Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1.

DEMAND - Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na kaya at handing


bilhin ng mga consumer sa alternatibing presyo sa isnag takdang panahon. Ang presyo ay
may malaking impluwensya sa pagtatakda ng demand ng mga konsyumer. Ito ang
pangunahing salik na nakapagpapabago ng demand ng mga konsyumer. Ang demand ay
maitatakda kung ang konsyumer ay may kakayahang at kagustuhan na bilhin ang isang
produkto at serbisyo. Ito ay kailangan na umiral ng saby upang maitakda nag deman ng
konsyumer na siyang pangunahing actor sa konseptong ito.

2. BATAS NG DEMAND (LAW OF DEMAND)


 Kapag ang presyo ng produkto ay tumataas, kakaunti ang bibilhing produkto ng konsyumer.
 Ngunit, kapag ang presyo ay bumababa, maraming produkto ang bibilhin ng konsyumer
habang ang ibang salik ay hindi nagbabago

Sa nasabing batas, ang presyo lamang ang nakakaapekto sa demand. Ito ay naglalarawan ng
di-tuwirang relsyon ng Qd at Presyo.

3. KONSEPTO NG DEMAND

DEMAND SCHEDULE
Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand
schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.

DEMAND FUNCTION
Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo
at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba:

Qd = f (P)

Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo


(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago
ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng
mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation

na:
Qd = a - bP

Kung saan:
Qd = quantity demanded
P = presyo
a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope= ∆Qd

∆P
Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong
pagbabago sa presyo.
DEMAND CURVE
Isang grapikong paglalarawan ng di-tuwirang relasyon at dami ng bilihing produkto. Ang
graph ay binubuo ng dalawang axis, ang horizontal (x) at vertical (y) axes. Ang presyo ay sa
Y axis at and Qd ay sa X axis.

4. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA DEMAND


1. Okasyon
2. Populasyon/Bolang ng mamimili
3. Expektasyon o inaasahan ng mamimili
4. Panlasa / kagustuhan
5. Presyo ng magkakaugnay na produkto
 Substitute goods (Pamalit na produkto)
 Complimentary goods (Magkaugnay n aprodukto)
6. Kita
 Normal Goods
 Inferior Goods

5. SUPLAY
Supply – ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at nais ipagbili sa iba’t
ibang lebel ng negosyo sa isang takdang panahon.

6. BATAS NG SUPPLY
· Ang batas na ito ay nagsasaad na habang ang presyo ng produkto ay tumataas,
maraming ang handing ipagbili ng prodyuser, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.
· Sa nasabing batas, ang presyo lamang ang nakakaapekto sa supply. Ito ay naglalrawan
ng tuwirang relasyon ng Qs at presyo.

7. KONSEPTO NG SUPPLY
SUPPLY FUNCTION – ito ay ang mathematical equation na naglalarawan sa ugnayaan ng
Presyo (P)- ang independent variable, at ang Quantity Supplied (Qs)- ang dependent variable.

SUPPLY SCHADULE – isang talahayan na nagpapakita ng dami ng produkto na handa at


kayang ipagbili ng prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.

SUPPLY CURVE - isang grapikong paglalarawan ng tuwirang relasyon ng presyo at dami


ng produktong handing ipagbili ng prodyuser. Ang graph ay binubuo ng dalawang axis, ang
horizontal (x) at vertical (y) axes. Ang presyo ay sa Y axis at and Qs ay sa X axis.

8. MGA SALIK NA NAKAKAAPEKTO SA SUPPLY


 Dami ng nagtitinda
 Subsidy
 Teknolohiya
 Panahon/Klima
 Ekspektasyon
 Presyo ng alternatibong produkto
 Presyo ng mga salik ng produksyon

9. Ang EKWILIBRIYO SA PAMILIHAN ay ang punto kung saan ang quantity demanded
at quantity supplied ay pantay o balanse. Upang lubos na maunawaan ang
konseptong ito, gamiting gabay ang graphic organizer. Tandaan na nagkakaroon
lamang ng ekwilibriyo sa pamilihan kung balanse ang parehong dami ng supply
at dami ng demand at nagaganap ito sa isang takdang presyo. Kapag alinman sa
dalawang panig ang naging mas malaki o mas maliit ang bilang, hindi na ito magiging
balanse.

