Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM

Pililla, Rizal

Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan 9

I. Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaaasahan na;

Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang


isang mag-aaral, kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKE-Ia-1)

Task Analyze

 Naipaliliwanag ang kahulugan ng ekonomiks.


 Nakagagawa ng paghahambing tungkol sa Makroekonomiks at
Maykroekonomiks.
 Napahahalagahan ang gampanin ng ekonomiks sa pamumuhay ng mga tao.

II. Paksang Aralin

Paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks

Nilalamang Aralin:

1. Kahulugan ng Ekonomiks
2. Kahulugan ng Maykroekonomiks at Makroekonomiks
3. Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
4. Kahalagahan ng Ekonomiks

Sanggunian: Dallo, Evangeline M. "Kayamanan IV: Workteks sa Araling Panlipunan".


Rex Printing Company Inc. Manila, Philippines. 2013. Pahina 12-20.

Tolentino, Rhodora R. "Bagong Kalakaran sa Ekonomiks". Saint Bernadette


Publications Inc. Quezon, City. 2001. Pahina 1-4.

Kagamitan: Kagamitang biswal, Activity sheets, Activity cards at mga larawan.


III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Pangaraw-araw na Gawain

a. Pagbati
Magandang umaga/tanghali sa inyong
lahat! "Magandang umaga/tanghali din po Bb.
Adriano!"

b. Panalangin
Maaari mo bang pangunahan ang isang "Yumuko ang lahat para sa panalangin.
panalangin, JC? Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
lubos po kaming nagpapasalamat sa mga
biyayang pinagkaloob nyo po sa aming
lahat. Humihingi po kami ng kapatawaran
sa aming mga nagawang kasalanan.
Nawa'y gabayan nyo po kami ngayong
araw na ito at ang aming pamilya na
naiwan sa aming tahanan. Ito ang aming
samu't dalangin sa inyong matamis na
pangalan. Amen."

c.Pagtala ng liban "Ikinagagalak ko pong sabihin na walang


Maaari mo bang ilahad sa klase kung lumiban sa araw na ito."
sinong mgaliban sa araw na ito, Edilou.

1. Drill

Okay class para sa ating unang gawain na


may pamagat na PAGMASDAN MO AKO
ay may collage akong ipapakita sa inyo at
ibabahagi nyo sa klase ang napansin nyo
tungkol dito.

Ano ang napansin mo sa larawan? Yes, “Ipinapakita po dito ang mga produkto at
Charles. mga pagawaan nito.”

Tama, ano pa? Yes, Kallen. “Iba’t-ibang negosyo po.”


Tama, ano kayang salita ang maaaring “Ekonomiya po.”
iugnay dito? Yes, Lee.

Magaling! Batay sa nabuong collage, ano “Ang ekonomiya ay binubuo ng mga


ang iyong pagkakaunawa sa ekonomiya? sistemang ekonomiko ng isang bansa o
Yes, Vivi. iba’t ibang mga trabaho, puhunan, at mga
pinagkukunang lupain at ang
pagmamanupaktura, produksiyon,
pangangalakal, distribusyon, at
konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo”
Tama. Mamaya ay malalaman natin ang
kaugnayan ng Ekonomiya sa ating aralin.

2. Pagganyak

Okay class, ngayon ay may inihanda


akong gawain at ito ay may pamagat na
“Sagot sabay Hugot”. May iikot na box sa
inyo. At kung sino man ang matatapatan
nito pagkatapos ng tugtog ay syang
bubunot ng isang tanong mula sa box at
kailangan nya itong sagutin. At kapag
nasagot nya ito ay huhugutin nya ang
arrow na nasa pisara. Naiintindihan nyo “Opo Mam.”
ba?

Okay ano ang nabunot mong tanong (Iikot ang box sa buong klase)
Marcio? Maaari mo na din itong sagutin. “Ito ay isang uri ng ahas na kapag
natuklaw ka ay maaari kang mamatay
dahil sa bagsik ng kamandag nito. Ang
Magaling! Maaari mo ng hugutin ang arrow sagot po ay Cobra.”
sa pisara.
(Huhugutin ng mag-aaral ang aarow)

Ano naman ang nabunot mo Lorcan? “Sya ang ikalabing limang pangulo ng
Pilipinas. Sya ay anak ni dating Pangulong
Corazon Aquino at Senador Ninoy Aquino.
Ang sagot po ay si Benigno “Noynoy”
Tama. Aquino.”

(Huhugutin ng mag-aaral ang aarow)


Ano naman ang nabunot mong “Ito ay isang babasahin na naging
katanungan Sakura? libangan noon ng mga bata noong 1970’s.
Ang sagot po ay ang Komiks.”
Magaling! Ngayon class sa mga hinugot
na arrow ay nakasaad ang mga sagot
ngunit may kailangang mga pantig
natanggalin upang mabuo ang bagong
salita. Sino dito ang makakabuo ng salita? “Ang mabubuo pong salita ay ang
Yes, Scotttie. Ekonomiks.”

