Professional Documents
Culture Documents
Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo
Emilio Aguinaldo
Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 12, 1898 - Marso 23, 1901Tala sa Kasaysayan:
Mga Nagawa at Programa na Naipatupad o Itinanghal na “Cabeza de Barangay” sa gulang na 17. o Sa
edad na 26 ay nahalal bilang “Capitan Municipal” na ang katumbas ng posisyon ay Gobyernadorcillo. o
Sumapi sa samahang Masonry (na kinabibilangan rin ni Jose Rizal, Apolinario Mabini, Juan Luna, Marcelo
del Pilar at Graciano Lopez Jaena) sa layuning mapabuti ang kalagayan ng bayan. o Siya ang kusang
nagsadya kay Andres Bonifacio upang sumanib sa Katipunan. o Pinuno ng pangkat Magdalo ng
Katipunan sa Cavite. o Pinangunahan ang kanyang mga lawal sa pagkakapanalo sa mga labanan ng
Kawit, Imus at Binakayan sa Cavite. o o Pangulo ng Pamahalaang rebolusyonaryo, Kapulungang Tejeros.
o Sumang-ayon sa kasunduan sa “pact of Biak-na-Bato” na nilagdaan nya noong Disyembre 14, 1897
dahil sa paniwalang hindi na mapagtatagumpayan ang digmaan. o Pumayag sa kusang loob na
pagkakatapon sa Hongkong kapalit ng bayad-pinsala (sinasabing P 400,000.00) na ginamit nman nya sa
pagbili ng mga armas na inilaan sa pagbabalik sa bansa. o Sa pagsiklab ng digmaang Estados Unidos at
Espanya noong Abril 1898 ay nakipagkasundo kina Commodore George Dewey ay U.S. Consul Pratt na
pagsanibin ang Hukbong Amerikano at Pilipino laban sa mga Kastila. o Nagbalik sa bansa noong Mayo
19, 1898 at iprinoklama ang kasarinlan nito noong Hunyo 12, 1898. o Si Emilio Aguinaldo mismo ang
nagdisenyo sa bandila ng Pilipinas na iwinagayway sa balkonahe ng kanyang bahay sa Kawit, Cavite
noong Hunyo 12, 1898. o Pinanguluhan ang Pamahalaang Rebolusyunaryo makaraang buuin ang
Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at konstitusyon nito noong Enero 21, 1899. o Naglaho
ang pangarap ni Emilio Aguinaldo na makapagsarili at mapalaya ang bansa sa kamay ng mga Amerkano
nang madakip ni Heneral Frederick Funston at ng mga tauhan nito sa Palanan, Isabela noong Marso 23,
1901. o Napilitang manumpa ng Katapatan sa pamahalaang Amerkano noong Abril, 1901. o Nagretiro sa
pagiging pangkaraniwang mamamayan makaraang maitatag ang pamahalaang kolonyal ng Amerika. o
Tumakbo bilang pangulo sa isang halalang pampanguluhan noong 1935 ngunit natalo siya ni Manuel L.
Quezon. o Nagtatag ng Asociacion de los Veteranos de la Revolucion, isang samahan ng mga lumalaban
sa mga Kastila at mga Amerikano upang magkamit ng benepisyo.
2. Manuel L. Quezon
3. Jose P. Laurel
Pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas Oktubre 14, 1943 - Agosto 15, 1945Tala sa
Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad o Sa kabila ng pagiging ilustrado at kakayahang
lumikas noong Panahon ng Hapon, pinili niyang harapin ang pagsubok na dumating sa bansa. o Inatasan
ni Pangulong Manuel L. Quezon na makipagkasundo sa mga Hapones sa layuning mailigtas ang mga
kababayan. o Pinaratangang collaborator, taksil sa bayan at maka-Hapon. o Manananggol ng kanyang
amang si Sotero Laurel at naging kagawad rin ng Kongreso sa Malolos sa panahon ng himagsikan. o
Nagtamo ng pangalawang pinakamataas na marka sa Philippine Bar nang kumuha ng pagsusulit. o
Naging propesor nya sa kursong abogasya si U.S. Supreme Court Chief Justice at naging pangulo ng U.S.
