Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buhay na Diwa ng Kasaysayan

Bukang-liwayway. Gising na si haring araw. Gising na ang mga tao. Pero tila ito ay walang
pinagkaiba sa iba pang dumaan. Iniunat ko ang aking mga sanga, sabay yugyug sa mga tangkay at dahon
upang maalis ang mga hamog na dala ng nakalipas na gabi.

Tanaw ko ang mga kabataang ginigising ng kanilang ina. Hay naku! Puyat yan sa telebisyon o
kaya’y sa social media tutok maghapon. Yinuyugyug at hinihila pa upang mapamulat at mapabangon sa
kama. Nakakatawang isipin na mulat nga ang mga mata nila pero hindi ang diwa, hindi ang kanilang
pagkatao, hindi ang kanilang puso.

Ayun! Tumatakbo na si Nene, patungo sa mga kaklase. Pupunta sila ng paaralan, bibigyan ng
kaalaman, sinusubuan at pinangunguya ng sandamakmak na impormasyon, pero sa huli walang nakuha
sa leksyon kasi nandun kay crush ang atensyon.

Ito naman si Mang Doming, dala ang manok pang-tari. Dadalo ito sa pista sa kabilang bayan para
makisali sa umaatikabong bakbakan sa sabungan. Pero kumusta ang mga anak? Hayun sa health center
nakahilata, puro may sakit at may anemia pero tatay nila sa tari parang may alipunga.

Ilang siglo na ang dumaan, ilang ikot na ng planeta ang lumipas, di mabilang na umaga at gabi
ang natapos ngunit ang problema nila noon ay problema pa rin ngayon at tila hindi man lang nauupos.

Talagang mahilig sila sumabay sa uso ano? Uso noon ang uso pa rin ngayon, kahirapan isang
sakit na sa halip solusyunan ay hinayaaan lamang. Ang henerasyon ngayon ay sadlak sa kamangmangan.
Hindi alam limitasyon sa bawat bagay, kung ano ang dapat mauna’t mahuli at hindi alam kung ano ang
mas importante.

Ang mga kabataan na sa halip ay magpatibay ng mga palapag ng lipunan iba ang
pinagkakaabalahan. Mga tao ‘y ulong sa bisyo’t wala sa wisyo. Ilan lamang iyan sa mga walang
kamatayang usong kaganapan sa lipunan. Hanggang saan tayo ihahatid ng sitwasyong ito? Anong k
laseng kapalaran ang kahahantungan natin sa dulo? Ilang generasyon na ba ang nagdusa? Hahayaan mo
bang madagdagan pa? Wala pa ba tayo sa sukdulan?

Kailan masisimulan ang bagong yugto? Kailan magkakabuo ng tulay at koneksyon sa tunay na
pagbabago?

Ako’y isang kahoy na buhay na saksi, mulat at humihinga sa nakakasulasok na takbo ng lipunan.
Sa aking katawan bakas ang kasaysayan, sa aking ugat dumadaloy mga alaala ng bayang ito. Ako’y isang
tagapanood sa isang tanghalan, at kayo ang tagapagtanghal. Anong klaseng wakas ang handog ninyo?
Ito’y aabangan ko.

You might also like