Tanikalang Lagot LP.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin

Guro: Brian M. Cruz


Baitang: 8
Asignatura: Filipino 8
Panahunang Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa ng pagtuturo: Disyembre 6, 2017

I. MGA LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang
popular sa kulturang Pilipino.
B. Pamantayang sa pagganap
Nakasusulat nang wastong dokyumentaryong panradyo
C. Mga Tiyak na Layunin
1. Nailalahad ng maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin.
2. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting.
3. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.
4. Napapahalagahan ang paniniwala at pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng patuloy
na pananampalataya sa kannya.

II. Nilalaman o Paksa


A. Paksang-aralin: Tanikalang LAgot (Kontemporaryong panradyo)
B. Mga Kagamitan
C. Sanggunian: inagyamang Pluma 8 Phoenix Publishing House, INC. 927 Quezon
Ave. Quezon City p.359-361

III. Pamamaraan
A.Pang-araw-araw na Gawain
 Pagbati sa mag-aaral
 Pagpapaayos ng upuan at pagpulot ng kalat
 Pagtatala ng lumiban sa klase

B. Lunsaran/Pangganyak

Magpapanoud ang guro ng isang video tungkol sa problema na maaari nating


makaharap sa buhay. Matapos panoorin ay magtatanong ang guro kung saan patungkol
ang kanilang napanood.

Mga gabay na tanong:

1. Patungkol saan ang napanood na video?


2. Ayon sa napanood saan inihalintulad ang isang pagsubok?
3. Paano natin masosolusyunan ang isang pagsubok?
4. Sino ang nagkaloob ng pagsubok na kinakaharap natin?

DISCIPLINE INTEGRITY EXCELLENCE


5. May katotohanan ba ang sinasaad sa video na napanood?

Mga inaasahang sagot:


1. Ang video po na aming napanood ay patungkol sa Diyos na lumikha at sa mga
problema na ating kinakaharap sa buhay.
2. Inihalintulad ito sa paaralan, o sa pagkuha ng eksaminasyon para malaman kung
sino ang makakapasa at kung sino ang babagsak.
3. Masosolusyunan natin ito unang-una sa tulong ng ating Panginoon. Patuloy
lamang na maniwala sa kanya at manampalataya.
4. Ang nagkaloob sa atin ng mga pagsubok ay ang Panginoon at siya rin ang
magiging dahilan upang ito ay ating mapagtagumpayan.
5. May katotohanan po ang mga ito sapagkat totoo naman na tayo ay nakakaranas ng
probema.

D. Pagpapakilala sa Aralin
Ngayong araw ating malalaman kung paano ba masusubok ang isang
pananampalataya ng ating kapwa. Isa muling halimbawa ng isang pagsubok na
kinaharap at kung paano ito nasolusyunan.
E. Talasalitaan

Tukuyin kung ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

_______1. Ang mga katas ng Rubber ay kinakalakal na ng ating trabahador sa iba.


_______2. Kapag ang isang bata ay ibinibigay ang lahat lalaking sutil.
_______3. Hindi madali ang pag-aasawa sapagkat ika’y matatali sa iyong kabiyak.
_______4. Nanood kami ng isang patimpalak, doon sila’y nagpasiklaban ng kanilang talento.
_______5. Sa tuwing ako ay nakakakita ng isang palaboy ang kahabagan ko ay
nangingibabaw.
_______6. Animo isang batalyon ang akin bisita sa aking kaarawan.
_______7. Tila ikaw at ako ang inadya ng tadhana na magsama sa habambuhay.

Mga Sagot:

1. Ipinagbili Tinadhana
2. Pasaway
3. Mapag-isa Pasaway
4. Nagpakitang gilas
5. Kahabagan Nagpakitang gilas
6. Isang grupo
Isang grupo
7. Tinadhana
Kahabagan

Ipinagbili

Mapag-isa

DISCIPLINE INTEGRITY EXCELLENCE


F. Pagtalakay sa nilalaman

Magtatalakay ang guro sa kanilang aralin. Magtatanong ang guro tungkol sa


kanilang narinig na kwento. Ang kwentong papakinggan nila ay pinamagatang
tanikalang lagot. Isang kontemporaryong panradyo.

Mga gabay na tanong:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento na inyong napakinggan?
2. Tiga-saan si Leonora?
3. Bakit siya pinapadala sa Agusan Del Sur?
4. Sila ay tatlong magkakapatid bakit si Leona ang napili ng kanilang ama na
papuntahin sa Agusan Del Sur?
5. Ano ang iniregalo ni Dionisio kay Leona?
6. Tama bang binigyan ni Dionisio si Leona ng motorsiklo?
7. Ano ang naging bunga ng pagbibigay ni Dionisio ng motorsiklo?
8. Matapos ang aksidente ano ang ginawa ni Leona?
Inaasahang sagot:
1. Ang pangunahing tauhan ay si Leona, Dionisio, Jovencia, at Zosimo.
2. Si Leonora ay nakatira sa Probinsiya ng Bulacan.
3. Ipinadala si Leona sa Agusan upang pangalagaan ang kanilang negosyo.
4. Upang magkaroon ng kabuhayan si Leona at sa pagdating ng araw siya ay
mayroong kabuhayan.
5. Ang iniregalo niya ay isang motorsiklo.
6. Hindi po tama ang ginawa ng kanyang ama na pagbibigay ng regalo.
7. Ang naging bunga po nito ay aksidente.
8. Siya ay naglayas at nagtungo sa Maynila.

Inihanda ni: Binigyang-Pansin ni:


Brian Cruz Ms. Angelica Casantusan

DISCIPLINE INTEGRITY EXCELLENCE

You might also like