Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANG-ANGKOP/LIGATURE

Ang pang-angkop o ligatura (Ingles: ligature) ay ang mga kataga, na bahagi ng pananalita, na nag-
uugnay sa panuring (modifier, katulad ng pang-uri at ng pang-abay) at salitang tinuturingan.
Sa ibang salita, ginagamit ang mga ito sa pag-uugnay ng mga salitang naglalarawan at inilalarawan.
Halimbawa nito sa pangungusap ay; "Nasira ang tulay na kawayan.", "May maraming dahong
luntian dito.", "Maraming mga bulaklak sa bakuran niya"

Pang-angkop
Ang pang-angkop ay mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na salita sa pangungusap
upang maging madulas o magaan ang pagbigkas ng mga ito. Ginagamit din ang pang angkop
upang pag-ugnayin ang mga panuring at ang mga salitang binibigyang turing nito.

May tatlong pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na na - Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-
uugnay.
Halimbawa:
Ang malinis na hangin ay ating kailangan.
Ang nauunang salita ay malinis na nagtatapos sa titik s na isang katinig.

2. Pang-angkop ng ng - Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig (a, e,
i, o u).
Halimbawa:
Pinipigil ng malalaking ugat ng mga puno ang baha.
Ang pang-angkop na ng ay idinugtong sa salitang malalaki na nagtatapos
sa titik i na isang patinig.

Ang pang-angkop na -ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod na kung saan ang
naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titik
na n sa hulihan ng salita ay kinakaltas na lamang. Kaya ang pang-angkop na -ng at hindi g ang
ginamit.
Halimbawa:
luntian ng halaman - luntiang halaman
Maraming banging matatarik sa ating bansa.
3. Pang-angkop na g - ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.
Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.

You might also like