Ikaapat Na Markahan Fbruary 18, 2018 PANGULO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin Bilang 3

Pebrero 2018

I. Layunin
A. Natatalakay ang mga pangyayari sa bansa na nagbigay-wakas sa
diktaturang Marcos
B. Naiisa-isa ang mga pangyayaring nagbigay daan sa pagbuo ng People
Power 1
C. Nasisiyasat ang mga programa ng pamahalaan sa pagtugon ng mga hamon
sa pagkabansa ng mga Pilipino
D. Naisa-isa ang mga kontribusyon nina pangulong Corazon Aquino, Fidel
Ramos, at Joseph Estrada na nakapagdulot ng kaunlaran sa lipunan at sa
bansa
E. Nasisiyasat ang mga programa ng pamahalaang Ramos at Estrada sa
pagtugon ng mga hamon sa pagkabansa ng mga Pilipino
II. Paksang Aralin
Pakikibaka tungo sa ganap na kalayaan,
pagtugon sa mga hamon ng pagkabansa
 Krimeng kinasasangkutan ng
mga NPA
 Bagong pangkat ng OFW mula
Kuwait na nakauwi na sa bansa
 Aksyon sa administrasyon sa
isyu ng West Philippine Sea,
kulang ayon kay Biazon
 Libo-libo nagrally sa QC upang
isulong ang Pederalismo
Pagpapahalaga  Paggalang sa kabila ng
pagkakaiba
 Pakikipagtulungan
 Pagkukusa sa paglutas sa mga
suliraning pang-ekonomiya
Mensahe mula sa bibliya 1 Peter 5:2
Be sherpherd of God’s Flock
Alagaan ninyo ang kawan ng Diyos na
iinagkatiwala sa inyo. Iyan ang nais ng
Diyos na gampanan ninyo ang inyong
tungkulin hindi dahil sa kabayaran
kundi dahil gusto ninyong maglingkod
Unang Araw

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Iparining ang awiting Bayan Ko. Sabayan ito ng pagpapakita ng mga
larawan
a. Nang pinatay si Ninoy Aquino
b. Pagdedemonstrasyon ng mga tao sa kalye
c. Pagkaroon ng kaguluhan
d. Snap Election
Bayan ko
Ni Freddie Aguilar

Ang bayan kong Pilipinas


Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag

At sa kanyang yumi at ganda


Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa

CHORUS
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas

Pilipinas kong minumutya


Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya

Ano ang naramdaman mon ang makita ang mga larawan at marinig ang
awit?

B. Pagtatalakay
 Bakit nagkaroon ng snap election?
 Ano ang katangian ng snap election?
 Sa paano isinagawa ng mga mamamayan, simbahang katoliko. Media at
NAMFREL sa pagtataguyod ng malinis at matapat na eleksyon?
 Ano ang ginamit ng slogan ni Corazon Aquino? Ano ang ipinahihiwatig
ng islogang ito?
 Bakit gayon na lamang ang suportang ibinigay ng sambayanang Pilipino
kay Corazon Aquino?
 Ano ang ibig sabihin ng Cuist Disoleedience? Bakit ito inilunsad ni
Corazon Aquino?
C. Paglalahat
Nangyayari pa rin ba ang dayaan sa eleksyon sa kasalukuyan? Ano ang
maaring gawin ng mga mamamayan upang mahinto ang dayaan sa
pamahalaan?
Ikalawang Araw

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Sa pamamagitan ng powerpoint iparining ang lyrics at sabayan ang awiting
Handog ng Pilipinas sa mundo

Handog ng Pilipino sa mundo


Alamid

Di na 'ko papayag mawala ka muli.


'Di na 'ko papayag na muli mabawi,
Ating kalayaan kay tagal natin mithi.
'Di na papayagang mabawi muli.

Magkakapit-bisig libo-libong tao.


Kay sarap palang maging Pilipino.
Sama-sama iisa ang adhikain.
Kelan man 'di na paalipin.

[Refrain:]
Handog ng Pilipino sa mundo,
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat.
(Mag sama-sama tayo, ikaw at ako)

Masdan ang nagaganap sa aming bayan.


Nagkasama ng mahirap at mayaman.
Kapit-bisig madre, pari, at sundalo.
Naging Langit itong bahagi ng mundo.

Huwag muling payagang umiral ang dilim.


