Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mission:

Vision: “The Camarines Norte State College shall provide


higher and advance studies in the fields of
Education, Arts and Sciences, Economics, Health,
“CNSC as a Premier Higher Education Engineering, Finance, Accounting, Business and
Republic of the Philippines Public Administration, Fisheries, Agriculture,
institution in the Bicol Region”.
CAMARINES NORTE STATE COLLEGE Natural resources Development and Management and
ladderized courses. It shall also respond to
COLLEGE OF EDUCATION Researchers, Extension and Production Services
adherent to Progressive Leadership towards
Daet, Camarines Norte Sustainable Development.”

PAGGAWA NG MODYUL AT MGA KATULARANIN NITO


MODYUL
-Kagamitan sa pagtuturo-pagkatuto na buo at ganap sa kanyang sarili
at naglalahad ng mga tiyak na takdang gawain sa isang kaparaanang
sistematiko.
-Ito ay naglalayong makapag-aral ang mga estudyante ng walang
pamamatnubay ng kanilang mga guro.

Bahagi ng Modyul
1.) Pamagat (Title) – ano ang pamagat ng modyul?
2.) Mga mag-aaral na gagamit (Target Learners) – mga mag-aaral sa
silid-aralan, kabataan sa pamayanan o mga hindi nag-aaral o out of
school youth?
3.) Lagom-Pananaw (Overview) – tungkol saan ang modyul?
4.) Layunin (Objectives) – anu-anong mga tiyak na kaalaman,
kakayahan at kasanayan ang inaasintang makamit sa pag-aaral ng
modyul?
5.) Panuto o Instruksyon sa Mag-aaral (Instruction to the Learners)
– paano gagamitin ang buong modyul?
6.) Mga Kakailanganing Kahandaang-Asal (Entry Behavior) – mga
kaalaman at kasanayang dapat malaman ng bata bago gamitin ang modyul.
7.) Paunang Pagsubok (Pre-Test) – pagsussulit base sa mga
kakailanganing kahandaang asal.
8.) Mga Gawain Sa Pagkatuto (Learning Activities) – pinakakatawan ng
modyul.
9.) Mga Tanong na Sasagutin (Questions)
10.) Mga Sagot Sa Tanong (Feedback) – kaagad na isinusunod sa tanong
upang mabatid kaagad ng mag-aaral kung wasto o mali ang kanyang mga
tugon.
11.) Panukatang Sangguniang Pagsusulit (Criterion Post Test) – ang
pangwakas na pantayang pagsususulit ay ibinibigay upang masubok kung
gaano ang natutunan ng mag-aaral.
12.) Mga Sagot sa Panukatang Pagsusulit
13.) Pagpapahalaga (Evaluation) – nakatulong baa ng modyul sa
katuparan ng mga layunin?

ANG KSP O KIT NG SARILING PAGKATUTO ANG SARILING LINANGAN


KIT
(SELF-LEARNING KIT)
KIT SA SARILING PAGKATUTO (KSP)
-Isang uri ng kagamitang pag-aaral na ang layunin ay sariling
pagkatuto sa pamamagitan ng paglalahad ng mga maliliit na hinati-hating
gawain.
-Ang bawat gawain, aralin at mga katanungan ay kasunod kaagad Na
feedback.
-Nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na umunlad ayon sa
pansariling bilis,paraan at antas ng pagkatuto.

Katangian ng Mabuting KSP


1.) May sapat na ikli at sapat nah aba.
2.) May sapat na kahirapan at kadalian
3.) Ginagamitan ng patak at malinaw na pananalita.
4.) May iba`t-ibang uri ng gawain sa pagkatuto. Na batay sa
makatotohanang sitwasyon.
5.) Nagbibigay ng probisyon sa patuloy nap ag-unlad ng mga mag-aaral.
6.) May probisyon sa paggamit ng iba`t-ibang midyang pang-edukasyon at
mga pinagkukunan ng pamayanan o community resourses.
7.) May probisyon ng sistematikong pagtataya.
8.) Matibay ang kayarian na hindi kara-karakang nasisira at malinaw ang
pagkakalimbag.
PINALATUNTUNANG KAGAMITAN SA PAGTUTURO
(PROGRMMED INSTRUCTIONAL MATERIALS)

-Ang pinalatuntunang kagamitan ay kailangan sa pinalatuntunang


pagtuturo na pinakilala sa larangan ng edukasyon nila Skinner, Crowder,
Mager, atbp., subalit kung pakasususriin ay gumamit na ng kaparaanang iti
noon pamang 1800.
-Binibigyang diin ditto ang simulaing bawat indibidwal ay may
sariling bilis sa pagkatuto at maaring Mtuto Khit walang gurong magtuturo.
Sa ganitong paniniwala sinasabing nag-ugat ang KSP na isang uri ng
pinalatuntunang kagamitan.
-Ang pinalatuntunang kagamitan ay isang serye ng mga aralin at
kaalaman na nasa kwadrong pampagtututro (frame) na isinaayos sa isang
lohikal na pagkakabuo.

SKINNEREAN STYLE – ang mga aralin ay binubuo sa paraang linear, nakilala


rin bilang linear style.
CROWDER STYLE – ang mga aralin ay nagsasangga kayat kilala rin ito sa
tawag na branching style.

-Ang pinalatuntunang kagamitan ay nakatutulong din upang matugma ang


ga pagkukulang sa silid-aralan at ng mga gurong magtuturo.
-Nakatutulong din ito sa mga mag-aaral na lumiban sa klase upang
makahabol sa kanilang mga gawain.
Maraming uri ang pinalatuntunang kagamitan. May anyong paaklat at
microfilm slide.

2 BALAKID NA NASASABAT SA PAGPAPAIRAL NG PINALATUNTUNANG KAGAMITAN


1.) Walang sapat na kakayahan ang maraming guro na maghanda ng ganitong
uri ng kagamitan.
2.) Walang sukat na halagang magagamit ang mga paaralan sa paghahanda
nito.
PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG MODYUL, KSP AT PINALATUNTUNANG KAGAMITAN

1.) Halos walang panahon.


2.) May layuning makapagturo ng walang patnubay ng guro.
3.) Nagagamit ng mga mag-aaral sa iba`t-ibang antas ng kagalingan.
4.) Mabisa para sa mga mag-aaral na hindi nakakapasok sa paaralan.
5.) Napaiba lang ng kaunti ang Pinalatuntunang kagamitan dahil
inilalahad nito ang mga gawain sa pakuwadrong paraan samantalang
ang modyul at KSP ay gumagamit ng karaniwang paraan sa paglalahad.
6.) Naiiba rin ng kaunti ang KSP sa modyul at pinalatuntunang kagamitan
dahil sa kanyang pagiging kit.

Inihanda ni:

Basto,Nerissa C.
2nd year KAMFIL

You might also like