa Baliuag
University sa mga mag-aaral nito. University sa pag-aaral ng mga mag-
-Pagpapamahagi ng mga aaral nito.
talatanungan
-Pagtutuos ng mga resulta ng
pananaliksik
-Pagunawa at pagbigay
interpretasyon sa mga nakalap
na impormasyon
Layuning ipakita sa Batayang Konseptwal kung paano maisasagawa ang pananaliksik,
makakapagtipon ng mga impormasyon at datos, at ang pagbibigay interpretasyon sa mga nakalap
na impormasyon. Ipinapakita ng batayang konseptwal ang magiging proseso upang mabigyang
kasagutan ang pananaliksik na isinasagawa.

Sa kabuuan, kung ang mga ito ay makakamit, maaaring makatulong ang pananaliksik na
makapagdulot ng mas malalim na pag-unawa sa paksa.

SAKOP AT LIMITASYON

Sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral sa kolehiyo mula sa iba’t-ibang


departamento sa Baliuag University.
KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kinakatawan ng kabanatang ito ang iba’t ibang pag-aaral na naglalaman ng mga angkop na
lathalain ukol sa paksa. Layunin nito na higit na mabigyang linaw ang isinasagawang pag-aaral na may
patungkol sa “Epekto sa Pag-aaral ng mga Inuman at Bilyaran na Malapit sa Baliuag University sa mga
Mag-aaral Nito .” Ang mga nakalap na impormasyon at datos, at mga kaugnay na panitikan at pag-aaral
ay lubhang makatutulong sa pagbibigay kalutasan sa inilahad na suliranin.

Mula sa ulat ni Jiggy Manicad ng GMA News Online. “Kabilin bilinan daw ng mga lola
sa mga bata, huwag uminom ng serbesa.” Ngunit ayon sa isang sumbong sa IMBESTIGADOR,
SUMBUNGAN NG BAYAN may ilang bars daw sa loob mismo ng Intramuros sa Maynila na
ilang hakbang lang ang layo sa mga paaralan ang tila pasimuno sa mga masamang bisyo ng mga
estudyanteng minor de edad pa. Sumbong pa sa amin, sa halip daw na mag aral, ang mga
estudyante tila busy sa kanilang mga extra curricular activities. Magdamag na party at drinking
session ang inaatupag. Sa halip na sunog kilay sa pag aaral tila sunog baga raw ang
nakakahiligan. At sa patuloy namin pag iimbestiga, nadiskubre naming matagal na palang may
closure order ang mga bars na ito pero patuloy pa rin ang kanilang operasyon. Kaya naman sa
pag sanib pwersa ng Manila Chapa at IMBESTIGADOR agad naipasa ang pasaway na mga
gimikan.
CHAPTER III

Sa bahaging ito nakapaloob ang mga impormasyon patungkol sa pagkakabuo at pagkakagawa ng plano
sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng pananaliksik, pamamaraan,instrument at
instatistiko ay nilahad sa bahaging ito.

Pamamaraan

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang palarawan o

descriptive. Ang paraang palarawan ay pinag-aaralan ang mga pangkasalukuyang ginagawa,

pamantayan at kalagayan, ayon kay Garcia et. al. (2012), mula sa aklat na Paradaym:

Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelekwalisasyon, Disiplina at Konsepto). Ito ang gagamitin

na paraan sapagkat layunin ng pananaliksik na ito na alamin at suriin ang damdamin, iniisip at

pananaw ng mga respondante gamit ang mga nakalap na datos upang malaman kahalagahan ng

paglalaro ng Role Playing Games sa mag-aaral.

Lokasyon

Isinagawa ang pagaaral sa Baliuag University, Baliwag, Bulacan

Tagatugon

Ang napiling tagatugon ng mananaliksik sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral sa

kolehiyo ng Baliuag University.


