Dangal NG Bayan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TANGUILAN, CLEARM M.

FILIPINO-1
BSA-1CONSOLATION G.FRANK LANSANG

DANGAL NG BAYAN, NASAAN KA?

Para sa ating mga nagpipitagang panauhin, mga masisipag na guro, mga kapwa
ko estudyante at mga minamahal naming mga magulang at kabataan, isang mapagpalang
umaga!

Ngayong araw na ito, tayo ay nagtipon upang bigyan ng kalinawan at alamin


ang kasagutan kung ano nga ba ang ating papel sa mga sinasabing pag-asa ng bayan.

Oo, walang mali sa iyong narinig. Madalas sumagi sa ating mga tainga ang
katagang “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, na buong lakas loob na sinabi ng ating
pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal.

Ngunit sa panahon ngayon, masasabi pa rin ba natin na kabataan ang pag-asa


ng bayan kung sila mismo ay nawawalan na ng pag-asa?

Aminin man natin o hindi, tayo ay nabubulag na mapang-akit na imbensyon ng


mapanlinlang na teknolohiya. Bakit mapanlinlang? Sa kabila ng mga magagandang dulot at
benepisyong na natatamo natin dito, kasabay naman nito ang pagpapaikot niya sa ating
mga ulo.

Oo, tayo ay nabubuhay sa modernong mundo. High-tech ika nga nila. Subalit
sa pagsulputan ng mga likhang taong yan, patuloy naman nating nalilimutang ang mga
mumunti ngunit napakahalagang kayamanan ng ating bansa.

Habang tayo ay nagpapakasaya a tuwang hatid ng teknolohiya at sumasabay


sa agos ng pag-uunlad nito, tila ba napang-iiwanan na ang kabataan natin ngayon.

Kung napapansin mo, patuloy na yumayabong at umaasenso ang mga


imbensyon na tila ba ito pusang tahimik na naninira ng kinabukasan ng kabataan. Kung ano
ang bilis ng pag-unlad ng teknolohiya ay siya rin namang bilid ng pagbagsak ng pag-iisip ng
kabataan.

Hindi ko masabi kung nasa kamay ba natin anng kontrol sa teknolohiya


sapagkat tayo mismo nagpapaunlad sa kanya o siya kumokontrol sa atin dhil binibilog niya
ang ating mga ulo na siyang dahilan ng ating pagiging imoral.

Pero base sa aking nakikita, kontrolado tayo ng walang buhay na tayo mismo
ang may gawa. Sa madaling salita, hindi sa lahat ng oras ay kakampi natin ito. Bagamat
pabor siya sa iba, nakakpinsala naman siya sa mas nakararami.

Kung ating iisipin, mass nabibigyan ng tuon ang mga kabuluhang bagay kaysa
sa kabataan. Updated ka? Oo! Updated ka! Saan? Sa Iphone 6S na kalo-launch lang? Sa
tambalang Alden at Yaya Dub o AlDub na pinapakilig tayo sa tanghaling tapat? Sa Clash of
Clans na walang ibang tinuro sa ating kundi ang magnakaw? Eh ang anong, updated ka ba sa
tinatamasang kahirapan ng kabataan?

Kaya totoo nga, tuluyan na tayong binulag ng teknolohiya. Ultimo maliit na


bagay ay nakikita natin gamit ang internet ngunit ang kahirapang dinaranas ng ating
kabataan ngayon na sa totoo lang ay araw-araw nating nakikita ay hindi natin pansin at
binabalewala lang natin.
Minsan natanong mo na ba sa iyong sarili na paano kung buhay si Rizal, ano
kaya ng nararamdaman niya ngayon? Nagagalit ba siya o nasisiyahan?

Minsan na siyang nagbuwis ng buhay at nag-alay ng kanyang dugo para sa


ating bayan. Bayani siya kung ituring. Ngunit ang malaking tanong dito, ano ang
pinakadahilan niya kung bakit nagawa niyang isakripisyo ang kanyang sarili?

Sabi nila para daw sa bayan. Oo, sabi nila. Pero sabi ko naman, nagsakripisyo
siya dahil sa kabataan. Dahil alam niya na sila ang ating kinabukasan, na sila ang susi sa
pag-unlad at sila ang kalakasan ng ating bayan.

Nasa kamay nila ang pag-asenso ng ating bansa. Hawak nila ang kinabukasan
ng ating lupain at higit sa lahat, taglay na nila ang isang pambihirang lakas na walang kahit
anong tutumbas na ano mang sandata o armas.

Subalit sa mga nangyayari ngayon, kahit isa ba sa inyo may nakakaintindi sa


pakahulugan ng kanyang kataga? Kahit isa ba may makapagsasabi kung ano ang bagong
mukha ng kabataan ngayon?

