Yunit 1 at 2 Rebyuwer Sa Mahabang Pagsususlit

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Yunit 1

Retorika
- nagmula sa salitang griyego na ”rhetor” or public speaker.
- ginagamitan ng wika pasulat man o pasalita.

Ayon sa Diksyunaryo
- sining ng mabisa at magandang pagpapahayag
- pagapapahayag ng kaakit-akit, kaiga-igaya
- sining ng paggamit ng wika pagsulat o salita para maka empluwensya

Ayon sa mga piling dayuhang may akda


Aristotle
- kakayahan sa pagwawari o paglilirip (paraan ng paghimok)
Cicero, Marcus Tullius
-isyu dito ang moralidad. kailangan maging mabuting tao ka muna para maging mabuting
mananalumpati.
Socrates
- ang retorika ay agham na pagpapahinuhod
Whatley, Richard
- argumentatibong komposisyon at maaring magamit sa masining na paggamit ng lenggwahe.
Halsey, William D., Friedman, Emmanuel (1979)
- ang retorika ay maaring magamit sa layuning mabuti at masama.
Buke, Kenneth
- ang retorika ay isang simbolo na may kakayahang pumukaw sa kalikasang tumugon sa
ipinapahatid na simbolo.
Hill, D.
- sining at agham sa mabisang diskurso.

Mga local na may akda


Dr. Federico B. Sebastian
Dr. Venacio L. Mendiola
Dr. Jose Villa Panganiban
Alcomtiser P. Tumangan 1997
Paquito Badayos 2001

Pahapyaw na kasaysayan ng Retorika

Klasekal na Retorika
- ang retorika ay isang sistema ng pagtatalo sa isla ng Syracuse sa bayan ng Sicilly noong ika-
limang siglo bago pa dumating si Kristo.
- ito ay isang bansang Athens.
- Sophist ang grupo na naglalakbay ng isang edukasyon, gawing higit na magagaling na
tagapagsalita ang mga tao sa tuntuning pangsining.
- Protagoras (sophist) nag-aaral sa wika. Ang retorika ay angkop sa pagtatamo ng
kapangyarihang politikal by the means of pagpapahalaga sa paksang pinaglalaban at estilo sa
pagbigkas.
- binatikos ito ni Socrates (470-399 BC.) Ayon sa kanya “walang ibang hangad ang sophist
kundi ang kabayarang tinatanggap nilsa sa pagtuturo at pagbibigay diin na ang retorika ay sining
ng pakikipagtalo, at hindi sustansya ng talumpati.” banta pa niya layunin lang ng mga sophist na
palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
- Phaedo ni Plato (akda ni Socrates)
- Platonic-Socratic ay pagsasanib ng kakayahang berbal kasama ang pagkatuto at karunungan.
- Corax (taga Sicilly)(marunong) maayos ay sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran
Limang mahahalagang elemento sa Retorika
1. Proem/Introduksyon (pagpapakilala)
2. Salaysay o Kasaysayang historical (Pang-yayari)
3. Pangunahing argumento (problema sa buhay)
4. Mga karagdagang pahayag o kaugnay na argumento
5. Perokasyon/kongklusyon

Aristotle (384-322 BC.)


- ang sining ng panghihikayat Rhetoric. Ayon sa kanya hindi lamang panghihikayat ang gamit
ng retorika bagkus itoy isa ring pamamaraan na ang diin ay magwagi sa argumento o
paglalahad ng katotohanan. Sinang-ayunan ito ni Plato
- ang retorika ay isang kasanayan na nararapat taglayin ng kahit sinong edukadong tao.

3 Retorika ayon kay Aristotle


1. Forensic (pangnagdaan) itoy ang pananalumapating panghukuman
2. Deliberative (panghinaharap) retorikang pampulitika
3. Epidiectic (pangseremonya) para sa mga espesyal na pagtitipon. may inaasahang epekto sa
tagapakinig

Plato (428-347 BC.)


