Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Unti-unting nawala ang sayang aking nadarama.

Gusto ko sanang magtatalon sa tuwa pero


napatahimik na lamang ako ng makita ko ang di-maipinta mong mukha. Hindi ka ba masaya? Bakit? Sana
nalaman ko kung bakit.

Naaalala ko pa, nung una akong dumating sa buhay mo, hindi mo alam na nandito lang ako. Ako
pa lang ang nagmamahal. Ako pa lang ang nangangarap ng masaya nating kinabukasan. Sa tuwing
makikita kitang nahihirapan, ang sakit sa puso ko. Para akong binubugbog, nilalamog, dinudurog.

Pero kapalit ng bawat sakit na nadarama nating dalawa, nandyan din ang masasayang mga
sandali. Tuwing ngingiti ka, nabubuo ang araw ko. Napakaganda mo.

Lumipas ang mga araw, linggo, at kakaunting buwan. Mas nadarama kong napapalapit pa ako
sa’yo. Lahat ng nararamdaman mo ay nararamdaman ko. Lalong saya ko siguro kung magkakakilala na
tayo.

Isang araw, nakita kitang umiiyak. Gusto kitang yakapin pero hindi ko pa kaya. Anong iniisip mo?
May pinagdaraanan ka bang suliranin? Sana malaman ko. Kasunod na ang gabi gabi mong pagpupuyat,
paglabas sa mga inuman. Natuto ka na ring maglasing, manigarilyo, at gumamit ng ipinagbabawal na
gamot.

Nagulat ako.

Nalaman ko na lang na kilala mo na pala ako. Gusto kong maging masaya. Gusto kong sumigaw,
umiyak dahil sa sobrang tuwa. Gusto kong sumayaw at kumanta kasama ka. Dahil sa wakas, tayo’y
magkakilala na.

Ngunit hindi ko kayang magsaya habang may sakit kang nadarama. Ano nga bang iniisip mo?
Sana nama’y mabatid ko.

You might also like