Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PROYEKTO SA

FILIPINO
Grade 10- Coral

Mga Kasapi :
Baton, Loel Jay E. Naig, Emilou A.

Cabahug, Shierwel M. Ocay, Anabelle A.

Casaña, Paulvin Gene Jake B. Paitan, Ronamae B.

Comendador, Clark R. Pescante, Angela Joy A.

Cueme Jr, Aterlevi D. Sabroso, Cecil F.

De Asis, Carcel A.

Isinumite kay :
Bb. Julianne Jane C. Diongson
Guro sa Filipino
TALAAN NG NILALAMAN

 Mga Larawan ng Aktibidad

 Mga Panitikan : Panitikan ng Mediterranean - ni Aterlevi D. Cueme

Panitikan ng South Amerika -ni Shierwel M. Cabahug

Panitikan ng Bansang Kanluranin -ni Loel Jay E. Baton

Panitikan ng Africa at Persia -ni Carcel A. De Asis

 Sanaysay : Kahalagahan ng Wikang Filipino

 Anekdota : Ang Magka-ibigan - ni Ronamae B. Paitan

 Maikling Kwento : Mayroong Aso Inay –ni Angela Joy A. Pescante

 Tula : Kinabukasang Maliwanag -ni Anabelle A. Ocay

 10 matatalinghagang salita

 Antas ng Wika

 Pagsusuri sa El Filibusterismo

 Pagsasanay 1-5

 Attendance
MGA LARAWAN NG AKTIBIDAD
MGA PANITIKAN

Panitikan ng Mediterranean
Ang Panitikang Mediterranean ay ang naging batayan ng lahat
ng panitikan sa buong mundo. Maraming bagay ang nagmula dito tulad ng
Cuneiform, ang unang paraan ng pagsusulat; kalendaryo na nakabatay sa kilos
ng buwan; at ang paggawa ng unang mapa. Karagdagan sa kanilang mga
ambag ay ang Kodigo ni Hammurabi, na naglalaman ng 282 na batas. Dito rin
nagmula ang monoteismo, ang paniniwala sa iisang diyos at ang Zoroastrianism
na relihiyong itinatag ni Zoroaster. Ang mga taga-Mediterranean ay naging
tanyag sa kanilang pagiging malikhain at pagiging mahusay sa iba’t-ibang
gawain. Dahil sa lokasyon nila, ang kanilang pangunahing pamumuhay ay
nakasalalay sa agrikultura. Ang Panitikang Mediterranean ay lumaganap sa
iba’t-ibang parte ng mundo. Mula sa simbolong larawan, na naging likhang-
sining, hanggang sa naging panitikan, maraming akda mula Mediterranean ang
tumatak sa mga tao.

Panitikan ng South America


Ang kultura at panitikan ng Timog Amerika ay binubuo ng
maraming sari-saring mga kaugaliang pangkultura. Kinabibilangan ito ng mga
kulturang katutubo na nakagawian ng mga taong naninirahan sa mga kontinente
bago pa man ang pagdating ng mga Eurepeo. Ilan dito ay may kinalaman sa
Relihiyon, Wika, Musika, Sining at Pagkain.
Panitikan ng Bansang Kanluranin
Ang Panitikang kanluranin ay tumutukoy sa panitikan na isinulat
sa mga wikang Europeo kasama ang mga nakapaloob sa mga Wikang Indo-
Europeo at ang ilang mga kaugnay na wika ayon sa heograpiya at kasaysayan
katulad ng Wikang Basque, Wikang Unggaryo. Itinuturing na isa sa
pinakamahalagang elemento ng Kabihasnang kanluranin ang panitikang
kanluranin.