Mahusay! Ang ating aralin ngayong araw


ay ang Ekonomiks.

B. Paglalahad

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng


Agham Panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walng
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa
salitang Griyego na "oikonomia", ang
"oikos" ay nangangahulugang bahay at “Ang Ekonomiks ay isang agham na nag-
"nomos" na pamamahala. aaral sa gawi ng taong may kinalaman sa
Sa inyong pagkakaunawa ano ang ugnayan ng pangangailangan at
Ekonomiks? Yes, Lee. kakapusang may alternatibong gamit.”

Magaling!

Ngunit class may kakapusan dahil may


limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman
at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Ano kaya ang maaaring maging
implikasyon nito? Yes, Lelouch. “Dahil sa kakapusan, kailangan ng
mekanismo ng pamamahala ng limitadong
Tama. pinagkukunang-yaman.”

Ngayon para sa ating ikalawang gawain


na may pamagat na HANDA KA NA BA?
ay may ipapakita akong sitwasyon sa inyo
at sasabihin nyo kung ano ang uunahin “Opo Mam.”
nyo sa mga sumusunod na sitwasyon.
Naintindihan ba class?

(Babasahin ng guro ang sitwasyon) “Uunahin ko po yung sitwasyong may


Ano ang uunahin mo, Liam? malaki po akong pakinabangan.”
Okay class, maaaring ang pinili ni Liam ay
iba sa sagot ninyo dahil depende ang
uunahin natin dahilna din sa
pakinabangang makukuha natin mula dito.

Mayroon din tayong Maykroekonomiks at Pinag-aaralan ng Maykroekonomiks ang


Makroekonomiks. Ang Makroekonomiks pambansang kita, konsumo (pribado at
ay tumutukoy sa kabuuang pagsusuri ng publiko), pagnenegosyo, mga produkto ng
ekonomiya ng bansa. Samantalang ang produksyon, pag-iimpok, pangkalahatang
Maykroekonomiks ay tumutukoy sa mga presyo, empleyo at halaga ng export at
tiyak na yunit na pang-ekonomiya. import samantalang ang
Makroekonomiks naman ay ang maliliit
Sa tingin nyo class ano kaya ang na bahagi ng ekonomiya gaya ng
maaaring pag-aralan sa mga ito? Yes, pansariling pamimili, demand, halaga ng
Suzaku. produksyon ng isang kalakal at mga
istraktura ng pamilihan.”
Mahusay!

Bukod sa dalawang iyan ay may tinatawag


din tayong mga Mahahalagang Konsepto
sa Ekonomiks. Nakapaloob dito ang
Trade-off, Opportunity cost, Incentives at
Marginal thinking. Maaari mo bang “Trade-off- Ito ay ang pagpili o
basahin ang mga kahulugan nito Shirley. pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng
isang bagay.
Opportunity cost- Ito ay tumutukoy sa
halaga ng bagay o nang best alternative
na handang ipagpalit sa bawat paggawa
ng desisyon.”

Salamat. Ang dalawa pang konsepto “Incentives- Ito ang mga insentibo na
maaari mo bang basahin Loyd. inaalok ng mga lumikha ng produkto at
serbisyo.
Marginal thinking- May kasabihan sa
ekonomiks na "Rational people think at the
margin". Ang ibig sabihin nito ay sinusuri
ng isang indibidwal ang karagdagang
halaga maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.”

Ngayon para sa ating ikatlong gawain na


may pamagat na ALAMIN MO! na kung
saan ay magbibigay ako ng sitwasyon at
tutukuyin nyo ito kung ito ba ay trade-off,
opportunity cost, incentives o marginal
thinking. Hahatiin ko kayo sa dalawang
grupo at magbibigay ako ng mga cards na
kung saan itataas nyo lamang ang inyong
sagot kapag nagsabi na ako ng Go!
Naintindihan ba? “Opo.”

(Babasahin ng guro ang mga sitwasyon at


sasagot naman ang dalawang grupo.)

Dahil ang Unang Pangkat ay nanalo ay


may matatanggap silang premyo.

Matapos nating talakayin ang kahulugan at


mahahalagang konsepto ng ekonomiks, sa “Bukod sa pag-alam kung bakit tumataas
tingin nyo ba class mahalaga ang ang presyo ng mga bilihin, nakatutulong
Ekonomiks? ang pag-aaral ng ekonomiks upang
maunawaan kung bakit mahalagang
pangalagaan ang ating mga
pinagkukunang-yaman gaya ng dagat, ilog
at mga kagubatan”

Magbigay kayo ng kahalagahan nito. Yes, “Mahalaga po ito upang malaman ang
Levi. dahilan ng pagsasapribado ng industriya
na nilalabanan naman ng panig sa
paglalagay ng mga ito sa kontrol ng
estado.”

