Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 8
NOBYEMBRE 13, 2017

I. LAYUNIN
a. Natutukoy ang pagkakaiba ng Pormal at Di-Pormal na antas ng wika.
b. Nakapaglalahad ng mga kahalagahan ng paggamit ng Pormal at Di-Pormal
na antas ng wika.
c. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng Pormal at Di-Pormal na antas ng
wika.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa – Mga Antas ng ng Wika
b. Sanggunian – Panitikang Pilipino ni pahina 136-137
c. Kagamitan – Powerpoint Presentation ng paksa(sipi ng mga impormasyon
at larawan kaugnay sa paksa)

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1.1 Ipapakita ang larawan ng dalawang taong nakasuot ng pormal at di-
pormal.
1.2 Susuriin ng mga mag-aaral ang dalawang litrato – kung saan at kalian
ginagamit ang mga kasuotang ito.

B. Paglalahad
1.1 Ang paksang tatalakayin ay ang dalawang antas ng wika- ang pormal at
di-pormal.

C. Pagtalakay
1.1 Malayang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral tungkol sa
dalawang antas ng wika at iuugnay sa dalawang uri ng pananamit na
naipakita noong una.
1.2 Tatalakayin ang dalawang uri ng pormal na antas ng wika – ang
pambansa at pampanitikan; tatlong uri ng di-pormal na antas ng wika –
ang lalawiganin, balbal at kolokyal
1.3 Magbibigay ng mga halimbawa ang guro at mag-aaral sa mga uri ng
pormal at di-pormal na antas ng wika.

D. Paglalahat
1.1 Magpapakitang muli ang guro ng dalawang magkaibang larawan. –
isang senaryo ng dalawang taong nag-uusap na na nakasuot ng pormal
at isang senaryo ng dalawang taong nag-uusap na nakasuot ng di-
pormal. Susuriin ito ng guro at mag-aaral.
1.2 Magbibigay ang mga mag-aaral ng posibleng pinag-uusapan ng mga
taong nasa larawan at pagkukumparahin ang wikang ginagamit.
E. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel, sumulat ng limang pormal at limang di-
pormal na mga salita pagkatapos ay gamitin ito sa pangungusap.

IV. TAKDANG-ARALIN
Sa isang buong papel, sumulat ng isang liham pangkaibigan gamit ang di-
pormal na mga salita.

Ihinanda ni:

CRISTINE MAY DAYAODAO


Pre-Service Teacher

Binigyang-puna ni:

HEINTJIE P. DOMINGUEZ
Cooperating Teacher
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 10
NOBYEMBRE 16, 2017

I. LAYUNIN
a. Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga kuwentong nabasa o
napakinggan na nangyari sa totoong buhay.
b. Nakapagbabahagi ng sariling karanasan na hindi malilimutan at nag-iwan
ng aral sa kanila.
c. Nakasusulat ng sariling anekdota na taglay ang mga katangian na dapat
taglayin ng isang anekdota.

II. PAKSANG – ARALIN


a. Paksa – Anekdota
b. Sanggunian – Panitikang Pandaigdig 10 ni Vilma C. Ambat, et. al; pahina
255-256
c. Kagamitan – Aklat

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1.1 Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang mga nabasa o narinig na
kuwento na nangyari sa totoong buhay.

B. Paglalahad
1.1 Ang anekdota at mga katangiang dapat nitong taglayin.

C. Pagbasa sa Anekdota
1.1 Babasahin nang tahimik ng mga mag-aaral ang halimbawa ng isang
anekdota na mula sa Persia – Ang Mullah Nassreddin.

D. Pagtalakay
1.1 Malayang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral ang tungkol
sa kuwento.
1.2 Tatalakayin ang mga katangiang dapat taglayin ng isang anekdota.

E. Pagbubuod
1.1 Ibabahagi ng guro ang anekdota tungkol sa tsinelas ni Rizal at
tatalakayin ng buong klase ang mga aral na mula rito.
1.2 Susuriin ang kuwento kung taglay nito ang mga katangiang dapat
taglayin ng isang anekdota.

F. Pagtataya
Panuto: Sa, isang buong papel, sumulat ng sariling anekdota na tinataglay
ang mga katangiang dapat nitong taglayin.
IV. KASUNDUAN
Basahin ang tungkol sa mga Uri ng Diskursong Pasalaysalay sa pahina 261-
262.

Ihinanda ni:

CRISTINE MAY DAYAODAO


Pre-Service Teacher

Binigyang-puna ni:

HEINTJIE P. DOMINGUEZ
Cooperating Teacher
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 10
NOBYEMBRE 17, 2017

I. LAYUNIN
a. Nakapagbibigay ng mga paksang bago at kawili-wiling pag-usapan sa
kasalukuyan.
b. Naibabahagi sa klase kung ano-ano ang mga paksang pumupukaw sa
kanilang interes.
c. Naibibigay ang pagkakaiba ng siyam na diskursong pasalaysay.

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa – Diskursong Pasalaysay – Ang Siyam na uri ng Diskursong
Pasalaysay; Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa; at Ang
Mapagkukunan ng Paksa
b. Sanggunian - Panitikang Pandaigdig 10 ni Vilma C. Ambat, et. al; pahina
259-260
c. Kagamitan – Powerpoint Presentation ng aralin

III. PAMAMARAAN
A. Pagganyak
1.1 Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga isyung bago at kawili-wiling pag-
usapan.

B. Paglalahad
1.1 Ang Diskursong Pasalaysay – ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng
paksa, mga pagkukunan ng paksa at ang mga uri nito.

C. Pagtalakay
1.1 Malayang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral sa mga dapat
isaalang-alang sa pagpili ng aralin, kung saan maaaring kumuha ng paksa, at ang
siyam na uri nito.

D. Pagbubuod
1.1 Ilalahad ng mga mag-aaral ang limang dapat isaalang-alang sa pagpili ng
paksa; anim na maaaring mapagkuhanan ng paksa; at ang siyam na uri ng
diskursong pasalaysay

E. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel, ibigay ang pagkakaiba ng siyam na diskursong
pasalaysay.

IV. Kasunduan
Magsaliksik ng halimbawa ng mga sanaysay at ibahagi sa klase sa susunod na
pagkikita.
Ihinanda ni:

CRISTINE MAY DAYAODAO


Pre-Service Teacher

Binigyang-puna ni:

HEINTJIE P. DOMINGUEZ
Cooperating Teacher
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
SA FILIPINO 10
NOBYEMBRE 21, 2017

I. LAYUNIN

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa – Sanaysay
b. Sanggunian –
c. Kagamitan -
III. PAMAMARAAN
IV. TAKDANG-ARALIN

You might also like