Plagiarism at ang mga Responsibilidad ng Mananaliksik
Nagging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso
ng plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersiyal ang nagging paggamit ng isang malaking negosyante ng mga sikat na linta sa kaniyang talumpati nang walang pagbanggit sa malalaking pangalan na pinagmulan ng ideya. Gayundin binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit ng ideya at direktang pangkopya sa artikulo ng ilang blogger tungkol sa isyu ng Reproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa mga pangyayaring ito, naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang mga kaugnay na usapang etikal nito. Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng Plagiarism.Org (2014) ang iba pang anyo ng plagiarism gaya ng:
Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag; Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag; Pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang walang sapat na pagkilala; at Ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo sa iyong produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.
Bukod sa mga nabanggit kaso rin ng plagiarism ang pagsusumite ng
papel o anomang produkto na gawa sa iba o kaya ay sabay na pagsusumiti ng iisang papele sa magkaibang kurso (Council of Writing Programs Administrator 2003). Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibgang refereed journal para sa publikasyon at ang self-plagiarism, kung saan ang bahagi ng isang pananaliksik at inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggit kahit pa sa sarili ring ideya ang pinagmulan nito (University of Minnesota, Center for Biothics 2003). Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik o kaya ay paglalagay ng mga aklat o materyales na hindi naman personal na nabasa at ginamit, bagkus ay nakita lamang ng binaggit sa aklat ng iba, ay mga porma rin ng plagiarism (Evasco et al. 2011).
Bakit nga ba marami ang madalas gumawa ng mga karaniwang
pagkakamaling ito kaugnay ng plagiarism? Isa sa mga pangunahing dahilan ay ang kamangmangan o kawalan ng ideya, lalo na ang mga mag-aaral, sa kalikasan nito. Kung minsan naman ay magkamalayan asa mga panuntuhan ngunit sadya o hindi sadyang binabalewala ang mga ito. Madalas ding itinuturong dahilan sa ganitong mga kapabayaan ang labis na pagmamadaling makatapos sa pananaliksik o kaya ay hindi pagbibigay ng sapat na panahon na nagreresulta sa kawalan ng sinop at pag-iingat ng mananaliksik. Sa bahagi naman ng guro, karaniwan ding hindi nabibigyan ng sapat na pagtalakay ang usapin ng plagiarism. Hindi rin nagsasawata ang kapabayaang ito dahil sa kawalan ng malinaw na mga institusyonal na polisya, o kung mayroon man, ay kakulangan sa mahigpit na implementasyon nito. Upang solusyonan ang mga nabanggit na kahinaan, kailangang alamin ng mananaliksik ang mga batayang etikal na prinsipyo sa pananaliksik. Makatutulong din na maging maalam ang sinomang mananaliksik sa mga institusyonal na polisiyang kaugnay ng pananaliksik. Susi rin sa pagpapatibay ng resulta ng pananaliksik at pag-iwas sa pag-uulit ng mga ideya ang malalim na pagbabasa kauganay ng paksang napili. Lahat ng responsibilidad na ito ay nakasalalay sa mismong mananaliksik. Kailangang maunawaan na ang gawaing pananaliksik ay isang seryosong Gawain at hindi dapat minamadali para sa personal na kagaanan at kapakinabangan. Tandaan na nakasalalay sa kasinupan at katapatan ng pananaliksik ang integridad nito. Kung isasapuso ng sinomang mananaliksik ang mga makalipunan at makataong kalikasan ng gawaing ito, tiyak na susunod ang pagiging matuwid at makatuwiran.