Panitikan ng Africa At Persia


Ang Africa ay kilala bilang pangalawa sa pinaka malaking
kontinenrte sa buong mundo. Kilala sila sa mayamn na kultura at sining. Sila ay
nagkaksiyahan sa pamamagitan ng pagkukwento sa mga bata. Malaki rin ang
naiambag nila dahil sa kanila nagsimula ang panitikang mito.
Ang Persia naman ay kilala dahil halos lahat ng mga nakatira rito ay
muslim. Dahil sa galing nila ay malaki ang kanilng naiambag sa mundo. Sa
kanila nagmula ang panitikang Epiko.
SANAYSAY

Kahalagahan ng Wikang Filipino

ni – Cecil F. Sabroso

Ang wika ay ang pinakamagandang regalo satin ng Maykapal.Ito ang tanging


kasangkapan natin sa pakikipag-ugnayan sa kapwa tao.Ang wika ay isang bahagi ng ating
pakikipagtalastasan at ito rin ay ang kalipunan ng mga simbolo,tunog,at mga batas kaugnay
nito upang maipahayag ang nais.At dahil dito sating wika ay nakakatulong ito na para narin
magkaroon tayo ng magandang unawaan,ugnayan at mabuting pagsasamahan ng bawat
isa sa ating mga Pilipino.

Tuwing Agosto ay ipinagdiriwang ang Wikang Filipino.Bilang mga mamamayang


Pilipino isa rin tayo na magdiriwang nito. At bumabalik tanaw tayo sa ating mga kasaysayan
na kung paano nabuo ang Wikang Filipino.Maraming mga gawain ang bawat paaralan sa
pagdiriwang.May ibat-ibang patimpalak,isa na rito ang tula,paggawa ng
sanaysay,pagsayaw, pagkanta,pakikipagtalastasan at iba pa. Sa buwang ito mas
maintindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng Wikang Filipino.Hindi lamang sa
buwan ng Agosto magdiriwang kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin ang ating wika
bawat segundo,minuto at araw sating buhay.

Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino na kung


sino,ano,at meron sila.Kapag ang isang tao ay gumagamit ng Wikang Filipino,ibig sabihin
isa siyang Pilipino. At sabi nga ni Dr.Jose P. Rizal,"Ang hindi marunong magmahal sa
sariling wika ay higit pa sa malansang isda".Kaya dapat tayong mga Pilipino ay
kinakailangan na pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso,hindi
lamang sa salita kundi sa gawa.Mahalaga talaga ang Wikang Filipino sa kasalukuyan dahil
nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Dapat
protektahan,ipagtanggol ito,mahalin at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating
Wikang Filipino.At nawa'y ating gamitin ng wasto ang ating sariling Wikang Filipino.
ANEKDOTA
ni – Roname B. Paitan

Pagkakaalis ni Rosemarie ay nagtaka kaming lahat. Mga ilang linggo ring walang
presensiya ni Rosemarie ang limilitaw kaya laking taka ko kung bakit nagkaganoon si Rosemarie. Alam na
na alam ko ang ugali ni Rosemarie ngnunit bakit para siyang umiiwas samin.... Isang araw habang
tumatakbo kami ni Rhea paytungo sa kanilang bahay ay nabunggo niya si Rosemarie. Rosemarie,namiss
kita saan kaba nagpupunta at di ka namin nakakasabay at nakikita sa labas.'' Gulat at masaya kami ni
Rhea na nakita na namin si Rosemarie. ''Sorry Rona at Rhea, may kailangan pa akong tapusin na gawain.''
Pangangatuwiran ni Rosemarie upang makaiwas samin ni Rhea.Gumilid kami upang makadaan si
Rosemarie.

Ikwenento ni Rhea ang tungkol sa nangyari sa iba pa naming kaibigan at ganoon din ang
kanilang naging reaksiyon . Nagpalamig mna kaming magkakaibigan ng isang Linggo. Nag-aabang kami
sa Gate ng subdivision kung saan namin pwedeng makita si Rosemarie at ilang saglit pa ay lumabas na ito
habang nakatulala. Hinila ni Mary ang kamay na nito at dinala sa pwesto namin. ''Rosemarie” ! Mag-usap
nga tayo.'' Bulgaw ni Rena kay Rosemarie. ''Rosemarie ano bang problema? kung meron. pwede naman
nating pagusapan.'' Pakiusap ni Angel. ''Rosemarie wag mo naman kaming iwasan oh.'' Pakiusap ni
Rhea.''Ano bang problema?Matutulungan ka naman namin diba?''Galit kasi ako sa papa ko dahil lagi na
lang siyang galit samin ni mama at pingalitan niya ako dahil sa sobrang baba ng grade ko tsaka tigilan ko
na raw ang pakikipagbarkada sa inyo'' paliwanag niya samin. Pasensiya na ulit pati kayo nadamay sa galit
ko sa papa ko. At pasensiya na ulit di ko na ulit yung gagawin.'' Rosemarie. pwede naman nating pag-
usapan yun, tsaka di mo namin kami kailangang iwasan, sa totoo lang pwede ka rin naman naming
damayan sa problema mo. Paliwanag ko kay Rosemarie na nanahimik. ''Pasensiya na talaga. Nadamay
patuloy ang pagkakaibigan nating dahil sakin.'' Pagpapasensiya ulit ni Rosemarie sa mga kaibigan .''Oo na
Rosemarie. pero wag muanang gagawainulit yun ha. Oh pano ba yan tara na.'' pag-aaya ni Mary samin.
''TARA NA ! '' sigaw ni Angel tsaka akbay kay Rosemarie at Rhea