Talatanungan

“EPEKTO SA PAG-AARAL NG MGA INUMAN AT BILYARAN NA MALAPIT SA


BALIUAG UNIVERSITY SA MGA MAG-AARAL NITO”

Mahal naming tagatugon,

Magandang araw. Ako po ay mga mag-aaral mula sa Baliuag University na nagsasagawa ng


pananaliksik na may paksang “EPEKTO SA PAG-AARAL NG MGA INUMAN AT
BILYARAN NA MALAPIT SA BALIUAG UNIVERSITY SA MGA MAG-AARAL NITO”.
Inaasahan kop o ang inyong kooperasyon sa pagsagot sa talatanungan na ito upang makakalakap
ng impormasyon na magagamit sa aking pananaliksik. Tinitiyak ko po na magiging
kumpidensyal ang mga impormasyon sa inyong mga kasagutan.

Kurso:_______________________________

Edad:___________

Kasarian:________

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang bawat katanungan. Lagyan ng bilog
ang letra ng iyong sagot.

I. Ano ang dahilan ng pag-inom ng alak ng mga mag-aaral sa Baliuag University?


1. Ano ang dahilan kung bakit ka umiinom ng alak?
a. Pampalipas oras
b. Problema sa boyfriend/girlfriend
c. Problema sa pamilya
d. Iba pang sagot_________________________________________

2. Ano ang nangyayari sa tuwing ikaw ay nalalasing?


a. Naghahanap ng away
b. Nananatiling kalmado
c. Nagiging makulit
d. Iba pang sagot_______________________________________
3. Ano ang nangyayari sa tuwing ikaw ay natatalo sa bilyaran?
a. Naghahanap ng away
b. Tinatanggap ang pagkatalo
c. Nangungutang upang may pang-taya ulit
d. Iba pang sagot_________________________________________
4. Ano ang epekto sa iyo ng paginom ng alak at pagsusugal sa bilyaran?
a. Pagkaubos ng pera
b. Pagkakaroon ng mga kaibigan
c. Pakikipag-away
d. Iba pang sagot___________________________________

II. Bakit ang pagtambay at pagsusugal sa bilyaran ang isa sa mga nagiging pang palipas
oras ng mga mag-aaral.
1. Bakit mas pinipili mo na pumunta sa mga inuman at bilyaran kaysa manatili sa
paaralan?
a. Pagkainip sa paaralan
b. Naiinggit sa mga kaibigan na nasa inuman at bilyaran
c. Walang guro
d. Iba pang sagot ________________________________________

2. Ilang oras ka tumatambay sa bilyaran?


a. 1-2
b. 3-4
c. 2-3
d. Iba pang sagot _______________________________________
3. Ano ang dahilan ng pagtambay at pagbibilyar ng mga mag-aaral?
a. Dahil may vacant hours
b. Pampalipas oras
c. Nakikipagpustahan
d. Iba pang sagot _________________________________________
4. Magkano ang perang nagagastos mo sa pagbibilyar?
a. 10-50 pesos
b. 100-200 pesos
c. 50-100 pesos
d. Iba pang sagot _________________________________________

III. Ano ang inyong saloobin tungkol sa dumaraming bilang ng mga inuman at bilyaran na
malapit sa Baliuag University?
1. Ano ang nais mong gawin para sa mga inuman at bilyaran na malapit sa Baliuag
University?
a. Ipasara/ ipagbawal
b. Limitahan ang oras ng pagbubukas
c. Patuloy na magbukas
d. Iba pang sagot______________________________________
2. Sa iyong palagay, ano ang wastong oras upang magbukas ang mga inuman at bilyaran
na malapit sa Baliuag University?
a. 8:00 am
b. 4:00 pm
c. 12:00 pm
d. Iba pang sagot______________________________________
3. Ano ang iyong isinasaalang-alang sa pagpili ng lugar kung saan iinom ng alak?
a. Mababang presyo ng alak
b. Malinis
c. Libreng videoke
d. Iba pang sagot_______________________________________
4. Ano ang iyong maipapayo sa mga may-ari ng mga inuman at bilyaran?
a. Ipaalam ang masamang dulot ng kanilang inuman at bilyaran
b. Limitahan ang oras ng kanilang operasyon
c. Magsara na
d. Iba pang sagot__________________________________________
IV. May epekto ba ang pagsama sa barkada upang maengganyo ang mga mag-aaral na
pumunta sa mga inuman at bilyaran na malapit sa Baliuag University?