Sa paglipas ng panahon, tuluyan na ngang binago ng teknolohiya ang mukha ng


ating kabataan natin ngayon. Masasabi ko na tila ba sila ay isang lantang puno na
nakatanim sa tigang na lupa at uhaw na uhaw sa tubig. Walang asenso! Walang pag-unlad!
Walang dahilan para mabuhay! At walang natitikman na pag-aaruga at pagpapahalaga! Kung
ganoon, paano uunlad ang ating bansa kung mismong susi sa ating pag-unlad ay walang pag-
asang umunlad?

Masasabi ko rin na ang bagong mukha ng kabataan ay parang isang gabing


walang nagniningning na buwan at butuin at nababalot sa dilim. Walang liwanag! Walang
naaaninag! At higit sa lahat walang pangarap! Kung ganoon, paano pa aahon ang ating bansa
kung ang mismong kabataan na sinasabing sila ang mag-aahon sa bansa ay hindi makaahon
dahil wala saling makita kahit na konting liwanag? Mananatili na lang ba sila na mamuhay
sa dilim na lugar? Mananatili na lang ba silang mga walang pangarap sa buhay o mga bituing
walang ningning?

Isa pa, maikukumpara ko ang bagong mukha ng kabataan ngayon sa


kinakalawang na kamaong bakal. Walang saysay! Walang lakas! Madaling madurog! Kung
ganoon, paano natin masasabi na kabataan ang kalakasan ng bayan kung sila mismo ay
nawawalan na ng lakas? Paano pa nila ipagtatanggol ang ating lupain kung sarili nila mismo
ay hindi nila magawang ipagtanggol? Hahayaan ba natin silang mamuhay ng walang silbi at
mga walang pangarap dahil sa kahirapan?

Iilan lang iyon sa nakikita kong bagong mukha ng kabataan. Kung ngayon
palang ay ganoon na ang ating pananaw sa kanila, paano pa kaya sa susunod na panahon?
Hahayaan ba natin na mas lalong lumala ang kanilang kalagayan na ang punong lanta ay
tuluyang mamatay, ang dilim na kalangitan ay mananatiling dilim at ang kinalawang na
kamaong bakal ay tuluyan ng madurog?

Wag naman sana. Mga kababayan, imulat ang ating mga mata, buksan ang mga
puso at liwanagan ang ating isipan at alamin ang kalagayan ng ating mga kabataan.

Nararapat lang na bigyan natin sila ng sapat na atensyon. Kumilos na tayo!


Simulan natin ang pagbabago! Kung sila ang ating kalakasan, tayo naman ang kanilang
pundasyon. Sa bandang huli, tayo-tayo rin ang magtutulungan tungo sa inaasam natin na
pagbangon.
Aminado tayong lahat na moderno na ang uri ng pamumuhay natin ngayon. Ok
lang naman na sabayan ang pag-unlad ng teknolohiya ngunit ang mali doon ay ang mapang-
iwanan ang kinabukasan ng kabataan.

Muli natin pairalin ang isa sa pinakaimportanteng pamana ng ating mga


ninuno-BAYANIHAN! Muli nating pairalin ang bayanihan sa “Bayan ni Juan”. Sa madaling
salita, kailangan natin magtulung-tulungan. Tayo ay magbigkis, magbuklod at magkapit-
bisig para sa ikabubuti ng “Bayan ni Juan”. Bayan ni Juan na ating pagmamay-ari na sa
pagdating ng panahon ay ipamamana natin sa ating kabataan at susunod pang henerasyon.

Kaya ngayon palang, magkaroon atyo ng isang layunin. Layunin para sa


ikabubuti ng mga batang Pilipino. Dahil sabi ko nga kanina “ Ang kakayahan ng kabataan ay
kalakasan ng bayan” at “Ang kalakasan ng kabataan ang ikauunlad nitong ating bayan.”
Tayo ay makiisa. Huwag nating hayaan na mawalan ng pag-asa ang mismong
pag-asa ng ating bayan. Maiikumpra ko sila sa isang alkansya. Wala silang saysay kung
walang laman ang loob. Samakatuwid, tayo dapat ang magpuno at maglagay ng laman sa
loob nila. Dahil sa paglipas ng panahon, tayo rin ang makikinabang sa ating mga naipon. At
kailanmay di mauubos ang ating mga naipon.

Tandaan na hindi lamang sila mga pag-asa ng ating bayan bagkus sila rin ang
dangal nitong ating bayan. Isang bayan na kailanman ay di-matitibag ninuman. Dahil sabi
ko nga kanina, taglay natin ang isang pambihirang lakas na walang kahit anong tutumbas na
ano mang sandata o armas at sila ang mga KABATAAN!!!

Hanggang dito na lamang po. Sana ay mayroon kayong natutunan sa kain at


nawa'y naliwanagan ang inyong isipan sa aking talumpati. Muli, isang magandang umaga sa
inyong lahat!

You might also like