Professional Documents
Culture Documents
Buhay
Buhay
Nakakapagod ng lumaban
Nakakapagod ng pagtiyagaan
Ang buhay na 'di mo alam kung ano ang kahihinatnan.
Pero kahit na nakapapagod na
Kahit ang hirap hirap na,
Kailangan kong lumaban
Kailangan kong magsumikap upang maalis sa magulong landas na puno ng
kahirapan.
Oo, nakakapagod
Oo, mahirap lumaban
Pero hindi ito sapat na dahilan upang sumuko.
Dahil sa mundong ito,
Ang unang sumuko ay talo.