Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

ANG MAKINANG PANAHI

Naimbento ang kaunaunahang makinang panahi ni Elia Howe noong 1846. Pinabuti
ito ni Isaac Merit Singer noong 1851. Pinasimulan niya ng paggawa ng maramihan ng
mga makinang panahi kaya mayroong tatak ang makina na Singer. Ang
pagkaimbento ng makina ay iang malaking hakbang na nagpabuti sa gawaing
pananahi. Sa makina, mabilis matapos at higit na matibay ang tahi kaysa sa
pananahi sa kamay. Ang making panahi ay maaring patakbuhin sa pamamagitan ng
paa, kamay o kuryente.

MGA BAHAGI NG MAKINA


Mga pangunahing bahagi:

A) Ulo
B) Kama
C) Ibaba ng makina

A. Ulo - ito ang bahgi sa itaas na binubuo ng maliliit at tiyak na bahagi ng makina.
1. Gulong na Pangkamay (Balance Wheel) – ito ang maliit na gulong sa gawing kanan ng ulo
na umiikot sa pamamagitan ng kordon sa makina.
2. Tusukan ng karete (Spool pin) - ito ay nasa itaas na bahagi ng ulo ng makina. Dito
inilalagay ang karete ng sinulid.
3. Ikiran ng sinulid ng bobina (Bobbin Winder) – ang bahaging ito ay malapit sa balance
wheel. Ito ang mag-iikid ng sinulid ng bobina.
4. Pang-ayos ng tahi (Stitch Regulator) – ito ay nakalagay sa ibaba ng ikiran ng sinulid.
Inaayos at kinokontrol nito ang haba ng mga tahi.
5. Pang-itaas na panghigpit (Tension Regulator) – Ito ang nag-aayos ng luwag o higpit ng mga
tahi ng makina.
6. Panikwas na sinulid (Thread take-up lever) – ito ang bahaging humihila nang paitaas sa labis
na sinulid.
7. Kabilya ng Karayom ( Needle Bar) – sa bahaging ito inilalagay ang karayom. Ito rin ang
nagdadala ng sinulid sa ibabaw habang nanahi.
8. Presser Foot - ito ang pumipigil at gumgabay sa tela habang nanahi.
9. Tagataas-babang pisador ( Presser Bar Lifter) – bahaging nagtataas at nagbaba sa presser
foot.
1 0. Face Plate- takip sa bandang kaliwa ng braso na maaring alisin upang maparaan
ang kabilya ng karayom.
11. Turnilyong Pampaandar (Stop Motion screw) – ito ang malaking turnilyo sa gitna ng
balance wheel. Maari itong luwagan o sikipan. Itinitigil nito ang galaw ng makina
kapag niluluwagan at pinaandar naman kapag sinisikipan.
B. Kama ( Bed) - ito ang patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaandar
ng shuttle ang galaw ng sinulid.

1. Metal na pambibig ( Throat Plate) – ito ang makinis at makintab na metal sa


ibabaw ng kama na pinagdaraanan ng karayom at sinulid.
2. Ngipin ng makina ( Feed Dog) ito ay nasa ilalim ng presser foot. Ang bahaging
ito ay may ngiping gumagalaw na siyang nag-uusad sa tela habang ito
ay tinatahi.
3. Takip na metal ( Slide Plate) – ito ay nasa gawing kaliwa ng kama. Yari ito sa
makinis at makintab na metal. Binubuksan ito kung aalisin o ilalagay
ang kaha sa bobina.
4. Kaha ng bobina (Bobin Case) – pinaglalagyan ng bobina.
5. Bobina (Bobbin)- dito inilalagay ang sinulid sa ilalim ng makina.

C. Ibaba ng Makina

1. Koreya, Kulindag o Kurdon (Belt) – ito ay balat na lubid na nag-uugnay sa maliit na


gulong sa ibabaw at sa malaking gulong sa ilalim.
2. Malaking Gulong (Band Wheel) - makikita sa gawing kanan sa ilalim ng cabinet ng
makina. Ito ang malaking gulong sa ibaba na kinakabitan ng koreya at
nagpapaikot sa balance wheel.
3. Pidal (Treadle) – dito pinapatong ang mga paa upang umandar o umikot ang
malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod.
4. Band Wheel Crank – ito ang bahaging nagpapaikot sa malaking gulong sa ilalim.
5. Pangawit (Pitman Rod) - isang mahabang bakal na naghuhugpong sa pedal at sa
malaking gulong.
6. Giya ng Koreya (Belt Guide) - pumapatnubay sa koreya upang hindi mawala sa
lugar.
KASANAYAN SA PANANAHI MAKINA

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan

A. Pangkalusugan
1. Maupo ng maayos
2. Ilagay ang makina kung saan ang liwanag ay nangagagling sa
ibabaw ng balikat.
3. Laging iwasan ang tuwid na liwanag o nakakasilaw na ilaw.
4. Gumawa nang may malinis na kamay.
5. Sa pagputol ng sinulid gunting lamang ang gamitin.
6. Pamalagiing malinis ang mesang gawaan.

B. Pangkaligtasan
1. Ang gunting, aspili at karayom ay hindi dapat hawakan sa
matutulis na bahagi.
2. Kung ang gunting ay iaabot sa ibang tao, iuna ang hawakan.
3. Ang mga daliri ay huwag ilalalagay sa ilalaim ng presser foot.
4. Sa gawing kanan ng makina ipatong ang gunting.
5. Iwasan ang paglalagay ng karayom o aspili sa bibig. Itusok ito sa
pin cushion kung hindi ginagamit.
Mungkahing Proyekto
I.Pangalan ng Proyekto:Patungan ng aklat na Yari sa Zesto Box
II.Layunin
 Nakagagawa ng maliit na patungan ng aklat na yari sa zesto box
 Nakagagawa ng angkop na kasangkapan at materyales sa paggawa ng maliit na
patungan para sa mga aklat
 Nakasusunod ang tamang proseso at paraan sa paggawa ng proyekto
 Natutuos ang halaga ng proyekto
III.Guhit

IV.Halaga ng materyales
Halaga ng Unit Pangalan Halaga ng Kabuuang
materyales/sukat ng bawat halaga
materyales materyales
1 piraso Tissue ₱8.00 ₱8.00
1 bote pintura ₱18.00 ₱18.00
2 piraso Zesto box ₱1.00 ₱2.00
1/4 piraso Card ₱8.00 ₱8.00
board
1 piraso Glue ₱15.00 ₱15.00
2 piraso Plastik na ₱2.00 ₱2.00
tinidor
3 piraso Diyaryo ₱4.00 ₱12.00
V.Paraan ng paggawa

You might also like