Howard Taft. o May-akda ng aklat tungkol sa batas, ang Constitutional Law of the Philippines. o Naging
pansamantalang Chairman ng Constitutional Convention bago nahalal ang naging pangulo nito na si
Claro M. Recto. o Kabilang sa tinaguriang Seven Wise Men na nagsusuri sa ginagawang Saligang Batas. o
Naging Pangalawang Kalihim at nang maglaon ay Kalihim ng Panloob noong 1922. o Naging Katulong na
Mahistrado, Korte Suprema noong 1936. o Namahayag sa kongreso para sa kapakanan ng interes ng
mga Hapon pagbalik galing sa Tokyo Imperial University sa Japan. o o Naging Pangulo ng Japanese
Sponsored Philippine Republic noong panahon ng pananakop ng Hapon. o Ipinadakip ni Heneral Douglas
McArthur sa salang Collaboration kaya ipiniit sa Sugamo Prison malapit sa Tokyo, Japan. o Nilitis kasama
ang ilan pang Pilipinong pinaghinalaang nakipagtulungan sa mga Hapon ng isang Hukuman ng
Taumbayan nang muling maibalik ang pamahalaang Komonwelt. o Nanguna sa dalawampung kandidato
sa pagkasenador sa ilalim ng pamamahala ni Quirino. o Hinirang siya ni Pangulong Magsaysay na
pamunuan ang Economic Mission kung saan nabuo ang Laurel-Langley Agreement, isang kasunduang
pangkalakalan. o Naging Chancellor ng National Teachers College at nagtatag ng National Economic
Development Authority. o Nagtatag ng Lyceum ng Pilipinas sa Intramuros at ng Philippine Banking
Corporation
4. Sergio Osmena
5. Manuel Roxas
6. Elpidio Quirino
Ang Ikaanim ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas Abril 17, 1948 - Disyembre 30, 1953Tala sa
Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad May taguring Arkitekto ng Pambansang
Ekonomiya. Nagtrabaho bilang kawani sa Maynila Police Department upang matustusan ang pag-aaral.
Nagtrabaho sa Kawanihan ng Mga Lupain. Personal na Kalihim ni pangulong Quezon, komisyonado
ng Pilipinas at Senado. Naging kinatawan ng Ilocos Sur sa Pambansang Asembleya. Kinatawan ng
Pilipinas sa International Bar Conference sa Peking, China noong 1921. Dalawang pagkakataong
nahalal na senador (1925 at 1945). Hinirang na maging Kalihim ng Pananalapi noong panahon ni
Pangulong Manuel L. Quezon. Kapanabay ng Kalihim ng Ugnayang Panlabas noong panahon ng
komonwelt. Nanungkulan sa Panguluhan sanhi ng biglang pagkamatay ni Pangulong Roxas noong
1948. Sa panahon niya tinambangan at pinatay ng mga Huk ang dating Unang Ginang Aurora Aragon
Quezon. Napanumbalik ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa sa pagkalupig ng HUKBALAHAP sa
tulong nang itinatalagang Kalihim ng Tanggulan ng bansa na si Ramon Magsaysay. Sa panahon niya
itinatag ang mga Bangko Rural at Bangko Sentral ng Pilipinas
7. Ramon Magsaysay
Ikapitong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1953 - Marso 17, 1957Tala sa
Kasaysayan: Mga Nagawa at Programa na Naipatupad Upang matustusan ang pag aaral ay nagtrabaho
bilang tsuper ng dyipni at mekaniko sa kumpanya ng mga sasakyan na pag aari ng mga Ynagco, naging
superbisor at kalaunan ay naging manager ng sangay nito sa Zambales. Nagboluntaryong maglingkod
sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Umanib kay Tenyente Koronel Thorpe noong 1942, bago pa man
sumuko ang Batan. Hinirang na Military Governor ni Heneral Douglas MacArthur sa Zambales.
Itinatag ang Puwersang Gerilya ng Kanlurang Luzon makaraang bumagsak ang Bataan at Corrigidor sa
kamay ng mga Hapon. Dalawang beses nahalal na Kongresista sa lalawigan ng Zambales. Naging
malaki ang bahagi sa pagkakapasa ng panukalang batas sa pagbibigay benepisyo ng Estados Unidos sa
mga Pilipinong beterano sa digmaan at isa rito ang pagpapatayo ng Veterans Memorial Hospital.
Kalihim ng Kagawaran ng Pambansang Depensa noong 1950. Matagumpay niyang nahikayat ang mga
miyembro ng HUKBALAHAP na sumuko at magbalik sa pamahalaan. Tumanggap ng Man of the Year
Award noong 1951. Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 1953). Binuksan niya ang pinto
ng Malacañang sa taumbayan. Binuo ang President’s Action Committee (PCAC) bilang kanyang linyang
tagapagpatupad ng pagtulong sa masa. Binuksan ang mga pintuan ng Malacañang sa mga karaniwang
tao upang ipahayag ang kanilang mga hinaing at suliranin. Sa ilalim ng kanyang pamumuno binigyan ng
pagkakataong mag-ari ng sariling lupa ang mga magbubukid ayon sa batas ng Land Reform Act of 1955.