-binigyan ng diin ang panghihikayat kesa sa katotohanang dapat tagalayin sa kanyang akda na
Gorgias at Phaedo

Marcus Tullius Cicero (106-43 BC.)


- kanyang akda na De Inventione at De Oratore
- isa sa pinaka-makabuluhang retoriko ng kanyang panahon.

Medibyal na Retorika
- ang retorika sa gitnang panahon (ika-14 hanggang 17 na siglo) itinakdang asignatura ang
retorika sa mga kolehiyo at unibersidad.
- ika-16 na siglo nakilala sina Pierre de Coucalles at Andre de Ronquelin (tanyag na
retorisyang pranses)

Kontemporaryong Retorika
- ang naging sentro ng retorika ay napunta sa tagapakinig at mambabasa hindi sa nagsasalita.
- inaakma ng orador ang kanyang diskors sa lebel ng mga tagapakinig at ito ang naging
palatandaan ng makabagong retorika.
- ito ang proseso ng pagsusuri, paglikha, o pinagmulan.

Mga Kanon ng Retorika (quintillan)


1. Imbensyon – masining na paghahanap ng mga detalye upang maibigay ang katangiab,
kalakasan at kahinaan ng isang bagay. Sentro nito ang pagpili ng paksa at pagtuklas ng sanhi at
apekto.
2. Pagsasaayos – pinanukalang tuntunin ni Corax
3. Istilo – wastong paggamit ng gramar, wika.
4. Memorya – higit pa sa pagsasaulo sa isang talumpati. Nakapaloob dun dito ang pagtitipon ng
mga kagamitan para sa particular na ikasyon.
5. Paghahatid – tumutugon sa “paano sabihin” paggamit ng tinig at katawan sa pagsasalita.
Ethos o dulog-ethika (kaisipan) at dulog-phatos (emosyonal)

Barirala – kalipunan ng mga tungkulin sa wasto at maayos na paggamit ng wika.

Relasyon ng Barirala at Retorika


Gramatika – wastong kaayusan ng salita
Retorika – wastong pagpili ng salita

Retorika bilang isang sining


- inihahambing sa isang awit dahil may taglay itong sariling halagang estetiko.
Isang Kooperatinong Sining
- Nagkakroon ng kolaboratibong kaganapan.
Isang Pantaong Sining
- maaaring matutunan ng isang tao ang wika kahit hindi ito ang kinagisnan niyang wika.
Isang Temporal Sining
- naapektuhan ang retorika sa nangungusap ng lenggwahe.
Isang Limitadong Sining
- ang retorika ay may limitasyon.
Isang may Kabiguan Sining
- limitado lamang ang kaalaman ay kasanayang pangwika (kabagut-bagot)
Isang Nagsusupling na Sining
- ang retorika ay walang hanggan hanggat narian ang tagapakinig, tagapagsalita, mambabasa, at
manunulat.

Ugnayan ng wika, kultura ay Sosyolohiya


- kakambal ng tao ang wikang kanyang ginagamit. Ang sosyo sa sosyokunggwistika ay galling
sa salitang latin na “socius” meaning interaksyon o pakikibagay at pakikipamuhay sa tao.

Wika

Kultura Lipunan
Retorika

Pilosopiy
a

Ang Dalawang Paraan ng Pagpapahayag

Pasalita at Pasulat
- palatunugan at palabigkasan (pasalita)
- palabaybayan at palabantasan (pasulat)
*layunin ng maretorikang pagpapahayag ay ang pagbuhay ng mga salitang binibitawan.

Bigyang Pansin sa Pagpapahayag

Boses/Tinig (speech defect)


Pisikal (good posture)
Pamamaraan (paano makahikayat ng awdyens na siyay pakinggan)

Kahalagahan ng Maretorikang Pagpapahayag


Kakayahang Linggwistika
- palatunugan (phonology) tunog
- palabuuan (morphology) salita
- sintaks (syntax) parallelism
- sematiks (semantics) kahulugan ng bawat salita
- pragmatics (pragmatics) paano ginagamit ang salita sa kontekstong sosyal.

