Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LEGAL FORMS

CASE ANALYSIS NO._____

Dear Atorni,

Ako po si Pia Wurtzbach- Stockinger, nasa hustong gulang, Pilipino, kasal at nakatira
sa Purok 1, Block 2, Lot 3, Southville 4, Lungsod ng Muntinlupa. Ako ang legal na asawa ni
Marlon Stockinger, na kasalukuyang nakatira sa Phase 5, Block 6, Lot 7, Tensuan Site,
Poblacion, Lungsod ng Muntinlupa.

Kami ay may limang (5) menor de edad na anak, na sina Ma. Venus labing limang
(15) taong gulang, Shamcey labing tatlong (13) taong gulang, Janine Mari labing dalawang
(12) taong gulang, Ariella siyam (9) na taong gulang at Maxine pitong (7) taong gulang.
Ang nasabing mga anak ay kasalukuyang nasa aking pangangalalga.

Noong Mayo 2016, ang aking asawa na si Marlon Stockinger ay umalis ng bansa
upang magtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia. Matapos niyang umalis ng bansa at
makarating sa Riyadh, Saudi Arabia ay maayos po ang aming komunikasyon, ngunit
pagkalipas ng anim (6) na buwan ay nagging madalang na ang aming komunikasyon.
Umabot sa punto na hindi na kami nakakpag- usap. Hindi na po siya tumatawag o
nagtetext sa amin. Gumawa po ako ng paraan upang siya ay tawagan, subalit noong
minsan ko siyang tawagan ay nagalit po siya. At sa mga sumunod na pagkakataon na siya
ay tinawagan ko ay pinapatay niya ang kanyang cellphone. At noong May 16, 2017, ay
nagtext po siya at nagsabi na siya ay pauwi ng Pilipinas ng June 2017. Wala po siyang
sinabing tiyak na petsa sa nasabi buwan kung kalian siya uuwi. Sinubukan ko po siyang
tawagan upang malaman ang eksaktong petsa ng kanyang pagdating, subalit hindi ko na
po siya makontak, kaya po ako ay nagsadya sa kanyang agency na IMG sa Makati City
upang magtanong. Doon ko nalaman at nakompirma na dumating na po pala siya dito sa
Pilipinas noong May 22, 2017;

Noong siya ay dumating noong May 22, 2017, hindi na po siya nagpakita sa akin at
aming mga anak. Pagkatapos ay nalaman ko po na doon siya tumutuloy sa bahay ng
nanay niya, at siya ay may kinakasama ng ibang babae, na nakilala ko sa pangangalang
Mary Jean. Ang kanyang pagpunta at pagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia ay inasahan
namin na makakatulong sa amin. Ngunit hindi naman siya nagbigay ng sustento ng siya
ay nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia. Dahil sa hindi niya pagbibigay ng sustento,
naransan naming mag- iina na magutom. Dumating kami sa punto na nanghihingi na po
kami ng kanin sa mga kapitbahay para huwag lang po magutom. Pinaghahatian na lang po
ng aming mga anak ang isang platong kanin para lang po makakain. May mga
pagkakataon na umaasa na lamang kami sa mga pagkaing itinatapon ng fast food. Gayun
din natigil na po sa pag- aaral ang aming mga anak dahil na rin po sa kakulangan ng pera.
Sa aking banda, wala naman po akong trabaho at kakayahang kumita sapagkat, matagal
na po akong hindi nakakapagtrabaho dahil ako ay pinagbawalan ng aking asawa na
magtrabaho noon.

Maliban po doon ay, noong kami ang nasasama ng aking asawa ay malimit niya
akong sinasaktan lalo na kung mainit ang kaniyang ulo. Ako ay kanyang sinusuntok sa
mukha at ibat’t ibang parte ng katawan. Noong Pebrero 2010 noong minsan siyang umuwi
at mainit ang ulo, ako ay kaniyang sinuntok at ako tinamaan sa aking bibig na naging
dahilan ng pagkalagas ng lima (5) kong ngipin, at nabasag din ang aking ilong, noon ay
inunawa ko na lamang siya at sinarili ko nalang ang nangyari. Mula noon ay napadalas na

LegalForms/FEU/Atty.EcoyMarco
ang panankit niya sa akin, malimit niya akong sinusuntok sa iba’t ibang parte ng aking
katawan. May isang pagkakataon na ako ay pinaso niya ng plantsa sa aking braso na
nagiwan ng malaking peklat. At noong minsan na kami ay nagtalo ay binasag niya ang
anim (6) na plato na pinamana pa sa akin ng aking ina.

Naging marahas din siya sa pakikipagtalik sa akin. Sa tuwing kami ay magtatalik


ako ay duduraan niya sa mukha at ako ay kanyang mumurahin ng putang ina mo! At
malimit din niyang gigil na gigil na sinasabi na ako ay isang puta, parausan, sawsawan ng
bayan at kung ano- ano pang malalaswang salita, na labis na nakasakit ng aking
damdamin at nakababa ng aking pagkatao. Na sa tuwing matatapos ang mga
pangyayaring iyon ay napakarumi ng aking pakiramdam at hindi ko na gusto humarap sa
tao at ako ay hiyang- hiya sa aking limang (5) anak na babae.

At ang babaeng kanyang kinakasama ngayon ay ang matagal na niyang kabit na si


Mary Jean. Una kong nalaman ang kanilang relasyon noong October 2014. Noong nakita
ang usapan nila sa facebook messenger. Nabasa ko ang palitan nila ng matatamis na “I
love you”. Gayun din nakita ang mga pictures na pinadala ni Mary Jean, madami silang
pictures na magkayakap at nakahiga sa kama na nababalot lamang ng kumot na puti. May
mga pictures din, na sila ay naghahalikan at mamamsyal sa iba’t ibang lugar. Noong ito ay
aking makita, ay pakiramdam ko ay parang tumigil ang aking puso at sabay bumagsak ito
sa aking skimura. Naramdaman ko din ang biglang pagsirit ng aking dugo sa ulo. Bumilis
ang isip ko at hindi ko na alam ang gagawin. Pagkatapos ay para akong binuhusan ng
malamig na tubig at ako ay natulala. Matapos iyon ay lagi nalamang ako balisa at
nawawala sa sarili. Ngunit hindi ko nagawang komprontahin ang aking asawa ukol dito
dahil sa takot ko na saktan niya.

Labis po akong naghihinagapis. Ako po ay dumudulog sa inyo upang humingi nng


tulong sa kung ano ang legal na hakbang na pwede kong gawin.

Lubos na gumagalang,

Pia Wurtzbach- Stockinger

Imagine you are a lawyer, render a legal advice based on the facts given above.
The client should be advised about her rights, and the remedies she has under
the law. Prepare a legal opinion (English) in a letter format. Your handwritten
draft will be submitted at the end of the lecture day. Thereafter submit your
final encoded work next meeting, secure a personal copy to be filed in your
portfolio. Your work will be graded based on the following:

CONTENT This deals with the substance of your work. The soundness 70%
of the advice given and the academic sophistication of the
legal basis.
FORMAT This deals with the presentation. Observance of as 30%
particular format. Correctness of grammar and the effective
use of language.

-END-

You might also like