Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KRITIKONG PAPEL

Sa mga Tula at Sanaysay ni Jose Rizal

Para kay; Ginoong Rebino B. Batoto


Guro, Dapartamento ng Kasaysayan Dalubhasa ng Mindanao

Lungsod ng Heneral Santos


Bilang pagtugon sa pangangailangan sa Kasaysayan

Seksyon; 33.1k MTH 10:30- 12:00


Pitsa; Mayo 10, 2016

Ipinasa ni; Jicker Dalusay


Razel Cawa
Patricia Rose Catapang
Balangkas
Mga Piniling Tula ni Jose Rizal
* Sa kabataang Pilipinos
* Sa Aking mga Kabata
*
*
Mga Gabay na Tanong
A. Ano-ano ang mga ideya ng nasyonalismo, patriyotismo,
edukasyon, kalayaan at iba pa, na ipinarating ni Rizal sa tula?
B. Paano mo naisabuhay ang mga ideyang ito sa kasalukuyan?

Mga Piniling Sanaysay ni Jose Rizal


* To the Young Women of Malolos
* Ang Katamaran ng mga Pilipino
* Pilipinas sa Isang Taon

Mga Gabay na Tanong


A. Ano- ano ang mga pagpapahalaga at argumento sa kasaysayan
ang inilahad ni Rizal sa Sanaysay?
B. Paano mo maiugnay ang mga ito sa kalagayan ng mga Pilipino
sa kasaysayan?

“Sa Aking mga Kabata”


Sa tulang ito ipinapahiwatig ni Rizal na hindi batayan ang iyong kabataan upang hindi
mo malaman o maramdaman ang kahalagahan ng wika. Ipinapakita sa unang talata na kahit
noong bata pa lamang si Rizal ay nakita na niya ang kahalaghan ng wikang pambansa, ayon
sa kanya, kung taos pusong mamahalin ng mga tao ang kanilang wikang pambansa ay taos
pusong ipaglalaban ang kanilang kalayaan. Ito raw ay parang isang ibong lumilipad nang
malaya sa himpapawid.
Ang wika ay inihahalintulad ni Rizal sa mamamayang ipinanganak sa kalayaan. Sa
panahon noon, ang pilipinas ay nagging alipin sa kamay ng mga kastila, ganunpaman sinabi
ni Rizal samantalang ito na ang bansa ay parang nasa bilanguan ng mga dayuhan. Ang
kanilang pagmamahal at pagtatangkilik sa sariling wika ay magiging simbolo na rin ng
kanilang pagkatao, ang pagka Pilipino. Sa pangatlong saknong natin makikita ang isa sa mga
pinakatanyag na kasabihan ni Rizal, ayon sa kanya, ang wika raw ay nangangailangan ng
pag-aaruga ng ina sa kanyang anak. Inihalintulad niya ang pambansang wika sa isang sanggol
na kailangan alagaan at mahalin.
Ayon kay Rizal, ang wikang tagalog ay singhalaga at sintulad lamang ng wikang Latin,
Ingles, Kastila at salitang anghel. Hindi ito dapat minamaliit kapag ikinukumpara sa wika ng
ibang mas mauunlad na bansa, sapagkat iisa lamang ang diyos na nagbigay-bunga sa lahat ng
wika sa mundo. Ang wika ng mga Pilipino tulad nga ba ng iba pang wika, ay mayroon ding
sariling alpabeto? Maaring tinutokoy ni Rizal dito ang Alibata o ang lumang alpabetong
Pilipino, na talaga naming nag-iisa at walang katulad. Ngunit, ayon kay Rizal, ang mga letra
ng ating katutubong alpabeto ay parang natangay sa malaking alon, na parang mga Bangka.
Isa sa nagbigay sa amin ng kabighani-bighaning mga ideya niya na ang wikang Pilipino
ng Pilipinas singtulad din ng ibang wika katulad ng wikang Latin, Ingles, Kastila at iba pa
totoo nga ba ito na magkasingtulad lamang sila sa pagsasalita, tono o maging ang
pagkakaintindi ng bawat salita? Di bah hindi, ang wika ng ibat-ibang bansa ay iba, nagiisa,
makulay at malinaw sapagkat ang bawat wika ng bansa ay tanging ang mga tao ng bansang
niyan lamang ay ang nakakaintindi sapagkat iba ang ekspresyon, diin, tono ng pagsasalita
nila, kung kayat para sa amin hindi ito magkasingtulad. Marahil ang ibig sabihin ni Rizal dito
na ang ating wikang pambansa ay kasingtulad lamang ng ibang wika sapagkat ang bawat
lipunan ay may kany-kanyang sariling interpretasyon o stoya na mula sa kasaysayan kung
bakit sila nag karoon ng isang wikang kakaiba.

