Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Mga Halimbawa ng Salawikain

Mga Salawikain patungkol sa pakikisama, pakikipag-kaibigan at pakikipag-kapwa tao.


1. Puri sa harap, sa likod paglibak

2. Kaibigan kung meron, Kung wala'y sitsaron

3. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa gipitan

4. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya

5. Kapag tunay ang anyaya, sinasamahan ng hila

6. Walang paku-pakundangan, sa tunay na kaibigan

7. Hindi sasama ang pare, kundi sa kapwa pare

8. Matapang sa kapwa Pilipino, susukot-sukot sa harap ng dayo

9. Ang taong tamad, kadalasa'y salat

10. Mag-aral kang mamaluktot habang maigsi ang kumot

TALAMBUHAY NG MGA BAYANING PILIPINO

DR. JOSE RIZAL

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna
noongHunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora
Alonzo.Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos
Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia
noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-
aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18,
1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga
Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal.
Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

ANDRES BONIFACIO
Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863. Ang kanyang mga magulang ay
sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro.Siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging
isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba
pang mga paninda.Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at mga tula, isa na dito ang pinakasikat na
'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.Ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag
ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag
niya ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato
Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa.Mahigit sa 1,000 Katipunero ang sumama sa kanya sa
Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896.Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay
umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng
tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang
paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng
isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan ni Aguinaldo ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng
Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.

EMILIO AGUINALDO
Pinanganak si Emilio Aguinaldo noong Marso 22,1869sa bayan ngKawit, Cavite sa Luzonsapanahong
kolonya ng Espanya ang Pilipinas,siya ang ikapitong anak ng alkalde ng bayan. Saedad na 15, sa tulong
ng isang paringDominican,nagpatala siya sa Colegio de San Juan deLetran sa Maynila, kung saan siya
nag-aral ng medisina.
Nagbalik si Aguinaldo sa Luzon at tumulong pangunahan ang isang pag-aalsa na sa kauntingpanahon ay
nagtaboy sa mga Espanyol sa rehiyon. Bilang bahagi ng napakasunduan, ipinataponsi Aguinaldo sa
Hong Kongnoong1888.Doon pinag-aralan niya ng taktikang pangmilitar ngmgaBritanyaat nagtipon ng
mga armas, at palihim na bumalik sa Luzon ilang taon ang lumipas.Noong1895 sumapi si Aguinaldo
saKatipunan, isang lihim na samahan na pinamumunuan noonni Andres Bonifacio,na may layuning
patalsikin ang mga Espanyol at palayain ang Pilipinas..Noong1898,nagsimula ngDigmaang Espanyol-
Amerikanoat napikapag-ugnayan si Aguinaldosa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa
kanyang pakikipaglaban para sakalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong
mensahe, ngunit nakipaglabankaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng
paglilipat ng maghigitna 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man,
angpakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ngkagustuhang
tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gayang ginawa ng mga
Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayanng Pilipinas noong Hunyo
12, 1898at inihalal siya ng Kapuluan ng Saligang-batas ng Pilipinasbilang pangulo noong Enero 1,
1899.Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropangAmerikano at mga Pilipinong makakalayan,
ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban saEstados Unidos noong Pebrero 4, 1899.Pinamunuan ni
Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya aymahuli noong1901ni US
General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas angkanyang buhay kung ipapangako niya
ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isangmalungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil
matapos siyang ipagtanggol ng kanyangmga magigiting na heneral,tulad ni Gen.Gregorio del
Pilar,sumuko lamang siya nang hindilumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na
panahon, hanggang 1935.

Jose Burgos – Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino


Jose Burgos

Nabuhay noong 1837 hanggang 1872

Ipinanganak si Jose Burgos noong Pebrero 9, 1837 sa Vigan, Ilocos Sur. Ang mga magulang
niya ay sina Jose Burgos at Florencia Garcia.

Nagtapos sa kursong “Bachelor of Arts” sa Colegio de San Juan de Letran at nagtamo siya ng
pinakamataas na antas. Nakapag aral din siya sa Pamantasan ng Santo Tomas at nagturo ng
araling Latin dito.

Naging pari noong Pebrero 11, 1885.