Kakayahang komunikatibo
- hindi lamang sa salita bagkus sa gawa din dapat. (sensiridad)

Kahalagahang PangRelihiyon (salita ang puhunan)


Kahalagahang Pang-ekonomiya
Kahalagahang Pampanitikan
Kahalagahang Pang-media
Kahalagahang Pampulitika

Yunit 2

Tamang Pagpili ng mga Salita


a. Angkop sa ibig ipakahulugan
b. Nagkakaisa ang anyo ng panlapi
c. Angkop ang anyo sa Panlapi
d. Iwasan ang pagpapahayag ng Literal
e. Iwasan ang paggamit ng Ingles sa pangungusap

Kaisahan at Kaayusan ng Pangungusap


a. Iwasan ang madaming kaisipan sa isang pangungusap
b. Huwag pagsamahin ang hindi magkakaugnay na ideya.
c. Gawing malinaw ang pangungusap kung alin ang pangunahing sugnay at sugnay na di
makapag-iisa
d. Gamitin ang tinig tukuyan ang simuno sa pangungusap
e. Huwag paglayuin ang mga salitang panuri upang makita ang kaugnayan ng mga salita
f. Nauuna ang pang-uri sa simuno
g. Ilapit ang panghalip pamanggit sa panggalang kinakatawan nito.

Wastong Gamit ng salita sa pangungusap


Nang – noon, paulit-ulit, upang
Yunit III

Retorika = Barirala
Lope K. Santos (Ama ng Bariralang Tagalog) – ang barirala ay etimilohikal

Makrong kasanayan:
pagsasalita
pakikinig
pagbabasa
pagsusulat
panonood

HOWARD GARDNER – Theory of multiple intelligences

Kawikaan 16:21 – ang matalinong tao ay nakikilala sa kanayang pang-unawa


Kawikaan 13:3 – ang maingat sa salita ay nag iingat sa buhay

DELL HYMES – SPEAKING

KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGA PAGSALITA AY ANG PAGKAKAROON NG


MALAWAK NA TALASALITAAN O BOKABOLARYO.

Paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan


Palagiang pagbasa
Pakikisalamuha
Paglalahad ng nabasa

 Pagtatanong ng Kahulugan ng mga Terminolohiya


 Pagkakaroon ng Interes sa ibang Diyalekto

1. Pagbuo ng salita – morpemang malaya (salitang-ugat/payak na salita) at morpemang di-


malaya(panlapi)

1.1 Paglalapi

Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kanilaan
Laguhan
Unlapi-gitlapi
Gitlapi-hulapi
1.2 Pag-uulit ng parsyal o ganap na salita
Parsyal
Ganap

1.3 Pagtatambalan

2. Pagsisingkahulugan (synonym) – singkahulugan ngunit may pagkakaiba

3. Pagsasalungatan (antonym) – pang-uring nagkakasalungat

4. Pagpaparis ng magkakasama – pagtatala ng mga salitang likas na magkasama. binubuo ito


ng pangngalan

5. Pagpapangkat-pangkat ng mga salita – magkakagrupo sa ilalim ng punong salita.

6. Pagsisingtunugan ng mga salita

7. Semantikang kahulugan ng mga salita (hindi litiral na kahulugan)

a. Denotasyon
b. Konotasyon

8. Pragmatikang kahulugan ng mga salita (litiral na kahulugan)

9. Likha – salitang inembento upang maiugnay sa pangangailangan ng tao.

a. Likha ng Dalubhasa
b. Likha ng mga kabataan (balbal)

10. Hiram – salitang buhat sa ibang wika

11. Salawikain – ito ay isang karunungang napag-aaralan (karanasan)

a. Salawikain tungkol sa kalinisan, asal at katapatan


b. Pagkamasunurin
c. Kagandahang asal at pagkamagalang
d. Katapangan at katibayan ng loob
e. Paggawa at kasipagan
f. Magandang kaugalian