“Huling Paalam”

Salin ito ng huling sinulat ni Rizal nguni’t walang pamagat. Sinulat niya ito sa Fort
Santiago, isinilid sa kusinilyang dealkohol, at ibinigay sa kapatid na si Trinidad nang huling
dumalaw sa kaniya bago siya (Rizal) barilin.

Ang tulang ito nagpapahiwatig ng kanyang nararamdaman para sa mga iiwan nyang
kababayan at Bayan.
Nasasalaysay rito na wari’y di man makita ni Rizal ang paglaya ng mga Pilipino mula sa
pagkakaapi sa mga kamay ng mga mananakop, ito ay parin ay kanyang ikinaliligaya dahil
pagkakaalam nyang sa kanyang pamamaalam ay magandang naidulot ito sa pagusbong ng
kalayaan ng mga Pilipino. Kahit papano napawi ng kaunti ang hinagpis dulot ng kanyang
pamamaalam dahil alam nyang may kabuluhan ito.
Sinasamba ni Rizal ang ganda ng Inang bayan na kaniyang pinaglalaban kasama ang
kanyang mga kababayan. Ninanais niyang ipagdarasal din ng mga Pilipino ang mga kapwang
Pilipinong nakaranasa ng tinding pang aapi at sa mga napayapang binuwis ang kanilang
buhay para sa bansa.
Makikita sa huling bahagi ng kanyang talata ay , binagkas niya roon “Mamatay ay ganap na
katahimikan” (In death there is peace) , ibig sabihin ay magiging masaya siya sa kanyang
pamamayapa.
Naging magandang ehemplo si Rizal sa kanyang henerasyon ganun din sa atin sa
kasalukuyan. Ito ang maituturing na bayani, dahil pawang di sya naging makasarili bagkus ,
inihandog niya ang kanyang buhay para sa ibang tao at minamahal nyang Pilipinas. Bayan
niyang syang nagbigay ng buhay sa kanya , buhay nya’y handog sa bayan.
Ngunit di sa lahat ng pagkakataon kailangan nating mag buwis ng buhay para matawag
lamang na bayani. Mapa ordinaryong tao o nasa mataas na posisyon , maaari tayong maging
bayani sa ating maliit na pamamaraan. Maliit man ngunit nakakagawa ng malaking
pagbabago . Kaya tayo ay dapat marunong manindigan sa kung ano ang sa tingin natin ay
tama at gawin kung ano ang angkop ang nararapat na aksyon para dito. Kung alam mong para
ito ay sa ikabubuti ng sarili at nakararami , ipaglaban mo ito sa kabilan ng mga hirap at
hadlang.
Ang tulang kilala ngayon sa pamagat na “Ultimo Adios” o “Huling Paalam” ang likhang-guro
o obra maestra ni Rizal. Ang orihinal sa kastila ay isinalin na sa mga pangunahing wika sa
daigdif, tulad ng Ingles, Prances, Aleman, Italyano, Nippongo, Malyo, at marami pang iba,
gayon din sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog , Ilokano, kapampangan,
Pangasinan, Bikol, Sugbuhanion, Hiligaynon, at iba pa.