10. SHORTAGE ay kapag marami ang demand ngunit konti lang ang suplay (Halimbawa:
kailangan ni Anne ng 12 na rosas ngunit 10 lang ang meron sa tindahan ni aling Tes)

SURPLUS ay kapag kokonti lang ang demand at sobra naman ang suplay
(Halimbawa:Gumawa si aling Tes ng 50 pirasong ice candy ngunit 30 piraso lang ang
nabenta)

11. ANG KONSEPTO NG PAMILIHAN


Ang pamilihan ay mahalagang bahagi ng buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar kung saan nakakamit ng isang konsyumer ang sagot sa marami niyang
pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng mga produkto at serbisyong handa at
kaya niya.

12. PAMILIHANG MAY GANAP NA KOMPETISYON -sa pamilihang ito, walang


kakayahan ang sinuman sa bahay-kalakal at mamimili na kontrolin ang presyo. ang mga
produktong ipinagbibili ay walang pagkakaiba. Ang mga mamimili at nagtitinda ay may
ganap na KAALAMAN SA KALAGAYAN NG PAMILIHAN.
MGA KATANGIAN NG GANAP NA KOMPETISYON:
-Magkakatulad na Produkto
-Marami ang Konsyumer at Tindera ng Produkto
-May Kalayaan sa Paglabas at Pagpasok sa Negosyo
-Malayang Pagalawa ng mga Salik ng Produksiyon
-Magkakatulad ang mga Produkto

13. PAMILIHANG MAY HINDI GANAP NA KOMPETISYON- sa pamilihang ito,


nakokontrol ng isa o iilang kompanya ang presyo ng produkto.

14. MONOPOLYO – isang uri ng pamilihan na may iisa lamang bahay-kalakal na


gumagawa ng produkto na walang malapit na kahalili.

MONOPSONYO – ito ang pamilihang isa lamang ang mamimili. Ito ay may lubos na
kapangyarihan upang kontrolin ang presyo.
OLIGOPOLYO — isang estruktura ng pamilihan na may maliit na bilang ng bahay-kalakal na
nagbebenta ng magkakatulad o magkakaugnay na produkto.

MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON – maraming kalahok na bahay-kalakal; ang uri ng


produktong ipinagbibili as magkakapareho ngunit hindi magkakahawig. Ito ang product
differentiation.

15. PAMILIHAN AT PAMAHALAAN

Ang pagpapanatili ng katatagan ng pamilihan ang layunin ng maliit at hindi aktibistang


pamahalaan. Isasagawa ito sa pagtataguyod ng ganap na kompetisyon.

Tatlo ang gampanin ng malaki at aktibong pamahalaan:

1. Ang pagpapanatili ng kompetisyon – pagbuo ng mga batas at programang pangkaunlaran,


pagpapalawak ng kompetisyon sa pamilihan
2. Pagpapalit sa allocative role ng pamilihan – pagpili ng mga hakbangin sa pagsisinop ng
pinagkukunang-yaman, muling pamamahagi ng kita at yaman ng isang bansa sa mga
mamamayan, pagpapatatag at pagpapatibay ng pambansang ekonomiya
3. Ang pagsasaayos ng distribusyon ng mga pinagkukunang-yaman (distributive role)—
paliitin ang antas ng inequality sa pamilihan

Pamamaraan ng Panghihimasok ng Pamahalaan:

• Tight industrial regulatory regime – pagsasaayos ng presyo sa iisang atas lamang;


ipinatutupad ng pamahalaan sa paniniwala na bubuti ang kapakanan ng mamamayan sa mga
piling bahay-kalakal.
• Industrial Deregulatory Regime—pagbubukas ng industriya sa kompetisyon
• Paglahok ng pamahalaan sa industriya
• Pagbubuwis – humahalili sa presyo ang buwis sa pagtatakda ng panlipunang
pagpapahalaga sa pagkonsumo at paglikha ng produkto
• Tax Exemption at Subsidy
o Tax exemption – ang mahihirap ay hindi pinagbabayad ng buwis
o Subsidy – tulong-pinansyal ng pamahalaan para sa mahihirap
• Programang Pangkaunlaran
• Sequestration – nilalayon nito na itigil ang pagsasamantala ng bahay-kalakal sa mga
mamimili at kapwa bahay-kalakal

16. PRICE CEILING AT PRICE FLOOR


Price ceiling (price control) – pinakamataas na presyo na itinatakda ng pamahalaan para sa
isang produkto
Price floor (price support)– ang tawag sa pinakamababang presyo na itinatakda ng
pamahalaan para sa isang produkto

You might also like