Sa Europa nakapagtapos siya ng iba pang mga kurso tulad ng Teolohiya, Pilosopiya at “Bachelor
of Canon.”
Nagbalik sa Pilipinas upang ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino. Kasama niya ang iba pang
magigiting na Pari tulad nina Padre Mariano Gomez at Padre Jacinto Zamora.

Dahilan sa mga repormang kanilang hinihingi, napaghinalaan silang kabilang sa rebolusyonaryo.

Noong Pebrero, 1872 siya ay pinatay sa pamamagitan ng garote o pagbiay kasama ang dalawang
Paring nabanggit.

Mariano Gomez – Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino


Mariano Gomez

Ipinanganak si Mariano Gomez sa sta. Cruz Maynila noong Agosto 2, 1799 . Ang mga magulang
ni Mariano Gomez ay sina Francisco Gomez at Martina Custodio. Bagamat lahing Intsik ang
mga magulang, dugong Pilipino ang nananalaytay sa kanila.

Edukasyon ni Maria no Gomez

Nagtapos ng Teolohiya sa Pamantasan ng Santo Tomas at naging pari noong Hunyo 2, 1824 sa
Parokya ng Bacoor, Cavite. Hindi lamang tumulong sa espiritwal na layunin sa mga mamamayan
kundi naging aktibo sa mga gawaing agrikultura at industriyang pantahanan sa bayan ng Cavite.
Kaisa siya ng maraming tao sa mga ipinaglalaban nilang karapatan. Dahil rin sa kanyang
pagtatanggol sa mga kababayan, pinaghinalaan siya na kasali sa rebolusyonaryo na sumibol sa
Cavite.
Kasama sina Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Si Padre Gomez ay pinatay sa
pamamagitan ng garote noong ika-28 ng Pebrero 1872.

Gregoria de Jesus – Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino


Gregoria de Jesus

Si Gregoria de Jesus ay ipinanganak noong ika-15 ng Mayo 1875. Ang mga magulang ni
Gregoria ay sina Nicolas de Jesus at Baltazara Alvarez Francisco. Ang kanyang ama ay isang
gobernadorcillo o alcalde municipal at ang kanyang ina naman ay pamangkin ni Heneral
Mariano Alvarez. Si Gregoria De Jesus ay tinaguriang Lakambini ng Katipunan. Ang kanyang
palayaw ay Aling Oriang at siya kilala sa bansag na ito. Si Oriang ay bise- presidente ng
women’s chapter ng Katipunan. Malaki ang kanyang naging partisipasyon sa Katipunan, siya’y
naging tagapagtago ng mga importantent dokumento at ng selyo o sagisag ng kilusan.

Edukasyon ni Gregoria De Jesus

Siya ay nagtapos ng kursong Maestra at nanguna sa binigay na pagsusulit na bigay ng


Gobernador-Heneral. Upang magbigay daan sa kanyang mga kapatid, siya ay tumigil sa
pagaaral. Siya ay naging kasama sa pagpapaunlad ng kanilang malawak na lupain. Si Gregoria
de Jesus ay nagbukid bilang pagtulong niya sa kanyang ama. Siya ay nanahi at nagbuburda at
tumutulong sa gawaing bahay ng kanyang ina.
Nagpakasal sila ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan, noong Marso 1893, sa gulang
na labingwalo. Ang kasalan ay sa isang simbahan sa Binondo. At muling nagpakasal sa harapan
ng Katipunan. Noong gabi din iyon ay naitatag ang isang sangay ng kababaihan ng Katipunan.

Pagkaraan ng isang taon ay bumalik sa kanilang tahanan sa dahilang siya ang nagdadalang tao.
Nagsilang siya ng isang anak na mayroon din pangalang Andres, subalit sa kasamaang palad,
namatay ang anak nila sa sakit na bulutong.

Sa pagkakalantad ng noo’y siktretong samahan ng Katipunan, nabulalas ang kanilang pagtatago


dahil sa ipinagkanulo sila ng ng kapwa nilang katipunerong si Teodoro Patino. Marami sa
kanilang mga kasamahan ang nadakip, napatay at nakulong, ngunit silang dalawa ng kanyang
asawa na si Andres Bonifacio ay namundok at nanatiling nakapagtago.