Maraming nagsalin ng tula sa Tagalog, nguni’t ang pinakakaraniwang bigkasin at siyang


matatagpuan sa Luneta ay ang salin ni Jose Gatmaytan na matutunghayan dito. Ang kahuli-
hulihang tulang ito ni Rizal ay tigib ng kalungkutan pagka’t maiiwan na niya ang kaniyang
mga minamahal sa buhay at mawawalay na siya sa kaniyang bayan. Sa harap ng kamatayan,
wala siyang hiniling para sa sarili; ang lahat ay para sa kapakanan ng kaniyang mga
kababayan at ng kaniyang bayan.

”To the Young Women of Malolos”


Ang sanaysay na ito ay nagbigay sa amin ng interest marahil sa mga isyung nakapaloob
rito. At di lang ‘yan itoy nagpapahiwatig sa bawat puso ng Pilipinong naninirahan sa bansang
pilipinas na isulong ang resonsibilidad bilang isang mamamayan. Kung ating bigyan ng
masusing pananaliksik ang sanaysay na ito ay may sekretong ipinapahiwatig, ito’y
nagbibigay ng kaalaman dahil ang nilalaman nito ay pawang katotohanan at nangyayari sa
ating komyunidad. Inilathala ni Rizal ang mga importanting bagay upang masmaunawaan
natin kung ano ang turing sa atin ng mga sumasakop sa ating bansa sa mga nakalipas na mga
dikada, lalo na ang turo ng mga kastilang prayle. Gusto niya tayong bigyan ng kaalaman
hinggil sa pang-aapi ng mga kastila sa mga taong Pilipino.lalo na ang mga kababaihan na’y
mahigpit at nalalason ng kastilang prayle.
Gusto niyang ipahatid sa lahat na hindi lahat ng sinasabi ng prayle ay galing mismo sa
banal na ispirito kundi galing sa kanilang personal na opinion at kung minsan pa’y alam nila
ang katotohanan subalit hindi nila ito sinasabi dahil ang kanilang pakay lamang ay personal
na pangangailangan, gusto ko lang magbigay ng kaunting komento rito hinggil sa mga ideya
ni Rizal bagamat ito’y naging isang lagkit sa ating mga utak o di kaya’y ito mismo ay
nakapukos sa ating mga ideya, marahil naging pangkalahatan yung pagbubungad niya ng
kangyang pagbubuog sa nasabing sanaysay na kung tutuosin hindi naman siguro lahat ng
prayle noon ay ganoon kasama na personal lamang ang pakay sa kabila ng pagbibigay ng
mensahi roon sa intablado ng banal na pulpito. Oo mayro’on, at may iilang hindi gumagawa
naman nito dahil isa pa ito’y kasalanan. Sapagkat ang alam natin sila ay mga prayle kita’ ang
habol nila sa atin kaya’t naging maunsog ang kanilang mga ari-arian subalit hindi po iyon ang
katotohanan oo may iba sa kanila at may ron din namang hindi gumagawa nito dahil alam
nating may taong banal at may taong nagpapakabanal dahil sa makamundong gawa. Wala
tayong karapatang husghan sila sa kanilang mga nagagawang kasalanan dahil ayon sa banal
na kasulatan ang dios lamang ang tanging makapaghusga sa ating mga nagawang kasalanan.
At gusto ko lang linawin na wala akung karapatang bigyang pagkukulang ang mga pangaral
ni Rizal dahil sa mga panahon ng mga katutubo nating pilipino ay talagang minamaliit ang
kanilang kakayahan na mabigyan ng kaunting kaalaman hinggil sa matayog na dignidad lalo
sa ating wika.
Ang pagpapahalaga at argyumento sa sanaysay na ito ay ang pagpukaw sa damdamin ng
mga Pilipino lalo na sa mga kababaihan ay ang pagaasikaso ng kanilang mga anak o ang pag-
aalaga sa kanilang mga anak ay dapat bigyan ng masuring pansin at bigyan ng sapat na
edukasyon upang malaman ang dapat niyang malaman dahil naniniwal si Rizal na ang
edukasyon lamang ang tanging paraan upang maitaguyod ang kalayaan sa bansang Pilipinas.
At isa pa gusto ni Rizal na mabigyan ng opportunidad ang mga kababaihan sa eduksyon dahil
sa kapanahonan niya tanging ang mga lalaki lamang ang makapag-aral dahil ang mga babae
sa bahay lamang sila at aasawahin lamang pagdating ng panahon gusto niyang ilahad na
kapag may pantay-pantay an eduksyon ang bawat isa malayo na ang kawalang muwang sa
nasabing kaalaman.

