Ang Ama

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG AMA, ANG ANAK AT ANG KUWENTO

Efren R. Abueg

Pagsusuri

Angel- Ang ama sa kwento. Isang masigasig na kwentista

Mina- Ang kaisa-isang anak na babae nina Angel at Ising. Makulit at mapagpumilit.

Ising- Isang ulirang ina at maybahay ni Angel

Tagpuan

 Bulwagan: kung saan nagbabasa si Angel ng bagong biling aklat. Dito nangyari ang pangungulit ni
Mina na basahan siya ng Fairy Tales.
 Hapon:Maaliwalas ang langit.
 Ikalawang palapag ng bahay:dito tumungo ang bata nang inutusan ng ama na kay Ising nalang
siya magpabasa ng kuwento. Lugar kung saan naroroon ang ina.
 Lansangan sa harap ng bahay/ bakuran ng pamilya: dito naganap ang kahindik-hindik na
pangyayaring nasagasaan ang batang si Mina.

Banghay

Pabalik/ Flashback ang ginamit na banghay sa kwentong ito.

a. Panimula
( nagsimula ang kwento sa isang pagunita ni Angel sa isang pangyayaring kailan man ay hindi
niya malilimutan)

Parang hindi makapaniwala si Angel na mangyayari ang gayon. Hindi rin siya makapaniwala na sa
isang munting bagay lamang ang naging dahilan ng bigla-biglang pangyayaring iyon. Nakatayo
siya sa bulwagan at nakatanaw sa luntiang libro sanhi ng muling pagunita.

Hapon. Maaliwalas ang langit. Masaya sa Angel sapagkat siya’y nakabili ng isang aklat ukol sa
pagkatha ng mabuting kwento. Mahalaga ang aklat na iyon kaya nama’y gustong-gusto niya
itong tapusing basahin pagkagabi.

b. Tunggalian
Hindi pa siya nakatatapos sa unang pahina ay biglang lumapit ang kaniyang anak na si Mina at
nagpupumilit itong basahan siya ng bagong biling aklat. Kulay luntian at may malaking nakatitik
sa labas. “ Fairy Tales”. “Anak may binabasa pa ako. “ pakli ni Anghel na bahagyang malakas ang
boses. Natahimik ang anak. Muling nagsalita si Mina at nakikiusap sa ama na kahit isang pahina
lamang. Yung may pinakamagandang kulay at guhit.
c. Saglit na kasiglahan
Inutusan ni Anghel si Mina na sa kaniyang ina na nasa ikalawang palapag magpabasa at huwag
na siyang gambalahin. Ngumiti ang bata at dali-daling umakyat sa hagdanan. Makalipas ang
ilang minuto ay bumaba ang bata at sinabi sa ama na maraming ginagawa ang kaniyang ina kaya
hindi siya mababasahan ng sinabing kuwento. Iginiit ng ama na bukas nalang siya babasahan ng
buong kwento mula sad ala=dalang luntiang aklat ng bata. Natahimik at matagal na nakatayo sa
harapan ng ama ang tila anghel na bata. Sa kalagitnaan ng katahimikan ay biglang nasabing bata
na “ Tay baka may pupuntakan ako bukas.” At sagot ng ama,Edi sa susunod na araw na lang”.
sege na maglaro ka na doon. Pilit ng ama sa kaniyang anak na parang tinataboy pa ito palayo.
Galit ka “itay? Sambit ng anak. Hindi anak. Tugon ng ama.
d. Kasukdulan
Ngumiti ang bata.”Aalis na ko’ ‘Tay…. Pero hyag mong kalilimutan. “ Bye, Tay!”. At mabilis na
tumakbo ang bata papunta sa kapitbahay upang makipaglaro. Nagulantang ang lahat sa isang
mabilis na pangyayari nakapanlulumo. Ang bata ay nasagasaan. At ang kaniyang ina’t ama ay
napasigaw. Gumapang ang bulong-bulungan sa paligid.

e. Kakalasan o Wakas
Iyon ang mga ginugunita niya. Mapait na gunita. Walang pagkapawing gunita. “ Pero
,’Tay…. baka hindi mo ‘ko mabasahan bukas. Baka may pupuntahan ako bukas!”
“ Aalis na ‘ko, Tay….. pero h’wag kalilimutan. “ Bye, ‘Tay!”
Labis ang pagsisisi ni Angel sapagkat sa maliit niyang pagkakamali at pagpapabaya ay
nawala ang kaniyang kaisa-isang anak.
Hindi nakikita ni Angel na tumabi at tahimik na nagmamasid sa kanya si Ising na
nakadamit-luksa at sa mapayapang tinig, simpayapa ng libingan ay nagwika: “ Angel, hinihintay
tayo ni Mina, maiinip sa atin si Mina!”
Ngunit hindi narinig ni Angel ang sinasabing iyon ng asawa, pagka’t binabasa niya nang
malakas ang Fairy Tales sa aklat.
“ Noong unang panahon, may isang amang naninirahan sa isang kubo sa kagubatan.
May anak itong isang batang babae na kailan man ay hindi niya pinansin ang kapritso hanggang
sa ito ay magtampo sa kanya at….”
Higit na lumakas ang pagbasa ni Angel. Nais niyang marinig iyon ni Mina upang ito ay
huwag magtampo.

Uri ng Kwento- Kuwento ng Madulang Pangyayari

You might also like