Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Tula

Ayon kay Julian Cruz Balmaceda, “ang tula ay isang kaisipan na naglalarawan ng kagandahan at
kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatan na matawag na tula”.

Ayon naman kay Inigo Ed Regalado, “ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit.”

Sinabi naman ni Fernando Monleon mula kay Lord Macaulay na “ang tula ay paggagad- ito‟y lubhang
kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at pagtatanghal - ang kasaklawan ng pagtula ay higit na
malawak kaysa alinmang ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man ang mga iyon.”

Para kay Alejandro G. Abadilla ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell, “ang tula ay kamalayang
nagpapasigasig (heightened consciousness).”

Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng kawalan ngkaalaman sa
pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang magingmalinaw at maipabatid sa
iba ang isang akdang tuluyan. Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring maipaulit
sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at
pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o
saknong.

Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas aymasasabing
karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay
tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid,dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa.
Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ngokasyon ng
kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain atmaging mga
kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y
ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng
panghuhula.Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang
panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan.

You might also like