“Ang Katamaran ng mga Pilipino”


Pinakamahalagang bigyang pansin sa katamaran ng Pilipino ay isa itong sakit na hindi
nkakahawa. Sa totoo lang ang mga Pilipino noon ay lubos na masipag at may mga ugnayan
sa China, Japan, Malaysia at iba pang karatig ng bansa. Masasabi natin na noon pa man ay
masagana ang pamumuhay ng mga Pilipino ngunit sa pagdating ng mga dayuhan tila
binomba sila maging ang kanilang mga pamumuhay. Sa pagdating mga espanyol malaki ang
naging epekto nito sa takbo ng ekonomiya ng bansa. Nawala ang mga ugnayan sa ibang
bansa at tanging sa espanyol lamang ang kanilang kasosyo. Dahil dito naging tamad ang mga
Pilipino at umasa na lamang sa awa ng maykapal.
Ang isa ring dahilan ng katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan ng pagkakaisa na
naging isang hadlang upang mapalago at maipaglaban ang bayan. Dahil dito wala ng
kakayahang maisalba ang ekonomiya, walang lider na gagabay at walang boses na mabatid
tungkol sa kanilang sitwasyon. Nang dahil sa mga dayuhan sapilitang iniwan ng mga Pilipino
ang mga gawaing pang-agrikultura pang-industirya at komersyo. Nagtatrabaho sila sa
paggawa ng mga kalye, gusali, daungan at iba pang mga gawaing pampubliko. Dahil sa
malimit lamang ang kaalaman ng mga Pilipino noon naging sanhi ito ng matinding
paghihirap sa kanila. Hindi sila makapasok dahil sa kakulangan ng mapagkukunan at kung
meron man walang kursong pang –agrikulutura, pang-industriya at komersyo na lubhang
kinakailangan noon.
Naging tamad narin ang mga Pilipino sa pagpapatayo ng mga gusali, industriya at mga
paggawaan dahil mataas ang buwis na ipinapatupad ng mga espanyol, pinapataas nila ang
pagbabayad ng buwis upang malaki ang makukuha ng gobyerno at mga prayle. Walang
proteksyon ang mga Pilipino noon dahil dito madali lamang ang pagpasok ng ibang dayuhang
katulad ng pirate na naging sanhi ng mga patayan ganoon din ang pagiging nomadic ng mga
Pilipino. Sinusonog ang kanilang mga bahay sinira ang kanilang mga lupain kaya’t
pinabayaan na lamang nila. Nawalan nan g interes ang mga Pilipino sa kanilang pamumuhay.
Sa ganoong aspeto ang Pilipinas ay nanatili ngunit walang buhay. sa gantong sitwasyon nasa
atin ang desisyon kung gusto natin ng pagbabago, oo gusto natin ng pagbabago ngunit
papano kung wala naman tayong ginagawa, nakatunganga lang tayo at naghihintay. Kung
gusto natin ng pagbabago ipakita natin sa ating mga kilos hindi sa salita lamang.
Bakit nga ba ang pamagat ng sanaysay ni Rizal ay ang katamaran ng mga Pilipino? Na
ang katotohanan naman ay hindi tamad ang mga Pilipino simula pa noon naging masakit sa
aming isipin na ang mga Pilipino ay tamad sapagkat dugo ng Pilipino ang nakaugat dito at
kung tamad nga man ang mga Pilipino ay noon iyon marahil ang kanilang mga kapanahonan
ay puno ng pighati at paghihirap. Ang laman ng sanaysay ni Rizal ay patungkol sa isang
kasaysayan na kung bakit naging tamad ang mga Pilipino. Ngunit kailangan ba talagang
“Ang Katamaran ng mga Pilipino” ang pamagat ng sanaysay? Masakit sapagkat hindi kami
tamad, hindi tamad ang mga Pilipino.

