Professional Documents
Culture Documents
Si Manang Merin at Ang Turumpo
Si Manang Merin at Ang Turumpo
Ni Marcelo Navarra
“Aah. Kapatid ka pala niya,” sabi ng tao. “Nasaan siya ngayon, Dong?”
“Salamat, ngunit ako na lamang ang magsasabi sa kanya. May iba pa bang tao sa
bahay?”
“Ang tatay at nanay mo, at ang iba mong kapatid, nasaan sila?”
“Aw, mabuti naman ‘pagkat wala sila dito. Pumunta silang lahat sa bukid. Kami lamang
ni Manang Merin ang naiwan.”
1
Tumakbo ako sa bahay, tumuloy sa komedor kung saan naroon si Manang Merin.
Pupunta na sana si Manang Merin sa kusina, bitbit ang plantsa, marahil upang magpalit ng
uling sa plantsa.
“Sino?”
“Ewan, di ko kilala.”
Bumalik ako at nang nasa hagdanan na, sinabihan ko ang tao na maari siyang
pumanhik. Nagkasalubong kami sa gitna ng hagdanan – ako papanaog, at siya naman ay
paakyat upang makipagkita kay Manang Merin. Nagpasalamat pa nga siya, ngunit mapilit siya
na siya na lamang ang magsasabi ng kanyang sadya.
Hinagis ko ang aking turumpo sa kinaroroonan nito kanina. Sa pagsisikap niyang gawin
ang pinakamahusay, naghandang mabuti si Arsenio at buong lakas niyang hinagis ang
kanyang turumpo. Sa halip na tamaan ang akin o bumagsak man lamang malapit sa akin,
uminog ito patungong likuran sa naipong tuyong dahon ng niyog bago huminto. Kinuha ko
kaagad ang akin at kinidkiran ng pisi.
Ako naman ang naghanda. Pinaghusayan kong mabuti pagkat ayaw kong magkamali.
Paghagis ko, tumama ang aking turumpo sa gilid ng turumpo ni Arsenio bago lumukso sa lupa
at huminto. Maganda ang inog ng aking turumpo at hindi maugong. Yumukod si Arsenio upang
kunin ang kanyang turumpo.
“Kung kasing lakas lamang sana ako ni Manoy Boloy, makikita mo sana.”
“Kung magsuntukan kaya ang Manoy Boloy mo at yong mamang nakipagkita kay
Manang Merin mo, mananalo kaya siya?”
2
Inikit ko muli ang pisi sa aking turumpo.
*Lamaw- kinayod na buko na hinaluan ng sariling katas, asukal at, kung minsan, gatas.
“Oo.”
Sa hagdanan ng kusina ako dumaan. Maingat kong itinulak ang pintuan at pumaroon
sa aparador kung saan tinago ni Manang Merin ang garapon ng asukal. Ngunit ano ang
paglalagyan ko ng asukal, tanong ko sa sarili. At saka ako naghanap ng papel. Sa aking
paghahanap, lumabas ako sa komedor, ngunit wala si Manang Merin, nasaan kaya?
Naiwanang nakahiga ang plantsa sa kanyang lalagyan, wala nang lamang baga. Sa tabi ng
plantsahan ay ang basket na sinidlan ng mga bagong plantsang damit at ang palangganang
pinaglagyan ng plaplantsahin. Nasaan kaya si Manang Merin, tanong ko sa sarili. At saka ko
narinig na may nag-uusap sa kwartong hinihigaan niya. Naroon pala si Manang Merin,
nakikipag-usap sa lalakeng may sadya sa kanya. Wala pa rin akong makitang papel na
paglalagyan ko sana ng asukal para sa aming paglamaw ni Arsenio. Dahan-dahan akong
pumunta sa sala at pinaikot ko ang aking tingin sa sulok, sa dingding, at sa mesa upang
maghanap ng papel.
3
“Maawa ka, Abi, humingi ka ng kahit ano, huwag lang yan. Ayaw ko niyan, ayaw ko.”
Sa wakas, may nakita akong butas na napakaliit, ngunit di na bale, magsisilbi na rin ito.
Nasilip ko si Manang Merin na nakaupo sa gilid ng kama. Katabi niya ang lalake. Nakaupo
silang dikit na dikit. Nakayuko si Manang Merin. Ang mama’y waring nakayuko rin, ngunit
nakatingin kay Manang. Sobrang lapit ang mukha ng mama kay Manang Merin, halos singhutin
na ang mukha ni Manang Merin.
“Kung gayon, bakit ayaw mong pumayag sa hinihiling ko? Kung tunay mo akong iniibig
mararamdaman mong ako’y masasaktan kung di mo ibibigay ang aking hinihingi. Matitiis ba ng
tunay na umiibig ang mahal niyang nababalisa? Merin kanino ka ba nakikipag-usap?”
“Totoong di ko matiis ang makita kang nababalisa, Abi, unawain mo rin sana ako.”
