Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ipinanganak ang bayaning si Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa syudad ng

Maynila. Ang kanyang ama ay si ginoong Santiago Bonifacio at ang kanyang ina naman ay si
ginang Catalina de Castro. Panganay si Andres sa anim na magkakapatid at sa murang edad na
katorse ay natuto nang maghanapbuhay si Andress buhat noong magkasunod na mamatay ang
kanyang mga magulang. Itinigil na din ni Andres ang kanyang pag-aaral kapalit ng pag tataguyod
nya sa limang nakababatang kapatid. Dahil sa likas na talento ni Andres sa gawaing kamay ay
natuto syang gumawa ng baston, pamaypay at mga karatula na syang ibinebenta. Hindi tumagal
ay nagtrabaho si Andres bilang mensahero sa dayuhang kompanya na Fleming and Company.
Bukod dito ay nagtrabaho din sya sa isa pang dayuhang kumpanya na Fressel and Company. Dito
natuto si Andres ng salitang ingles. Kahit hindi nakapagtapos ay natuto din si Andres ng salitang
espanyol. Nahubog ang kanyang kaalaman sa pagbabasa ng mga librong tungkol sa mga pangulo
ng estados unidos, mga nobela ni Rizal tulad ng Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Les
Miserables at iba pa. Si Andres ay dalawang beses nag asawa. Una syang ikinasal kay Monica
Palomar ng Tondo. Ngunit maaga ding nabyudo si Andres sapagkat si Monica ay namatay sa
sakit na ketong. Di sila pinalad na magka anak. Taong 1892 ay nakilala naman ni Andres ang
ikalawang asawa na si Gregoria de Jesus o mas kilala sa tawag na Oryang. Noong una ay tutol
ang magulang ni Oryang sa pag iibigan ng dalawa dahil si Andres ay isang freemason at
tinuturing na kalaban ng Simbahang katoliko. Ngunit kalaunay nagpakasal din ang dalawa taong
1893 sa simbahan ng Binondo. Nagkaroon sila ng anak na nagngangalan ding Andres ngunit si
Andres Jr. ay maagang namatay sa sakit na bulutong. Unang naging bahagi ng katipunan si
Andres noong 1892 pagkatapos na ipatapon si Jose Rizal sa Dapitan. Nabunyag ang kilusang KKK
sa mga espanyol at taong 1896 noong maganap ang "Sigaw ng Pugad Lawin" o ang pagpilas sa
cedula laban sa mga espanyol. Naganap ang laban ng katipunan laban sa mga espanyol noong
Agosto 30, 1896 at maraming umuwing sugatan. Ang labang iyon ay naging malaking banta
laban sa mga mananakop na espanyol. Nagkaroon ng dalawang grupo ang katipunan ito ay ang
Magdalo at Magdiwang na pinamumunuan ng pinsan ni Aguinaldo. Nagkaroon ng pulong na
ginanap noong ika 22 ng Marso taong 1897 sa Tejeros, Cavite. Napagpasyahan na maghalal ng
pangulo ng unang republika ng Pilipinas. Nahalal na pangulo si Emilio Aguinaldo at naging
pangalawang pangulo naman si Andres. Dahil hindi matanggap ni Andres ang naging resulta ng
halalan at pinawalang bisa nya ito. Ngunit kinabukasan ay nanumpa na si Aguinaldo bilang
pangulo. Habang si Andres ay nasa Indang, Cavite ay inatake sila ng Magdalo ngunit inutos ni
Andres sa kanyang mga tauhan na wag nang lumaban. Si Andres ay inaresto sa salang
pagtataksil laban sa pamahalaang Aguinaldo. Nilitis si Andres at napatunayang nagkasala at
mahatulan ng parusang kamatayan. Si Andres ay binitay sa bundok ng Maragondon kasama ang
kapatid na lalaki na si Procopio noong ika 10 ng Mayo taong 1897.

You might also like