“Pilipinas sa Isang Taon”


Ang Pilipinas sa isang taon ay isang sanaysay na gawa ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal, upang pukawin ang bawat isa sa magiging kinabukasan pagdating ng mga
panahon. Nadama ni Rizal ito na ang oras na kanyang hinihintay dahil yun ang takdang
panahon na sabihin sa mga espanya na ang kanilang pang-aabuso sa ating bansa ay may
malaking maidulot na pinsala sa ating bansa, marahil sa mga pangyayari na hindi inaasahan
ng Pilipinas sa kabila ng katahimikan, matiwasay at masaganang pamumuhay.
Ang sanaysay na ito ay naitala sa La Solaridad sapagkat ito’y naglalaman ng misteryong
paghihirap ng sinaunang Pilipino. Una ang mga espanya ay may mahigpit na mga kagawaran
katulad ng kanilang mga militar at ng dahil dito lumiit ang papyulasyon ng tao sa Pilipinas.
Naging kinakatakotan ng lahat ang mga pagbabagong nagaganap. Ang kanilang kultura ay
unti-unting natutunaw sapagkat ang pananakop ng espanya sa pagdating nila’y itak at cross
ang kanilang dala at itoy nagdudulot ng malaking pinsala sa kulturang kinagisnan ng Pilipino.
At dito ang simula ng pag-aalala at kawalan ng halaga sa kanilang kultura dahil iniisip na
lamang nila ang mga pangyayari sa kabila ng kawalan ng pag-asa.
Alam natin na sila ang nagdala dito ng kristyanismo sa ating bansa bagamat itoy nakaukit
sa ating kasaysayan kaya’t ang punto ni Rizal dito ay ang pang-aabuso ng mga kastilang
prayle sa ating mga kababayang Pilipino na naging sanhi ng lubusang paghihirap ng bawat
Pilipino. Ang ideya na gusting iparating ng ating pambansang bayani bilang isang pagiging
nasyonalismo ay ang mga puntong kanyang binigyang diin sapagkat itoy naglalaman ng
katotohanan sa kapanahunan ngayun. at kung ating subaybayan ngayung mga araw masasbi
natin na may malaking epekto talaga ang pananakop ng mga espanyol sa atin ng dahil riyan
ang iba sa atin ngayun ay hindi na kumikilala sa sariling wika at mga kultura ay di nabigyan
ng halaga.
Maisabuhay ang mga ideyang ito sa kasalukuyan sapagkat itoy nagpapaalala sa atin na
dapat natin mahalin ang ating sariling bayan, huwag lang tayung naka pukos sa mga
nangyayari sa ating mga nakaraan sapagkat iba ang kanilang dinaraanan at sa mga panahong
ito ating nadarama ang kalayaan na ang mga sinaunang Pilipino ay ipinaglaban nila ang ating
kalayaan kung kaya’t itoy dapat nating alagaan huwag ng ipaubaya o iiwan ang sariling atin
dahil ayon pa sa kasabihan ”there is no place like home’ o walang katulad ang sariling atin
kung kaya’t alagaan, protektahan at bigyan ng halaga. Kahit tayo’y naghihirap pero ang ating
mga pasasalamat sapagkat may mga taong katulad nating Pilipino na marunong tumulong sa
kapwa niya’ng Pilipino kagaya ng mga nasunogan, at mga di inaasahang mga kalamidad na
dumating ay patuloy parin ang suporta ng bawat isa, ito ay isang halimbawa ng pag-aalaga,
pagprotekta sa ating bansa, dahil kung walang tao sa bansang pilipinas ay walang
makikinabang nito, at isa pa tayo ang isa sa mga bansang pinagkukunan ng yaman sa buong
mundo ng dahil sa mga natural na makukuha natin sa ating kalikasan. Kaya’t hindi hadlang
na tayong Pilipino ay parang inaapi ng lahat dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa ating
mga nakaraan sapagkat ang nakaraan ay patuloy siyang nakaraan bagamat itoy nakalipas na.
ang pagbabago ay isang parti ng buhay kung kaya’t ‘wag mabahala dahil ang tanging
maykapal ay hindi tayong niyang iiwan, ang pananalig at maghigpit na paniniwala ay dapat
nating panatilihing gawin.