Sumakit na ang mga binti at leeg ko sa katitiyad upang masilip ko ang nangyayari
kaya’t nagpahinga muna ako. Medyo naiinis na ako sa pakikinig sa kanila. Ano ba ang hinihingi
ng mama at tila napakaramot naman itong si Manang Merin na ayaw ibigay ang hinihingi nito?
Tumiyad muli ako upang maabot ang butas. Nasilip ko muli si Manang Merin na
nakaupo pa rin sa gilid ng kama at ang taong humihingi ng ewan ko kung ano kay Manang. At
nakita kong nakayuko rin ngunit nakatingin kay Manang Merin at halos singhutin ng tao ang
mukha ni Manang Merin.
Nakita kong biglang tumindig ang tao, nanlisik ang mga mata, sumimangot, at
gumalaw-galaw ang panga habang nakatitig kay Manang Merin.
4
“Papayag ka ba o hindi? Dapat mong malaman, Merin, na hindi ako pumasok sa
trabaho ngayon dahil sa iyong sulat na nagsasabing kailangan tayong magkita upang mapawi
ang kalungkutang bunga ng matagal na nating di pagkikita. Dahil ayaw kong maghinanakit ka
sa akin, dahil sa malaki kong pag-ibig sa iyo, at dahil nasasabik na rin ako sa iyo, nagmadali
akong pumarito upang tumupad sa iyong kahilingan. Ngayong narito na ako, ang puso ko
naman ang humihiling sa iyo. Ngunit nagmamatigas ka, nagpapahiwatig na di mo
maramdaman ang nadarama ko para sa iyo. Sana’y hindi na ako pumarito… Bueno, hindi na
ako magtatagal. Magpakabuti ka sana. Aalis na ako, Mer, at maraming salamat na lang.”
“Abi!”
“Hinding-hindi.”
“Isinusumpa mo?”
At saka ko narinig ang pagtawag sa akin ni Arsenio. Nasaan raw ako, naiinip na raw siya,
sabik na sabik na raw siyang kumain ng buko. Sinagot ko si Arsenio sa aking sarili na loko-loko ba
siya, bakit siya magsasabing sabik na sabik na siya sa buko, baka marinig siya ni Manang Merin
at mapagalitan tuloy ako, baka di na kami makakain ng buko.
Tinawag muli ako ni Arsenio, napakatagal ko raw, naiinip na siya sa akin. Dahan-dahan
akong bumalik sa komedor, tumuloy sa kusina at lumabas sa pintuan sa likuran.
5
Tumakbo si Arsenio sa likod sa may kulungan ng baboy kung saan naroon ang
maraming puno ng saging.
Bumalik siyang dala-dala ang dahon ng saging. Maya-maya, nasa puno na kami ng
niyog malapit sa balon, at niyaya ko si Arseniong umakyat kaagad sa puno. Sumunod si Arsenio
at nang makarating na siya sa itaas, sinigawan ko siya, “Ang kunin mo ay ang bukong mala-
sipon, Bay Nyong, ha?”
Si Arsenio pa rin ang nagbiyak ng buko. Ang matalas na itak pa naman ni Tatay ang
ginamit. Ayaw na ayaw ipagamit ni Tatay ang kanyang itak at baka mapurol daw, ngunit dahil
nasa bukid siya, ginamit na rin namin. Tinapyas ni Arsenio ang unang buko at pinabayaan
naming masayang ang katas nito. Hinati at kinayod namin ang laman. Nagbiyak si Arsenio ng
isa pa, ngunit ngayon, sinahod na namin ang katas sa naunang biyak. Nang maubos hinati muli
naming, kinayod ang laman at saka namin dinagdag sa unang kinayod. Hinaluan namin ng
asukal bago naming kinain.
“Ewan kung ano iyon, basta may hinihingi ang tao ngunit ayaw naman ibigay ni
Manang.”
“Aw!”
6
“Bay Nyong, halika, pasukin natin sa kuwarto at tanungin natin ang tao kung ano ang
ginawa niya kay Manang Merin. Makakatikim talaga ang taong iyan kay Manoy Boloy.
Ipasusuntok ko siya.”
Nanlaki ang mga mata ng tao nang Makita kami sa pintuan. Napatingala si Manang
Merin.
“Wala naman, Tik. Kuwan, e, binalitaan niya kasi ako na namatay na raw si Purita.”
Sagot ni Manang Merin sabay ang tingin sa tao at pinilit ang isang tawa.
“Aw, akala ko kung naano ka na. Halika, Bay Nyong, magturumpo uli tayo.”
“Mabuti pa nga, Bay Tik, ako naman ang bibiyak ng iyong turumpo.”
“Aalis na ako. Hala, maglaro kayo diyan,” paalam ng tao at lumakad na.
“Naku, Bay Nyong, siguradong makukuba ang taong iyan kung susuntukin ni Manoy
Boloy!”