Ang mga nakakapagtagong katipunero ay muling nagsama-sama at nagplanong sugurin ang mga
kalabang Espanyol. Sa una nilang paglusob ay naging matagumpay. Nagdesisyon silang sugurin
ang Maynila kung saan mas malaki ang pwersa ng mga Espanyol na kanilang sasagupain, ngunit
sila ang nagapi ng mga kalaban at marami sa kanilang mga kasamahang katipunero ang namatay
at nadakip.

Bukod sa pagkakatalo, nagkaroong ng hidwaan sila Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo,


naging dahilan ito ng paghina ng kanilang pwersa. Pinatay ng mga tauhan ni Emilio Aguinaldo si
Andres Bonifacio.

Pagkatapos mamatay ng kanyang asawa, nakilala ni Oriang si Julio Nakpil at naging kanyang
pangalawang asawa. Siya ay muling ikinasal noong Disyembre 1, 1898 sa Quiapo,
Maynila.Biniyayaan sila ng anim na anak, kabilang dito sina Juan, Julia, Francisco, Josephine,
Mercedes at Caridad.

Si Gregoria de Jesus ay namatay noong Ika-15 ng Marso 1943 sa gulang na 68, dahil sa sakit sa
puso.
Diego Silang – Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino
Diego Silang

Ipinanganak si Diego Silang noong ika-16 Disyembre 1730, sa Aringay, Pangasinan(bahagi


ngayon ng La Union). Ang kanyang mga magulang ay sina Miguel Silang ng Aringay at
Nicolasa delos Santosng Vigan, Ilocos (Ilocos Sur ngayon). Nuong bata pa, nagsilbi siya kay
Padre Cortes yCrisolo, ang frayle ng paroco (parish) ng Vigan. Matalino at madaling matuto,
nasanaysiya sa Español at naging tagapag-hatid (mensahero, messenger) ni Cortes.

Minsan, nautusan siyang magdala ng pahatid sa Manila. Wala pang daan mula Viganhanggang
Manila nuon kaya sakay sa isang bangka naglakbay si Silang. Sa malas,nawasak ang bangka sa
batuhan ng baybayin ng Bolinao, Zambales (bahagi ngPangasinan ngayon). Namatay lahat ng
kasama ni Silang, nalunod o pinatay ng mga Zambal. Hindi pinatay dahil bata pa, binihag siya ng
mga Zambal at ginawang alipin,hanggang tinubos siya ng isang frayleng Recollect na misionario
sa Zambales nuon.

Nagbalik siya sa Vigan at nagpatuloy bilang tagapagsilbi ng frayle. Nakilala niya at


napangasawa ang isang mestizang viuda, si Maria Josefa Gabriela Cariño, taga-Santa,Ilocos.
(Nasa ibaba ang kasaysayan ni Gabriela Silang.)

Noong Septyembre 1762, nautusan si Silang na muling maglakbay sa Manila at hintayinang


pagdating ng “Filipino,” ang galleon mula sa Acapulco, Nueva España (ang Mexicongayon).
Nasaksihan niya ang biglang sulpot ng hukbong dagat (navy) ng British, pinilitna sumuko ang
pamahalaang Español sa Manila. Nang tumanggi si Arsobispo ManuelAntonio Rojo, ang
governador ng Pilipinas nuon, sumalakay ang mga British at pinagka-cañon ang Manila
(Intramuros) mula noong Septyembre 24 hanggang masakop nilanuong sumunod na buwan,
Octobre 6, 1762.

Noon nakita ni Silang na mahina at talunan ang Español. Nakilala niya sa Manila siSantiago
Orendain, mayamang mestizong Español na kumampi sa mga British, atnalaman niyang
maaaring makatulong ang mga bagong dayo na mapalaya ang Ilocos.

Wala nang saysay maghintay sa galleon na malamang nabihag na ng mga British, kayaumuwi na
si Silang. Pabalik sa Vigan, dumaan siya sa mga magulang niya sa Pangasinan. Duon,
kinasapakat niya si Lopez, isang kamag-anak na pinuno sa hukbong Español sa Pangasinan.
Nagkasundo silang maghimagsik at ibagsak ang mga Español sa Ilocos.