"So ganyan kayo, mang iiwan din kayo." Reklamo ni Ana sa amin. "Di wag niyong pansinin yan mabaho
yan eh," Asar ko Kay Ana. "HAHAHAHA....." napuno ng aming ingay ang kalye. "ANG TUNAY NA
PAGKAKAIBIGAN AY DAPAT RIN NATING PAHALAGAHAN AT INGATAN DAHIL SILA RIN ANG
NANDIYAN SA ANUMANG PROBLEMA NG ATING KINAKAHARAP”.

GINTONG ARAL:
MAIKLING KWENTO

ni – Angela Joy A. Pescante

Mag-aalas siyes ng gabi ng nasa harap ng bahay ni Mrs. Chavarria si Careen. Inutusan kasi siya ng
area director nila sa ministry upang hingin ang perang sinulicit nila para sa summer camp. Bigla na lamang siyang
kinalabutan ng Makita niya ang mga alagang aso ni Mrs. Chavarria. May karanasan kasi siya noon na parating
bumabalik sa kanyang isipan kapag nakakita siya ng mga aso. Ito’y nakakatakot ngunit nakakatawang karanasan.

Nasa unang baitang ng elementarya ng maranasan niya ang nakakatawang pangyayaring iyon.
Umaga noon ng inutusan siya ng kanyang nanay na bumili ng pansit sa tindahan ni aling Gloria. Oi, Carren.. bumili
ka nga ng pansit ng makakain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwela. “ ang utos ng kanyang nanay.’’ Opo nay.. “
sagot naman ni Careen.” Kakatapos lamang niyang maligo noon at nakasuot na rin siya ng damit pang eskwela. O,
hayan ang sampung piso dalian mo ang kilos.” Wika ng ina” Nang makalabas siya ng bahay ay nakakita siya ng
grupo ng mga aso sa kalsada. “Aw, aw, aw, aw , aw…. Wikang patahol ni Carren…. Animo’y tinatawag niya ang mga
hayop yon pala ay inaasar niya ito. Dumukot siya ng bato at pinagbabato ang mga hayop. Hahahaha… Sabay ng
kanyang malakas na pagtawa. Nakarating siya sa tindahan ni Aling Gloria at doon ay bumili ng pansit. Sa daan
patungo sa kanyang pag-uwi ay naroon pa rin ang mga asong tila naghihintay sa kanya. Natatandaan marahil ng
mga aso ang ginawang pang aasar at pambabato ng bata. Grrrr!,, aw! Aw! Aw! Aw!... Ang malakas na pagtahol ng
mga aso. Nagtapang tapangan si Carren.. Sabi n’ya sa sarili “ akala n’yo natatakot ako sa inyo ha.. Makakatawid ako
pa rin ako sa inyo. Subalit ang mga aso ay tila nagngingitngit sa kanya. Naririnig niyang tumutunog ang ngipin ng
mga aso na tila handa ng kumain sa kanya. Huhuhuh.. Lagot na.

