Makatarungan Ba Ang TRAIN Law Sa Mamayang Pilipino?

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Mary France F.

De Belen
3B3

Makatarungan ba ang TRAIN Law sa Mamayang Pilipino?

January 1, 2018 ng ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang


TRAIN Law or Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Ano nga ba ang TRAIN Law?
Ito ay ang walang ibabawas na personal income tax para sa mga empleyadong
sumasahod ng 250,000 pesos pababa. Bagkus tataas ang presyo ng langis at
produktong may asukal at kanilang mga "derrivative products", partikular ang mga
inumin kagaya ng kape, juice, at sports drinks. Layunin ng TRAIN na pondohan ang
mga proyektong imprastraktura na lubos ding kailangan ng ating bansa.

Ano nga ba ang dulot ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion
(TRAIN) law sa mga Pilipino? Pinakauna ilan sa mga empleyado ay nakatanggap ng
tax free na sahod o kaya’y tumaas ang take-home pay dahil umano sa TRAIN law.
Mukha namang pasisimplehin nito ang pagfa-file ng income tax returns at 'di na buwan-
buwan kundi quarterly na filing na para sa ilang forms. Maraming mapapangiti pagsilip
sa mga paycheck. Lalaki ang take-home pay ng mga empleyado dahil itinaas sa
P250,000 annual earners ang sakop ng zero income tax. Ngunit sa kabila ng pagtaas
ng sahod, hindi lubos ang kasiyahan dahil kasabay naman nito ang pagtaas ng mga
bilihin. Magmamahal ang yosi, softdrinks at matatamis na inumin, make-up, at kotse.

May mga ekonomistang naniniwala na ito'y makatwiran at sa kalaunan ay


magdudulot ng kaibsan sa taumbayan dahil may pantustos na ang pamahalaan sa
serbisyo't imprastraktura. Tumataginting na P1.89 trilyon ang gustong gastusin ng
administrasyon sa road works pa lamang, at abot sa P8.44 trilyon ang nakalaan sa
"Build, build, build". Sa kabuuan, tatamaan ang mahihirap at ang informal sector – yung
mga hindi swelduhan – dahil sa inaasahang inflation. Paano na ang mga walang
trabaho, mga vendor, jeepney at tricycle driver, at iba pa? Tatamaan din ang mga OFW
na nagpapadala ng remittance dahil tumaas din ang documentary stamps tax. Dumoble
ang buwis sa bawa't P200 na padala. Lahat ng pagbubuwis ay balancing act. Merong
aspeto ng buhay nating tatamaan, merong magiginhawahan. Sabi ng mga
ekonomistang pabor dito, sa net effect, mainam daw ang bagong tax law. Mas marami
ang makikinabang sa mahabang panahon.

You might also like