Tinig ng bawat tao'y bigyan ng pansin.
Magkakapatid lahat sa Panginoon.
Ito'y lagi nating tatandaan.
(Repeat refrain two times)

Coda:
Mapayapang paraang pagbabago.
Katotohanan, kalayaan, katarungan.
Ay kayang makamit na walang dahas.
Basta't magkaisa tayong lahat!
 Ano ang isinasaad ng awit na handog nating mga Pilipino sa mundo?
 Ayon sa awit, possible bang makamit ang inaasam-asam na
katotohanan, katarungan, at kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang
paraan? Paano?
 Ano ang damdaming naghari sa iyogn puso habang pinakikinggan o
inaawit mo ang kantang ito? Bakit?
B. Pagtatalakay
 Paano naging Angulo si Corazon Aquino?
 Bakit pamahalaang rebolusyonaryo ang itinatag ni Pangulong Aquino?
 Ano ang unang hakbang na ginawa ni Pangulong Aquino nang siya ay
nanungkulan?
 Paano naibalik ang demokrasya sa panahon ng pamamahala ni Corazon
Aquino?
 Paano isinaayos ni Pangulong Corazon Aquino ang pamahalaan?
 Bakit kailangang bumuo ng bagong saligang batas?
 Paano nabuo at nagawa ang konstitusyon ng 1987?
C. Paglalahat
 Anong aral ng People Power Revolution?
 Paano ipinakita ang sakripisyo ng mga Pilipino at ang kahanga-hangang
pagkakaisa sa EDSA revolution?

Ikatlong Araw

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ipakita ang larawan ni Fidel V. Ramos. Anong alam ninyo kay pangulong
Fidel V. Ramos?
B. Pagtatalakay

Industriyalisasyon

Fidel V.
Ramos
Katahimikan ng bansa Asset Privatization Trust

 Paano isinulong ni Pangulong Fidel V. Ramos ang kanyang mga


programa tulad ng industriyalisasyon, katahimikan ng bansa, Asset
privatization?
 Bakit mahalaga ang pagkahahalal ni pangulong Ramos bilang pangulo
ng bansa?
 Ano-ano ag mga nagawa ng pamahalaan ni pangulong Ramos na
nakatulong sa ating ekonomiya?
 Naisakatuparan ba ni pangulong Ramos ang programa? Kung hindi,
bakit? Kung oo, bakit?
C. Paglalahat
Paano makakaapekto ang mga pangunahing suliranin sa ating bansa tulad
ng kidnapping, panghoholdap, krimen, drug addiction at kahirapan sa
pagsulong o pagpapatupad ng programa ni pangulong Ramos?

Ika-apat na araw

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Ipakita ang larawan ni pangulong Erap Estrada

Ano ang alam mo tungkol sa kanya?


Baki kilala siya sa slogn na Erap para sa mahirap o Jeep ni Erap?
B. Pagtatalakay
 Bakit nahalal bilang pangulo ng bansa si Erap?
 Ano ano ang mga programa ng kanyang administrasyon?
 May nagawa ba si erap sa ating pamahalaan?
 Gaano katagal nanatili sa pwesto bilang pangulo si pangulong Estrada?
 Paano nagsimula ang kasong impeachment laban kay Erap?
 Ilarawan ang ginawang impeachment trial kay pangulong Era/
 Paano ito natapos at ano ang naging resulta nito?
 Sino sino ang mahahalagang tauhan sa EDSA DOS?
C. Paglalahat
Paano muling ipinamalas ng mamamayan ang People’s Power II o EDSA
Revolution II sa pagpapatalsik kay pangulong Erap Estrada?

Ika-limang Aaw

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik Aral
Ano-ano ang alam mo tungkol sa People Power II?
Ano ano ang naging epekto nito sa ating bansa?
B. Pagtatalakay
 Anong mahalagang kaalaman ang inyong masasali tungkol kay
pangulong Arroyo na bahagi ng ating kasaysayan?
 Paano naging pangulo si Gloria Macapagal Arroyo?
 Kailan at saan nanumpa bilang pangulo si GMA?
 Ano-ano ang nagawa ng administrasyon ni pangulong GMA?
 Bakit ikinulong si pangulong Gloria Macapagal Arroyo?
 Ano ano ang mga paratang kay GMA?
C. Paglalahat
Ang bawat pangulo ay may suliranin sa kanilang panunungkulan. Subalit
sinikap ng mga pangulo ng bansa na lutasin ang mga suliraning ito
 Ano ano ang mga ginawa o ginagawa ng pamahalaan upang tugunan
ang mga suliraning ito?
 Ano naman ang magagawa ng bawat mamamayan upang makatulong sa
pamahalaan?

Binigyang Pansin ni: __________________________________


Bb. Ednora Matabang
Gurong Tagapag-ugnay sa Araling Panlipunan

You might also like