Pagdating ni Silang sa Vigan, maraming sumapi sa binalak niyang aklasan, lalo na nang
nabalitang naghimagsik din ang mga Pilipino sa Pangasinan, Cagayan, Laguna atBatangas. Sa
San Pablo de los Montes, naghimagsik ang mga Pilipino, katulong ang mga Intsik, at pinatay ang
frayleng Augustinian duon, si Francisco Fierro. Sa aklasan saTanauan, pinatay ng mga tao si
Andres Enriquez, frayleng Augustinian din. May ilangfrayle pang pinatay sa ibang bahagi ng
Luzon.

Madaling hinirang ng mga taga-Ilocos na pinuno si Silang. Binubuo pa niya ang hukbong
himagsikan nang dakipin siya ng mga Español sa Ilocos na, sa pamumuno ni Simonde Anda,
dating fiscal sa Audiencia Real sa Manila, ay patuloy na lumaban sapagsakop ng British kahit
sumuko na si Arsobispo Rojo at mga Español sa Manila. Mulasa pinagtataguan niya sa Bacolor,
Pampanga, inutos ni Anda sa lahat ng Español, patina sa mga frayle, na puksain ang mga
himagsikan at labanan ang mga British sa anumang paraan.

Ikinulong ng mga Español si Diego Silang at pinahirapan siya ng mga frayleng Augustinian,
nanagsandata at lumaban na bilang mga sundalong Español sa halip na magsilbi sa simbahan. Sa
tulong ng isang kaibigang pari, pinalaya rin si Silang na lalong nagsigasig at nakapagbuo ng
isang hukbo (army). Nagtatag siya ng mga bantay sa mga lansangan at mga dalampasigan upang
hindi muling masukol at mabihag ng mga Español.

Noong una, inalok ni Silang sa mga Español at mga frayle na isasabak niya ang hukbo laban sa
British, subalit tumanggi ang mga ito at nanawagan kay Bernardo Ustariz,obispo sa Nueva
Segovia, sapagkat isa sa mga bilin ng aklasan ni Silang ay palitanlahat ng frayleng Español ng
mga pari na taga-Ilocos. Sinakop ng hukbo ni Silang ang Vigan. Lahat ng hukom at pinuno ng
pamahalaan na Español ay pinalitan ng mgapinunong ‘indio’ (ang tawag ng Español sa mga
katutubong Pilipino nuon) at mga makabayang mestizo. Sa mga simbahan, pinalitan ang mga
frayleng Español ng mgapari na Ilocano. Inusig at pina-alis si Antonio Zabala, alcalde mejor
(katumbas ngprovincial governador) ng Ilocos. Inutos ni Silang na umalis sa Ilocos lahat ng
Español.

Bilang ganti, naglabas si Obispo Ustariz ng pagsupil (interdicho, interdict) laban kaySilang.
Hindi ito inalintana ni Silang, ipinakulong uli ang mga frayleng Augustinian. Sa tinagal ng
aklasan, 3 ulit ipinakulong ang mga frayleng Augustinian dahil patuloy na humawak ng mga
sandata at lumaban.
Hinayag ng mga nag-aklas na wala nang magbabayad ng buwis (tributo, tax) saEspañol dahil
hindi ipinagtanggol ang bayan, bagkus tinalo pa ng British. Itinigil din ngmga tao ang polo, ang
paglingkod sa mga Español nang walang bayad. Hiningi pa nilasa mga Español na ibalik ang
buwis na binayad nila para sa taon na iyon, dahil hindi naman nakatupad sa tungkulin na
ipagtanggol ang mga tao simula nuong sumuko ang Manila sa British.

Sa halip na ibalik ang buwis, nagpadala ng banta (aviso, warning) si Anda kay Silang nasumuko
sa luob ng 10 araw, o ituturing siyang isang taksil (traidor). Sa halip, nakipag-sabwat si Silang sa
mga British sa Manila.

Sumulat siya at nag-alok na kikilalanin niya ang pamahalaan ng hari ng Britain sa halipng mga
Español. Malugod na tinanggap ng mga British and alok at hinirang nilang sargento mayor si
Silang sa hukbo ng British sa Pilipinas, at alcalde mejor (governador) ng Ilocos. Hinimok nilang
kumampi rin ang mga taga-Cagayan at mga taga-Pangasinan.

Sa batang edad na 33, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na
pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela
Silang ang laban.