“ KUNDIMAN”

Ang tulang ito ay nagpapakita ng pagiging makabayan ng mga Pilipinong punong-


puno ang puso ng pag-asa. Pag-asang kailanma’y di binitawan ng mga Pilipino habang nasa
kamay sila ng mga mananakop. Ang ating Inang bayan ay minsa’y napasakamay sa mga
mananakop dahil sa kapabayaan ng mga namumuno ng ating bansa. Kaya’t noon pa ma’y ang
mga Pilipino ay naging uhaw sa tinatawag na “kalayaan”.
Isinulat ni Rizal ang tulang ito na taas noo niyang pinagbibigkas ni Rizal ang tapang na
meron ang mga Pilipino. Sa kabila ng pang-aapi , naniniwala siyang lumubog man ang araw ,
sisikat rin itong muli kung saan magbibigay ito ng panibagong simula at pag-asang baling
makakamit ng mga Pilipino ang kalayaang inaasam at ang mga pasakit ang siyang
magpapatibay sa atin . Wari’y lahat ng pang-aaping naranasan nating mga Pilipino dahil sa
kapabayaan ng mga namumuno, tila’y napalitan ng ngiti at nabigyang buhay ang puso dahil
mas nangigibabaw ang ating pagiging makabayan. Naniniwala si Rizal , na ito ang syang
nagpapatibay at nagbibigay pag-asa sa bawat isa.

Ang mga inapi ay muling babangon , lahat ng pinagkaitan ng karapatang magsalita ay


malayang makasisigaw. Tayong mga Pilipino ay minsa’y itinuring na mangmang , kaya isa
ito sa mga kadahilanang madali tayong nasakop ng mga dayuhan. Di ibig sabihin na tayo’y
naturingang mang mang , habang buhay na tayong mang mang. Karapatan nating
magpahiwatig ng kaalaman. Karapatan nating magsalita at lumaban. Dito kinilala si Rizal.
Ang kanyang katapangang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino ang pinagmamalaki
nating lahat. Minsan nang pinatay ng mga mananakop ang ating pagiging Pilipino , kaya
mula sa pagkakalugmok , nagkaisa ang mga Pilipino , natuto at muling nabuhay ang pagiging
makaPILIPINO.

Sa ikatlong talata ng tula , sinasabi rito ni Rizal kung kinakailangan pang dumanak ang
dugo sa paligid , magbuwis ng buhay at mag-alsa para lamang mabawi ang ating lupang
tinubuan , bakit hindi. Matindi ang pagmamahal ng Pilipino sa Inang Bayan sa kapanahunan
ni Rizal , na umabot sa puntong mag-alay ng buhay para sa kapakanan ng nakararami. Sa atin
kayang henerasyon ngayon ? Kilala lamang ang mga Pilipinong may tunay na pagmamahal
sa bayan. Napapabilang na rito ang ating mga sundalo. Ngunit bihira sa puso ng isang
ordinaryong tao ang buong tapang at kayang ipagtanggol ang ating bayan.

Napapaloob pa sa kanyang tula na siya ay naniniwala na kaya nating bawiin kung ano
ang atin , at mananatili na ang kapayaan, magkakaroon na ng katahimakan at pagmamahal na
lamang ang mananaig at kalianma’y di ka na mangangamba. Nais ipahiwatig ni Rizal , na
tayong mga Pilipino ay di lang dapat matapang sa gawa, ngunit matibay at matapang rin ang
loob na mayroong buong pananalig.

You might also like