1. Sino/sino-sino ang mga kasama mong tumatambay sa bilyaran?


a. Mga kaibigan
b. Guro
c. Girlfriend/boyfriend
d. Iba pang sagot ______________________________________

2. Ilang beses ka umiinom ng alak sa loob ng isang linggo?


a. Isa
b. Tatlo
c. Dalawa
d. Iba pang sagot_______________________________________
3. Ilang beses ka nagsusugal/ tumatambay sa bilyaran sa loob ng isang linggo?
a. Isa
b. Dalawa
c. Tatlo
d. Iba pang sagot_______________________________________

4. Ano ang epekto ng pag inom at pagbibilyar pagdating sa iyong pagkatao?


a. Natututong makisama sa kapwa
b. Pagiging mapagbigay
c. Nagiging palaaway
d. Iba pang sagot_______________________________________
V. Ano ang epekto ng mga bilyaran at inuman na malapit sa Baliuag University sa mga
mag-aaral nito?
1. Ano ang naging epekto ng pag inom at pagbibilyar sa iyong pag-aaral?
a. Mababang marka
b. Pagkaubos ng pera
c. Madalas na pag absent
d. Iba pang sagot ______________________________________
2. Ano ang epekto ng paginom ng alak at pag bibilyar sa iyong grado sa paaralan?
a. Bumababa
b. Tumataas
c. Tulad lang ng dati
d. Iba pang sagot________________________________________
3. Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw ay inaaya ng iyong kamag-aral na
uminom ng alak o kaya naman ay magbilyar?
a. Natutuwa
b. Nasasabik
c. Naiinis
d. Iba pang sagot________________________________________
4. Ano ang epekto sa iyo ng paginom ng alak pagdating sa klase?
a. Lumalakas ang loob na mag participate sa klase
b. Nagiging mayabang
c. Nagiging makulit/maingay
d. Iba pang sagot_______________________________________
Paraan ng Pag-aaral

Ang mga datos na nakalap ay nagmula sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng Baliuag

University. Ito ay kinalap sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga mananaliksik ay humingi ng

pahintulot mula sa mga faculty in charge ng bawat departamento sa kolehiyo nng Baliuag

University. Bago pa man magpamigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral, masusi itong

ipinasuri sa gurong tagapayo na si Bb. Lilia Manahan, upang masimulan ang sapat na oras

upang masagutan ang mga katanungan na nakaloob sa talatanungan na ipinamigay ng

mananaliksik.

Pormula

Matapos maipamahagi ang mga talatanungan, makalap ang mga kailangan at mahahalagang

impormasyon, ang mga datos ay masusing sinuri at pinag aralan upang mailarawan ang mga

nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang pamamaraan upang makuha ang

mga naging kasagutan ng mag-aaral sa Baliuag University. Ang pormulang ginamit ay:

% = F/N x 100

Kung saan:

% = bahagdan

F = Bilang ng mga tumugon

N = Kabuuang bilang ng mga tagatugon


100 = constant

mula ito sa aklat ni Calderon, J. F., (1993). Methods of Research and Thesis Writing
BAIUAG UNIVERSITY

BALIWAG, BULACAN

Enero25 ,2018

Dr.Flordeliza A. Castro
Dekana, CHMT
Baliuag University

Mahal na Dr. Castro:

Kasalukuyan po akong gumagawa ng isang payak na pananaliksik sa Filipino 200:Pagbasa at


Pagsulat tungo sa Pananaliksik na may pamagat na “Epekto sa pag-aaral ng mga inuman at bilyaran na
malapit sa Baliuag University sa mga mag-aaral nito.”

Kaugnay po nito ako po ay humihingi ng pahintulot na makapag pamigay ng talatanungan sa


mga mag-aaral ng Baliuag University.

Umaasa po ako na inyong pagbibigyan ang aking kahilingan at umasa rin po kayo na ang lahat ng
impormasyon na aking makakalap ay gagamitin lamang sa aking pananaliksik at mananatiling
konpidensyal. Maraming salamat po.

Gumagalang,

JOHN ANGELO S. ORTEGA


Mag-aaral

Pinansin ni:

LILIA MANAHAN
Guro, Filipino 200

You might also like