Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

El Filibusterismo Kabanata 8 – Maligayang Pasko

Kinaumagahan ay agad na tinungo ni Juli ng kinalalagyan ng Mahal na Birhen upang


alamin kung may dalawandaan at limampung piso na sa ilalim nito.

Sa kasamaang palad ay hindi naghimala ang Mahal na Birhen kaya inaliw na lamang
niya ang sarili at inayos ang damit na dadalhin pagtungo sa tahanan ni Hermana
Penchang.

Dahil Pasko noon kaya ang mga bata ay binibihisan nang magara ang kanilang mga
anak upang magsimba at pagkatapos ay dadalhin sa kanilang mga ninong at ninang
upang mamasko.

Nagpunta sa bahay ni Tandang Selo ang kanilang mga kamag-anak upang mamasko
ngunit nang babatiin na niya ang mga ito ay laking gulat niya na walang salitang
lumabas sa kaniyang bibig.

Pinisil niya ang kanyang lalamunan, pinihit ang leeg at sinubukang tumawa ngunit
kumibut-kibot lamang ang kanyang mga labi. Ang ingkong ni Juli ay napipi.

Talasalitaan
 Alatiit – pigil na salita
 Ingkong – lolo
 Ketong – sakit sa balat na umaagnas sa laman ng tao at nag-aalis ng pakiramdam
 Nakapinid – nakasara
 Nananagis – umiyak
 Salabat – paboritong inumin ng karaniwang Pilipino. Ito ay dinikdik na luya, pinakuluan
sa sapat na tubig at minamatamisan ng panotso o asukal
 Sinunong – ipinatong sa ulo
 Tampipi – sisidlan ng damit na yari sa kawayan o buli

You might also like