Graciano Lopez Jaena – Talambuhay Buod sa Tagalog/Filipino


Graciano Lopez Jaena

Ipinanganak si Graciano Lopez Jaena sa Jaro, Iloilo noong ika-18 ng Disyembre 1856. Isa siyang
mananalumpati, mamamahayag, rebolusyonaryo, at isang bayani. Siya ay nakilala dahil sa
kanyang likhang pahayagan, ang La Solidaridad.
Ipinadala siya ng kanyang mga magulang sa Jaro upang mar-aral sa St. Vincent Ferrer Seminary
na nagbukas noong pamumuno sa ilalim ni Governor General Carlos María de la Torre y Nava
Cerrada. Habang nag-aaral, nagsilbi siyang sekretaryo ng kanyang tiyuhin, sa Claudio López, na
isang vice consul sa Portugal. Ang kanyang ambisyon na maging isang doctor (physician) ang
nagkumbinse sa kanyang mga magulang na ito ang tamang bagay na gawin sa kanyang buhay.

Si López Jaena ay nagtangkang mag-enroll sa Unibersidad ng Santo Tomas subalit hindi siya
tinanggap sa kadahilanang ang kursong Bachelor of Arts degree na kailangan ay wala sa
seminary ng Jaro. Sa halip siya ay nagging apprentice sa San Juan de Dios Hospital. Sa
kasamaang-palad, dahil sa problemang pang-pinansyal, siya ay umalis at bumalik sa Iloilo upang
magsanay ng medisina.

Sa panahong ito, ang kanyang pagbisita sa mga mahihirap ang nagsimula halo-halong
pakiramdam tungkol sa mga kawalang katarungan na noon ay naging pangkaraniwan sa lipunan.
Sa edad na 18, nakapagsulat siya ng satireng kwento ang “Fray Botod” kung saan itinatanghal
ang isang mataba at malibog na pari. Ito ang nagpamgalit sa kalooban ng mga prayle. Ang
istorya ay hindi nalathala, subalit isang kopya nito ang kumalat sa Iloilo, sa kabutihang palad,
hindi napatunayan ng kaparian na si Graciano Lopez Jaena ang nag-akda. Siya ay nailagay sa
alanganin nang tumanggi siya tumestigo upang patunayan na ang naging sanhi ng kamatayaan ng
bilanggo ay sa natural na dahilan at hindi dahil sa pagmamalupit at pagpapahirap ng mayor ng
Pototan.

Siya ang nagpatuloy na naghanap ng hustisya at reporma at kalaunan ay nagpunta ng Espanya


noong nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay. Naglayag siya papunta ng Espanya noong
1879 kung saan siya ang nanguna sa pagsusulat at pagsasalita para sa reporma ng Pilipinas.
Nagtuloy siya sa pag-aaral ng medisina sa University ng Valencia subalit hindi nakatapos. Siya
ay lumipat sa larangan ng pamamahayag, nawalang siya ng gana sa pulitika ang pag-aaral, at
nawili sa Barcelona at Madrid.

Itinatag ang La Solidaridad – ang kauna unahang magasin na naging opisyal na “bibig” ng
Asociation Hispano-Filipino, samahan ng mga Kastila at Filipino ukol sa pagbabago reporma sa
Pilipinas. Tumindig sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. Pumanig kay Jose Rizal laban
kay Marcelo H. Del Pilar. Tulad ni Del Pilar siya ay nagkasakit ng tuberculosis at namatay
noong Enero 20, 1896, labing isang buwan bago binitay si Rizal.

Ang mga akda ni Graciano Lopez Jaena ay ang mga sumusunod: Ang Fray Botod, Honor en
Pilipinas, Mga Kahirapan sa Pilipinas at Sa mga Pilipino.

Talambuhay ni Melchora Aquino-Ramos (1812-1919)


Posted by: Loren Ijapon on: October 12, 2012

 In: Uncategorized
 18 Comments
Si Melchora Aquino-Ramos na mas kilala sa bansag na Tandang Sora ay
hinahangaan at nagsilbing inspirasyon sa mga katipunero.Kahitsiya’ymay edad na buong puso
pa rin siyang tumulong nong panahon ng himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio
noong taong 1896.