Personal na sumuko sa kanya ang Supremo ng mga Huk na si Luis Taruc na naghudyat ng ganap na
katahimikan ng bansa. Tinawag na Kampeon ng Masa. Higit niyang pinalawig ang paggamit ng
Wikang Pambansa at ang pagsusuot ng Barong Tagalog. Ayon kay Magsaysay ay nararapat na
magkaroon ng higit na pagtangkilik ng batas ang mga dukha na salat sa buhay
8. Carlos P. Garcia
Ikawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Marso 18, 1957 - Disyembre 30, 1961Mga Naging
Programa Tinaguriang prinsipe ng Panulaan sa Bisaya at Makata ng Bohol Dalawang taong nagturo sa
Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Bohol Dalawang beses naging Kongresista na kumatawan sa
Silangang Visaya (1941) Naging gobernador ng Bohol mula 1932-1942 Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay sumapi sa Guerila Forces na lumaban sa mga Hapon Nahalal na Pangalawang Pangulo ni
Ramon Magsaysay noong 1953 Naging Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas Nanumpa
bilang pangulo ng Pilipinas makaraan ang Araw ng Kamatayan ng Pangulong Magsaysay sa pagbagsak ng
eroplanong sinasakayan nito noong Marso 18, 1957 Nahalal na pangulo ng Pilipinas sa opisyal na
halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957 Nagpatupad ng patakarang "Pilipuno Muna" na ang
layunin ay tangkilikin ang sariling gawa tulad ng mga produktong Pilipino, Wikang Pilipino, musika, arte,
at lahat ng gawa ng mga Pilipino. Binigyan pansin din ng palatuntunan ang pagbibigay prayoridad sa mga
Pilipino kaysa sa mga banyaga Tinapos ang kasunduang Pagbabayad-pinsala ng Hapon na nagtatakda
ng pagbabayad ng $550 milyon sa Pilipinas ng Hapon sa pinsalang tinamo ng bansa sa digmaan Naging
Pangulo ng 1971-1972 Consitutional Convention Nahalal na pangulo ng Second Constitutional
Convention noong Hulyo 11, 1971
9. Diosdado Macapagal
Ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965Mga
Nagawang Programa Tinangkilik ng pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa
Pamantasan ng Sto. Tomas at naging bar examination topnotcher . Naging miyembro ng Pambansang
Lehislatura mula 1949-1957. Naging katulong na abogado ni Pangulong Manuel Quezon. Naging
propesor sa Unibersidad ng Santo Tomas. Hepe ng Sangay ng Batas, Kagawarang Ugnayang Panlabas,
(1946). Kongresista, unang distrito ng Pampanga, dalawang beses nahalal, (1949-1953) Noong 1951
ay naging tagapangulo ng Delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris at tumutulong sa
negosasyon ng mutual defense treaty sa Estados Unidos at tradadong pangkapayapaan sa Japan.
Katulong na nag-akda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod, Batas
Ukol sa mga Bangko sa Kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais. Tagapangulo:
Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas. Isa sa mga pinarangalan ng Sampung Pinakamahusay ng
Kongresista ng Congressional Press Club, (1947-1957). Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa
pagmamalasakit sa mahihirap. Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso.
Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas
noong 1961. Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng taguring The
Incorruptible. Ipinasa ng Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844) noong
Agosto 8, 1963. Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia), na
hinalinhinan ng ASEAN noong 1963. Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng kalayaan ng Pilipinas mula
Hulyo 4 tungo sa Hunyo 12. Nahalal na tagapangulo ng Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972),
makaraang mamatay si dating Pangulong Carlos P. Garcia. Siya ang nagpasimuno na angkinin ng
Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia.
Ikasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas Disyembre 30, 1965 – Pebrero 25, 1986Mga
Nagawang Programa Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa
buong pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng
riple at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award
dahil sa kanyang Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay Kinatawan Julio
Nalundasan, kalaban sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong
Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na
nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay nakasama sila sa Death March at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng giyera sa
Fort Santiago at Capas, Tarlac. Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng
impormasyon, ika-21 sangay ng USAFFE. Tatlong beses nahalal na kongresista ng Ilocos Norte, (1949,
1953 at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyembro ng kapulungang minorya. Senador
(1959), ang kaunaunahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagkasenador; pinuno ng kapulungang
minorya, pangulo ng senado (1936). Pangulo ng Republika ng Pilipinas, (Nobyembre 1965).
Pinasikat niya ang islogang “Magiging Dakilang Muli ang Bansang ito”. Muling nahalal para sa apat na
taong panahon (1969); ang kauna-unahang muling nahalal sa kapulungann sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice.
Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge.
Sinuspende niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 matapos bombahin ang rally ng
Liberal Party sa Plaza Miranda. Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspende ang 1935 Konstitusyon
(Setyembre 21, 1972). Iprinoklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang
pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar. Sa panahon ng Batas Militar ay
sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring
parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa
pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na pangulo sa anim na taong panahon
makaraang magwakas ang Batas Militar. Tumawag ng isang snap election sa pagkapangulo noong
Pebrero 7, 1986 at nanalo kay Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng
makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986. Tumakas at napatapon sa Hawaii, U.S.A.
Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.
Ikalabing –isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas Pebrero 26, 1986 – Hunyo 30,
1992. Mga Nagawang Programa Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi
ay saka lang siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap Election noong Pebrero 7, 1986. Iniluklok
bilang Pangulo ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa makasaysayang People’s Power na
nagpatalsik kay marcos sa posisyon. Pinanumpa ni Hukom ng Korte Suprema Claudio Teehankee bilang
pangulo ng Pilipinas. Nagpatupad ng rekonsilyasyon at pinalaya ang mga bilanggo ng New People’s
Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines. Nagpabalik ng pampanguluhang
balangkas ng pamahalaan. Nagdaos ng isang pambansang plebisito upang pagtibayin ng bayan ang
mga susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987. Tinanghal na Babae ng Taon ng Time
Magazine. Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao. Napingasan ang
pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya ng uhaw sa paghihiganti kay
Marcos. Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang pamahalaan na
ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989. Nakaranas ng malaking problema at kalimidad sa
panahon niya tulad ng lindol noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis
bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
Fidel Ramos Ikalabindalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1998. Mga
Nagawang Programa Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa digmaang Korea (1950-1953) at
Digmaang Vietnam (1959-1975). Siya ang nagtatag ng Special Forces ng Hukbo ng Pilipinas. Naging
Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayon bilang Philippine National Police o PNP. Hinirang na
Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng limang taon sa administrasyong
Marcos. Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa. Sampung taong
nagsilbi bilang Puno ng Intelligence Services ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Deputy Chief of Staff
para sa Home Defense Activities. Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile, iniurong nila ang
kanilang suporta at nakiisa kay Corazon Aquino at sa People Power Movement noong Pebrero 22, 1986.
Naging Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines noong 1986. Naging kinatawan ng Pilipinas sa
Third ASEAN Conference sa bansang Malaysia noong 1969 at sa Ministerial Conference ng ASEAN sa
Kuala Lumpur. Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense, (Enero, 1988). Pangalawang
Tagapangulo, Pangrehiyong Pagpapaunlad ng Rehiyon 9. Nahalal na Pangulo ng Republika ng
Pilipinas noong 1992. Upang wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo
ang Komisyon sa Pambansang Pagkakaisa. Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at
ng Moro National Liberation Front ni Nur Misuari.
Joseph Estrada Ikalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas Hunyo 30, 1998 – Enero 20, 2001. Mga
Nagawa at Programa Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad na 21 ay nagsimula bilang aktor sa
pelikula noong 1950 at nakagawa ng mahigit sa 120 pelikula. Ginawaran ng Ten Outstanding Young
Men (TOYM) para sa Paglilingkurang Pambayan, iginawad ito ng Philippine Jaycees noong 1972.
Naluklok sa Hall of Fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na karangalan bilang
Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984. Naging
Alkalde ng bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong 1969-1986.
Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987. Pinarangalan bilang isa sa tatlong
Pinakamahusay na Senador ng Taon ng Philippine Free Press Magazine noong 1989. Tagapangulo, Mga
Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural Development at Public Works. Naging
Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-Yaman at Ekolohiya at Pagplaplano ng
Lungsod. Isa sa mga senador na bumoto upang wakasan ang kasunduang Base Militar ng Pilipinas at
Estados Unidos noong 1991. Pinasikat ang islogang “Erap para sa Mahirap”. Nahalal na Pangalawang
Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Tagapangulo ng Presidential Anti-Crime Commission.
Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Napiling maging Gobernador ng
Film Academy of the Philippines. Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa Pilipinas
(PMPPA). Tagapagtatag at Pangulo, ERAP Para sa Mahirap Foundation. Naging Pangulo ng
Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998. Kaunaunahang Pangulo na isinakdal dahil sa
pagmamalabis sa tungkulin dahil sa pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain noong Nobyembre 13,
2000. Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga mamamayan,
pagtalikod ng mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete, paglipat ng suporta ng mga mahahalagang
opisyal ng military sa kanyang kalaban na naging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong
EDSA II. Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso. Kasalukuyang nasa
ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal hanggang siya ay pinatawad ni Pangulong Gloria
Macapagal Arroyo. Siya ay tumakbong muli sa pagka pangulo ng Pilipinas noong Mayo 2010 ngunit
pumangalawa lang siya kay Noynoy Aquino. Pagkatapos ng election, inihayag niya na ibebenta niya ang
kanyang 3,000 metro kwadradong bahay niya sa San Juan sa halagang 300 million pesos para
ipagpatuloy ang kanyang negosyo sa “Real State”. Si Joseph Estrada ay nakapagpatayo na ng dalawang
matataas na condominium at nagbabalak pang magpatayo ng isa.
12. Fidel V. Ramos –
Si Ramos ay ang ika labindalawang pangulo ng Pilipinas noong 1992 laban kay
Miriam Defensor Santiago. Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa
digmaang Korea (1950-1953) at Digmaang Vietnam (1959-1975). Siya ang
nagtatag ng Special Forces ng Hukbo ng Pilipinas. Naging Hepe ng Philippine
Constabulary, na kilala ngayon bilang Philippine National Police o PNP. Hinirang
na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng limang
taon sa administrasyong Marcos. Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin
ay mapaunlad ang bansa. Sampung taong nagsilbi bilang Puno ng Intelligence
Services ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at Deputy Chief of Staff para sa
Home Defense Activities. Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile,
iniurong nila ang kanilang suporta at nakiisa kay Corazon Aquino at sa People
Power Movement noong Pebrero 22, 1986. Naging Chief of Staff, Armed Forces
of the Philippines noong 1986. Naging kinatawan ng Pilipinas sa Third ASEAN
Conference sa bansang Malaysia noong 1969 at sa Ministerial Conference ng
ASEAN sa Kuala Lumpur. Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense,
(Enero, 1988). Pangalawang Tagapangulo, Pangrehiyong Pagpapaunlad ng
Rehiyon 9. Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Upang
wakasan ang paghihimagsik ng rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo ang
Komisyon sa Pambansang Pagkakaisa. Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan
ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front ni Nur Misuar
- Si Estrada ay nahalal maging pangulo taong 1998. Siya ang ika labintatlong
pangulo ng Pilipinas. Bago sumabak ng politika ay sikat na si Estrada bilang artista
sa pinilakang tabing.
Ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas Enero 20, 2001 – June 31, 2010.
Mga Nagawa at Programa Nagturo sa Maryknoll College (Ngayo’y Miriam College), St. Scholastica
College, Ateneo de Manila University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas. Naging
Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption (1984-1987). Naging
Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO), (1989-1998).
Tagapangasiwang Patnugot, Sentro sa Pagpapaunlad ng Ekonomiya ng Pilipinas (PCED), (1994- 1998).
Tagapangulo, UPEcon Foundation, (1994-1998). Noong 1987, siya naatasan ni Cory bilang Pangalawang
Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang Undersecretary pagkatapos
ng dalawang taon. Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela. Pangalawang Kalihim
at Gobernador, Lupon ng mga Pamumuhunan, (1986). Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang
na Assistant Secretary ng Department Trade and Industry noong 1989 hanggang 1992. Nanguna nang
kumandidatong Senadora noong 1992 at 1995. Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social
Welfare and Development sa ilalim ng pamahalaan ni Joseph Estrada. Tinanghal na Outstanding
Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas. Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang “Isa sa
Pinakamakapangyarihang Babae sa Asya”. Pinarangalan din bilang “Woman of the Year” ng Samahan
ng mga Katolikong Guro ng Pilipinas. Inihalal na Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Mayo 11,
1998. Noong Enero 20, 2001, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng
pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay
Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon sa EDSA ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng
Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. Umani ng batikos ang kanyang
pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera
laban sa bansang Iraq. Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy
na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya. Sa ilalim ng
kanyang panungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz at accountant
na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin ang United Nations volunteer na si Angelito Nayan sa
Afghanistan. Hinarap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala ng bagyong Uding, Violeta,
Winnie at Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at
imprastruktura sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija.
Inisa-isa ng Malacañang ang mga nagawa ng administrasyong Duterte sa loob ng 100 araw
mula nang manungkulan ito sa puwesto.
Maliban sa kampanya kontra iligal na droga, ibinida rin ng administrasyon ang usapang
pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng CPP-NPA-NDF.
Kabilang na rin dito ang hakbang ng Department of Agrarian Reform o DAR na namamahagi ng
ekta-ektaryang lupain kabilang na ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka sa ilalim ng
Comprehensive Agrarian Reform Law.