Tama. Ano pa? Yes, Mikasa. “Mahalaga po ito upang ang implikasyon
ng debalwasyon ng piso sa dolyar.”

Magaling! Sino pa ang makakapagbigay “Nakakatulong ito dahil nagkakaroon ng


ng kahalagahan ng ekonomiks? Yes, CC. interaksyon ang mga tao sa mga
negosyante upang matugunan ang
Mahusay! kanilang mga pangangailan at
kagustuhan. Dahil dito, kumikita ang
bansa dahil sa mga buwis na ipinapataw
nito sa mga negosyante.”

C. Paglalahat
Ano ang Ekonomiks? Yes, Toudo. “Ang ekonomiks ay pag-aaral ng
sangkatauhan sa pangkakaraniwang
pang-araw-araw na buhay. Sinusuri nito
ang bahagi ng kilos ng tao at
pangkahalatang iniuugnay sa pagkakamit
at paggamit ng pangunahing
pangangailangang materyal ng tao.”
Tama. Ano ang pagkakaiba ng “Ang makroekonomiks ay tumutukoy sa
Maykroekonomiks sa Makroekonomiks? galaw ng ekonomiya bilang isang kabuuan
Yes, Jerimiah. habang ang maykroekonomiks ay
tumutukoy sa maliit na yunit ng
ekonomiya.”

Tama. Bakit sinasabi nating mahalaga ang “Mahalaga ang pag-aaral sa ekonomiks
Ekonomiks sa pamumuhay ng mga tao? lalo na sa mga mag-aaral at iba pang
Yes, Euphemia. kasapi ng pamilya at lipunan. Sa mag-
aaral ito ay mahalaga upang matutunan
nila sa maagang edad pa lamang ang
tamang paraan ng paggamit ng mga
Mahusay. limitadong likas na yaman ng bansa upang
mapamahagi ang iba't ibang serbisyo at
produkto sa iba't ibang pangkat ng lipunan
ngayon at maging sa kinabukasan.”

D. Paglalapat
Hahatiin ko ang inyong klase sa tatlong
grupo. At kayo ay may gagawin na iba’t
ibang gawain.
Pangkat I: Paggawa ng flow chart na
nagpapakita ng mga konsepto ng
ekonomiks. Magbigay ng halimbawa ng
sitwasyon sa mga ito.

Pangkat II: Paggawa ng Venn Diagram


na nagpapakita ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng Makroekonomiks at
Maykroekonomiks

Pangkat III: Pagsasadula ng mga dahilan


kung bakit mahalaga ang ekonomiks.

E. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng YES kung tama ang nakasaad sa pngungusap at NO naman kung
mali.

1. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Latin na “oikonomiya”.

2. Ang kakapusan ay nangyayari dahil sa limitadong pinagkukunang yaman.

3. Ang Trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng isang


bagay.
4. Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walng katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman.

5. Ang Maykroekonomiks ay tumutukoy sa kabuuang pagsusuri ng ekonomiya ng


bansa.

6. Ang Makroekonomiks ay tumutukoy sa mga tiyak na yunit na pang-ekonomiya.

7. Ang sambahayan at ang pamayanan ay may mahalagang papel sa pagdedesiyon.

8. Ang Marginal thinking ay ang mga insentibo na inaalok ng mga lumikha ng produkto
at serbisyo.

9. Ang “nomos” ay nangangahulugang bahay.

10. Ang “oikos” ay nangangahulugang pamamahala.

Batayang Pagwawasto:

1. No 6. No

2. Yes 7. Yes

3. Yes 8. No

4. Yes 9. No

5. No 10. No

F. Pagtatapos ng Aralin

Ngayon masasabi natin na ang Ekonomiks


ay lubhang napakahalaga sa ating mga tao
at sa lipunan. Tinutulungan tayo nitong
magkaroon ng kaalaman tungkol sa
pakikipagkalakaran upang matustusan ang
ating pangangailangan at
kagustuhan.Bukod sa pag-alam kung bakit
tumataas ang presyo ng mga bilihin,
nakatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks
upang maunawaan kung bakit mahalaga
ang patakarang pang-ekonomiya ng
pamahalaan para sa ikauunlad ng bansa.
At bakit mahalagang pangalagaan ang ating
mga pinagkukunang-yaman gaya ng dagat,
ilog at mga kagubatan.
IV. TAKDANG ARALIN

Panuto: Magsaliksik tungkol sa Kakapusan. Sagutin ang mga tanong patungkol dito.
Isulat sa inyong kwaderno ang inyong kasagutan.

1. Ano ang Kakapusan?


2. Paano ito nakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa?
3. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?
4. Sino ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan?

Inihanda ni:

JEAN MICAELA A. ADRIANO

BSE III-D (Social Studies)

You might also like