Desiderata

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Desiderata

Humayo kang mahinahon sa gitna ng ingay at pagdudumali,


at tandaang may kapayapaan sa katahimikan.
Hangga’t maaari, bagama’t hindi sumusuko
Magkaroon ng mabuting pakikitungo sa lahat ng mga tao
Sabihin ang katotohanan nang tahimik at malinaw; at pakinggan
ang kapwa tao, kahit na yaong mahina ang isip at mangmang
sila’y mayroon din naming maisasalaysay.
Iwasan ang mga taong maingay at mapanlaban.
Sila ay nakakasira ng kasiglahan ng diwa
Kapag ihahambing mo ang iyong sarili sa iba ikaw ay
magiging palalo at makararamdam ng kagipitan,
sapagka’t walang salang may mga nilalang na higit na mapalad
kaysa sa iyo at mayroon ding lalong kulang- palad.
Matuwa ka sa iyong mga tagumpay at sa iyong mga binabalak.
Laging magkaroon ngg malasakit sa iyong tungkulin,
maging ito man ay hamak,
ito’y isang tunay na ari-arian na nagbabagong kapalarang dulot ng
panahon.
Maging maingat sa pakikipagkalakaran, sapagka’t ang mundo’y
tigib ng panlilinlang. Ngunit huwag maging bulag sa mga
kabutihan; maraming taong may marangal na mithiin at saan man
ang buhay ay puno ng kabayanihan.
Maging matapat sa sarili. Higit pa rito, huwag magbalatkayo
sa pagmamahal. Huwag ding maging mapagalinlangan sa pag-ibig
sapagka’t sa kabila ng mga kawalang-sigla at kabiguan,
mananatili pa rin ito tulad ng damo. Pakinggan ang payo ng
nakatatanda, maluwag sa puso na isuko ang siakbo ng kabataa
Luminang ng lakas ng loob na magiging pananggalang mo
sa mga di- inaasahang hilahil.
Ngunit huwag magkimkim ng ligalig sa iyong guni-guni.
Maraming pangamba ang bunga lamang ng kapaguran
at pamamanglaw.
Sa ibabaw ng sapat na pagtitimpi, maging mabait.
Ikaw ay supling ng sansinukob, gaya rin ng mga punong kahoy
at mga bituin; may karapatan ka sa daigdig.
Maging malinaw man o hindi sa iyo, tiyak na ang daigdig ay
namumukadkad sa iyo tulad ng inaasahan.
Kaya mabuhay ng payapa ayon sa kalooban ng Diyos
ano man ang pagkikilala mo sa Kanya,
ano man ang iyong mga mithiin,
sa nakalilitong kaguluhan sa buhay,
PAIRALIN ANG KAPAYAPAAN SA IYONG KALULUWA.
sa kabila ng mga pagkukunwari, kabagutan,
at mga bigong pangarap, maganda pa rin ang daigdig.
Magpakaingat. Sikaping maging maligaya.

You might also like