Si Melchora ay isinilang sa Banlat,Caloocansa National Capital Regionnoong Enero


6,1812.Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Aquino at Valentina de Aquino.

Siya hindi nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral subalit siya ay biniyayaan ng mabuting


kalooban. Siya ay relihiyoso at magaling makisalamuha sa kapwa . Siya rin ay pinagkalooban
ng kagandahan sa panlabas na kaanyuan. Kaya naman siya ay laging tinatanghal bilang Reyna
Elena ng kanilang lugar.Halos lahat ng kabinataan ay nabibighanisa kanyang tinataglay na
kagandahan.

Si Melchora ay nagkaroon ng napakaraming manliligaw.At isa sa kanyang masigasig na


manliligaw si Fulgencio Ramos na kanyang naging kabiyak.

Ang kanilang pagsasama ay naging mabunga. Nakaroon sila ng anim na anak na pinangalanang
Juan, Simon, Estefania, Saturnino, Romualdo, at Juana. Si Fulgencio ay isang cabesa de
barangay. Ngunit ito’y pumanaw rin noong pitong taong gulang pa lamang ang kanyang
bunsong anak. Tinaguyod ni Tandang Sora ang kanyang anim na anak.Siya ay nakaranas ng
kunting hirap sa pagtataguyod sa kanyang mga anak.

Si Tandang Sora ay tumulong sa himagsikan. Kinukupkop niya ang mga katipunerong nakatakas
sa mga kastila. At nang ito’y natugunan ng mga kastila siya ay ipinatapon sa pulong Marianas.
Bumalik siya sa Pilipinas nang ito ay nasa pamahalaan na ng mga Amerikano. Siya ay
nagmistulang pulubi dahil siya ay matandang-matanda naat wala ng nalalabing ari-arian.
Namatay siya sa karalitaan noong Marso 2, 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa
Balintawak. Inilibing siya sa Musoleo ng mga Belerano ng Rebolusyong Pilipino sa Cementerio
del Norte.

Gabriela Silang
Tumalon sa: paglilibot, paghahanap
Gabriela Silang (Picture from ([1]).

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang o Gabriela Silang, ang tinaguriang “Joan d'Arc ng
Ilocos”, ay isa sa mga kababaihan na lumaban kasama ang iba pang Pilipino noong panahon ng
rebolusyon.

Buhay

Ipinanganak siya noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay isang
Ilokanong magsasaka samantalang ang kanyang ina ay isang katulong na Itneg mula sa Piddig,
Abra. Nang mamatay ang kanyang mga magulang, inampon siya ng isang mayamang
negosyante, si Don Tomas Millan. Ang mayamang Don ang kanyang napangasawa. Matapos ang
tatlong taon ng kanilang pagsasama, hindi sila biniyayaan ng anak at pagkalipas ng ilang taon ay
namatay si Don Millan. Noong 1757, nakilala at pinakasalan ni Gabriela si Diego Silang. Naging
kasa-kasama ni Diego si Gabriela sa mga gawain nilang patungkol sa himagsikan. Ngunit sa
kasamaang-palad, isa sa mga kaibigan ni Diego ang nagtaksil sa kanya at pinaslang siya. Dahil
dito, lalo pang isinulong ni Gabriela ang pakikipaglaban sa mga kastila. Pinangunahan niya ang
mga Pilipinong rebelde para sa pakikipaglaban nila sa hustisya at kalayaan. Itinuloy nila ang
pag-aalsa sa Ilocos at nilusob ang ilang garison upang makaipon ng sandata.

Noong 10 Setyembre 1763, binalak ng grupo ni Gabriela na salakayin ang Vigan. Ngunit
napaghandaan ng mga kastila ang kanilang pagdating. Umabot sa halos 6000 ang mga Espanyol
samantalang 2000 lamang ang mga tauhan ni Gabriela. Nagapi ang marami sa mga kasamahan ni
Gabriela. Kasama ang kanyang tiyo at ang pito pa niyang mga kasamahan, sila lamang ang
nakaligtas at tumakas.

Noong 20 Setyembre 1763, nadakip si Gabriela pati ang kanyang mga kasamang rebelde at
pinugutan ng ulo sa Plaza ng Vigan, Ilocos Sur.

You might also like