Tumutulo na ang pawis sa kanyang mga pisngi. Subalit ayaw niyang papatinag sa mga hayop.
Akala niyo takot ako sa inyo ha.. “mayabang na salita ni Careen”. Galit na yata sa akin ang mga ito.. Tatakbo na lang
ako. “Bulong niya sa sarili.’ Uno, Dos, Tres.. Ilang Segundo lang ay kumarip[as na siya ng takbo patungo sa kanilang
bahay. Subalit hinahabol naman siya ng mga aso. Pansin niyang mas mabilis ang takbo ng mga aso kayasa sa
kanya. Upang hindi siya maabutan ay iniwan na niya ang suot na tsinelas para walang sagabal sa pagtakbo. Sa tindi
ng takot ay napasigaw siya. Inay! Inay! Inay!.. may aso po.. may aso po.. Nakarating na siya ng bahay at sigaw pa rin
siya ng sigaw. Nakasirado kasi ang pinto ng bahay nila. Takok siya ng katok. Talon ng talon… Sigaw ng sigaw.. Inay
may aso po.. Subalit hindi naman siya mabuksan agad ng kanyang ina dahil may ginagawa pa ito sa kusina. Naku!
Malapit na sa akin ang mga aso. Huhuhu.. Napaiyak na siya ng hindi pa rin nabuksan ng kanyang ina ang pinto.
Dahil doon ay iniwan na lamang niya ang ulam sa harap ng pinto ng kanilang bahay sabay kumaripas muli ng takbo.
O Careen, bakit? “Wika ng kanyang ina.” Subalit nakaalis na siya ng mabuksan nito ang pinto. Takbo siya ng takbo.
Ayaw pa rin siyang tantanan ng mga aso. Hangang sa makarating sa palayan ni Mang Tandoy. Dahil sa maputik at
basa ang lupa ay nadulas siya.

Tuloy-tuloy hanggang sa putikan. Mabuti na lang at kumalma ang mga aso na humahabol sa kanya.
At umalis din ang mga ito pagkaraan ng ilang sandali. Natawa ang kanyang ina sa pangyayari. Habang iyak naman
siya ng iyak sa takot na kansayang sinapit. Pag ahon niya ay nakita niya na naiwan ang hulma ng kanyang katawan
sa tubigan. Natawa pati mga kapitbahay niya sa nakita. Para kasi siyang zombie na umahon mula sa hukay sa
kanyang hitsura na puno ng maitim na putik.Umalis na lamang siya p-agkatapos ng pangyayari. Nabaling na lamang
ang kanyang isip mula sa pag-alala sa nakraan ng tinapik ang kanyang balikat ng binatang anak ni Mrs. Chavarria.
Si Andel. Crush niya ito. Kaya bigla na lamang nawala ang takot nito dahil sa tamis ng ngiti ng binata sa kanya.
TULA
ILALARAWAN ANG KINABUKASAN
ni – Anabelle A. Ocay

Mga pangarap ay makakamit


Kung papel at lapis ang gamit
Kadiliman ng ngayon ay mawawakasan
Ganiyan ko ilalarawan ang aking kinabukasan

Ang ginagalawan mo ay moderno


Ngunit huwag naman sanang kalimutan ang kwaderno
Sa isang kislap maaaring bumagsak
Sa isang kislap maaaring lumagpak

Ayusin mo na ngayon palang


Upang sa bukas ay walang kulang
Isang magandang mundo
Ganyan ko ilalarawan ang kinabukasan ko
10 MATATALINGHAGANG SALITA

 ahas-bahay - masamang kasambahay

 pabalat bunga - paimbabaw

 likaw na bituka - kaliit-liitang lihim

 mapaglubid ng buhangin - sinungaling

 kisap mata - iglap ; mabilis

 may sinasabi - mayaman ,may ipagmamalaki

 isang tuka isang kahig - mahirap

 maykaya - mayaman

 bulanggugo - galante

 buwayang lubod - taksil


ANTAS NG WIKA

PAMPANITIKAN PAMBANSA LALAWIGANIN KOLOKYAL BALBAL

Ilaw ng tahanan Ina Inahan ‘nay ermats

Haligi ng Ama Amahan ‘tay erpats


tahanan

Nasiraan ng baliw buang sira topak


bait

Salapi pera kwarta ‘wart Dots

Marikit maganda gwapa ‘ganda gwaps

Bunga ng pag- sanggol bata ‘nak nakshie


ibig

Kapusod kapatid igsuon ‘tol utol


PAGSUSURI

You might also like