Preparasyon Sa Bagyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Preparasyon sa bagyo

Bago pa dumating ang bagyo, mainam na nakahanda na ang


lahat ng kailangan para mga maaaring maging epekto nito gaya
ng baha, aksidente, at sakit.
Siguraduhing mayroong emergency at first aid kits sa inyong
tahanan. Wag kalimutang isama rito ang flashlight, batteries,
pito, at mga gamot gaya ng RiteMED Sodium Ascorbate at
RiteMED Paramax.
Para sa mga taong nakatira sa bahaing lugar, siguraduhing
maganda ang kondisyon ng mga haligi, bubong, dingding,
bintana, at iba pang bahagi ng bahay. Bago pa man dumating
ang bagyo, palakasin ang pundasyon ng iyong tirahan kung kinakailangan, upang hindi ito masira ng
malakas na hangin at flash flood.

Mga payo kapag bumabagyo

Huwag lalabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Tandaan na kaya ng malakas na bagyo tangayin ang
yero, at iba pang matigas na bagay. Bago inumin ang naimbak na tubig, pakuluan muna ito nang hindi
bababa ng 20 minuto upang makasigurado sa kalinisan nito. Mag-rasyon ng tubig at pagkain nang
maayos para tumagal ang iyong supply.

Iwasan ang paglusong sa baha, maliban na lamang kung kailangang lumikas, upang maibsan ang
panganib ng leptospirosis, pagkalunod, at pagkahulog sa mga open manhole. Makinig sa radyo upang
malaman ang taya ng panahon, flood alert, at kung saan ang pinakamalapit na evacuation center.
Gamitin naman ang cellphone kung kailangan mo ng tulong sa paglikas, lalo na kung stranded ka sa
loob ng iyong tahanan. Kung kaya, ilagay ang mga mamahaling bagay sa mataas na lugar. Baka sakaling
maligtas pa ang mga ito kung biglang humupa ang baha.

Kung kinakailangang lumusong sa tubig baha, balutin ang mga sugat at magsuot ng damit na taktakpan
ang mga ito nang husto. Mahirap nang sumugal sa mikrobyo ng leptospirosis, na galing sa ihi ng daga,
at iba pang karamdaman. Gamitin ang bangka o salbabida kung mataas ang tubig.

Mga dapat gawin pagkatapos ng bagyo

Hindi nangangahulugang wala nang panganib kapag lumabas na ang bagyo sa bansa. Dapat maging
alerto sa mga poste at electric wires na nahulog, lalo na kung hindi pa tuluyang nawawala ang baha sa
iyong lugar. Tingnan ang iyong listahan ng emergency numbers at i-report sa pulis o sa NDRRMC
upang maalis ang mga ito nang maayos. Mag-ingat din sa mga ahas na maaaring tinangay ng tubig baha
papunta sa iyong tahanan.

Nakakapanghinang makita ang isang tahanang sinira ng bagyo. Marami pa ang kailangang gawin at
gampananan bago maayos ang nasirang ari-arian at tuluyang makabalik sa normal na pamumuhay.
Ngunit, sa pagkakataong ito, maaari mong makasalamuha ang iyong mga kapamilya habang tinatayo
ang mga nawasak na haligi ng bahay. Ang inyong maitataguyod ay hindi lamang maayos na tahanan,
pati na rin ang isang matatag at masayang pamilya. May bagong pag-asa pagkatapos ng unos.

You might also like