12. Kasabihan – pawang mga paalala na may halong panunukso

13. Patambis/IDIOMA – salitang hindi literal o tuwiran ang kahulugan.

14. Rejister – tumutukoy sa mga salitang espesyalisadong nagagamit sa isang tiyak na domeyn
a. Katawagang Pantekniko
b. pangasiwaang pambayan
c. Arkitektura
d. Kalusugan

15. Tayutay – paglayo sa karaniwang paggamit ng pananalita para sa kagandahan ng


pagpapahayag.

Gamiting uri ng tayutay:

1. Patutulad o simili – di-tahasang paghahambing


2. Pagwawangis o metapora – tahasang paghahambing
3. Pernosinipikasyon/pagsasatao – bigyang buhay ang mga salitang walang buhay sa
katangiang pangtao
4. Paglilipat-wika – katulad ng pagbibigay katauhan eto naman ay ginagamitan ng pang-uri
5. Paghigimig – naipapahiwatig nito ang kahulugan sa pamamagitan ng tunog
6. Asonans – paggamit ng magkakaugnay na salitang may pag-uulit ng tunog-patinig.
7. Konsonans – paggamit ng ng magkakaugnay na salitang may pag-uulit ng tunog-katinig
sa pinal na posisyon.
8. Pagpapalit-tawag – nagpapalit ng tawag o ngalan ng bagay
a. Sagisag sa sinasagisag
b. Sisidlan sa isinisilid
c. Sanhi at bunga
9. Pagpapalit-saklaw – nagpapalit tawag din ngunit sa ibang kaparaanan
a. bahagi sa halip na kabuuan
b. nag-iisang taong kumakatawan sa pangkat ng mga tao
10. Alusyon – gumagamit ng pantukoy na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala
a. alusyon sa bibliya
b. sa mitolohiya
c. sa literatura
d. sa heograpiya
11. Pagtanggi – karaniwang ginagamitan ng panangging “hindi”
12. Pag-uyam/ironya – nagbibigay papuri nakapaloob naman ang paglibak
13. Pagsususkdol – pataas na pinagsunod-sunod ang kahalagahan ng mga salita
14. Antiklaymaks – kabaliktaran ng klaymaks
15. Pag-uulit
a. aliterasyon – inuulit ang unang titik o pantig ng mga salita
b. anopora – pag-uulit ng isang salita sa unahan ng isang sugnay o taludtod
c. epipora – pag-uulit ng isang salita sa hulihan ng parirala
d. anadiplosis – paggamit ng gayunding salita sa hulihan ng sugnay at uuliting muli
sa unahan
e. epidiplosis – paggamit ng salita sa simula at katapusan
f. Empanodos – pag-uulit na binabaliktad ang ayos ng pahayag
16. tanong retorikal
17. Pagdaramdam – nagsasaad ng matinding damdamin (!)
18. Pagtawag – pakikipag-usgnay sa karaniwang bagay na tila ba nakikipag-usap sa isang
kaharap at buhay na tao
19. pagmamalabis – lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao
20. Pagsalungat – kahawig ito ng pagtatambis ngunit natatangi ito sa kaiklian.
21. Pagtatambis – pagbanggit ng mga bagay-bagay na nagkakasalungatan upang mapabisa
ang pangingibabaw ng isang tanging kaisipan
22. Paglulumanay – ginagamit sa mahinahong pagsasabi upang matanggap ng pagsasabihan.
23. pagbibigay-aral
a. parabula – mula sa bana na kasulatan
b. pabula – kwento kung saan binibigyan natin ng talino, gawi at kilos ng mga tao at
nagbibigay-aral
c. alegorya – kalalimang paghahambing sa katotohanang nagaganap sa mga uri ng
mga akdang pampanitikan.
i. tula
ii. nobela

You might also like