Professional Documents
Culture Documents
Lit
Lit
Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot
sa pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o
"babbagitolay" ay nanghaharana sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.
Acoba, Rogelio M.
Ipinanganak sa Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya at kasal kay Encarnita R. Guillermo.
Mayroon silang limang anak: Roger Jr., Rachelle, Roselle, Ritzelle, at Roel.
Isa siyang punong-guro ng mataas na paaralan sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Nagtapos siya ng BS Agriculture major in Agronomy sa CVAC-CSU at ng master’s
degree sa Agrikultura major in crop science sa Isabela State University.
Ilan sa kanyang mga maiikling kuwento at sanaysay tulad ng Dinak Koma Baybay-an at
Kayatkon Ti Matay ay nailathala ng Bannawag. Sa taong 1983, nakamit niya ang unang
karangalang banggit para sa akda niyang Hollowblock sa isang patimpalak sa pagsulat
ng maikling kuwento ng GUMIL Filipinas at GUMIL Hawaii. Sa taon ding iyon, nakamit
niya ang unang karangalan sa isang patimpalak sa pagsulat ng iisahing yugtong dula
ng Gov. Roque Ablan Awards for Filipino Literature at ng National Media Production
Center Region I para sa kanyang akdang pinamagatang Emmanuel.
Siya ay miyembro ng GUMIL Filipinas, dating presidente ng GUMIL Nueva Vizcaya, at
direktor ng Nueva Vizcaya Writers Foundation Inc.
Adviento, Amigable
Ipinanganak at lumaki sa Cagayan ngunit ang mga magulang ay nagmula sa mga
bayan ng Vigan at San Vicente, Ilocos Sur. Siya ay nagtapos sa Philippine Maritime
Institute, Maynila noong 1957. Siya ay nakapaglakbay na sa iba’t-ibang parte ng mundo
dahil sa kanyang pagiging marino. Marami sa kanyang mga akda ang nailathala sa
Bannawag. Kasalukuyan siyang naninirahan at ang kanyang pamilya sa Honolulu,
Hawaii.
Andres, Reynaldo
Ipinanganak sa Aparri, Cagayan, kasalukuyan siya ngayong naninirahan sa Poblacion
2, Currimao, Ilocos Norte kung saan siya nagtapos ng elementarya at mataas na
paaralan. Tinapos niya ang kanyang diploma sa BSE sa Mariano State University sa
Batac.
Nakapaglathala siya ng ilang mga sanaysay, tula, at maikling kuwento sa wikang Iluko
sa Bannawag at Ilocos Times. Ang ilan sa kanyang nga tula at maikling kuwento ay
naisama sa Iric, isang antolohiya ng mga akdang Iluko na inilimbag noong 1988 ng
Iloco Research and Information Center ng MMSU.
Siya ang presidente ng GUMIL Ilocos Norte, direktor ng GUMIL Filipinas, at opisyal ng
Communication and Media Relations Office ng MMSU sa Batac.
Aquino, Rogelio
Ipinanganak sa Tucalana, Lal-lo, Cagayan. Natapos niya ang kanyang AB-BSE at
Master of Public Administration mula sa University of Manila. Madalas siyang naiimbita
bilang tagapagsalita sa mga seminar-workshops sa literatura at kasanayan sa
pamumuno.
Siya ay isang magaling na manunulat sa Iluko at Tagalog. Isang manunula,
sanaysayista, at marami pang iba, marami sa kanyang mga akda ang nailathala sa
Liwayway at Bannawag. Nagwagi na rin siya ng mga parangal mula sa mga patimpalak
sa literatura ng Economy Tours and Travel, Inc. Ang ilan sa kanyang mga akda ay
isinama sa mga antolohiyang inilathala ng GUMIL: Talugading (GUMIL Filipinas),
Alintatao (GUMIL Filipinas), Talibagok (GUMIL Metro Manila), Kurditan (GUMIL Metro
Manila), Kalasag (GUMIL Filipinas).
Mga pangunahing akda: Tadem Iti Ngudo Ti Kaputotan (kuwento), Sugat Iti Barukong Ti
Daga (kuwento), Kawar Kadagiti Lunod Iti Kaputotan Ni J. Alvarez (kuwento), Agat-
Basura (nobelang nasa anyong komiks), Ragadi (nobelang ganap ang haba), Gamat
(nobelang ganap ang haba).
Aroc, Danilo T.
Ipinanganak sa Manibang, Ilagan, Isabela, pinakabata sa pitong anak nina Geronimo
Aroc at Irene Timbreza. Hindi siya nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kahirapan ng
kanilang pamilya. Nagtrabaho siya sa mga sakahan, naging karpintero at naging
drayber. Sa kalaunan ay nagtrabaho siya sa Maynila kung saan siya namasukan bilang
tool keeper mechanic at canvasser. Sa katagalan, siya ay naging purchasing officer at
sa kasalukuyan ay nasa Jordache, Phils. Inc.
Nailathala ang ilan sa kanyang mga maikling kuwento at sanaysay sa Bannawag.
Bermudez, Prescillano N.
Nagmula sa Caligulan, Burgos, Isabela, siya ang panganay sa apat na anak nina
Enrique D. Bermudez at Cesaria Nisperos.
Isa sa mga pinakamahuhusay na manunulat sa Iluko, isa siyang sanaysayista,
manunula, mandudula, nobelista, at manunulat ng maikling kuwento na mahusay sa
wikang Iluko, Tagalog, at Ingles. Siya ay naging miyembro ng National Media
Production Center sa Vigan, Ilocos Sur at Laoag.
Sa panahon niya sa NMPC Laoag, inorganisa niya noong 1976 ang governor Roque
Ablan Awards for Iloco Literature (GRAAFIL), ngayon ay isa sa mga
pinakaprestihiyosong award-giving institution sa Ilocos Norte.
Nagwagi siya sa patimpalak sa pagsulat ng maikling kuwento ng Bannawag: ikalawang
karangalang banggit noong 1961 at unang karangalan noong 1967. Noong 1974,
nakamit niya ang ikatlong karangalan para sa isang maikling kuwento sa Tagalog sa
isang patimpalak ng Panitik Balagtas ’74. Sa taong 1983, isa sa kanyang maikling
kuwento sa Iluko ang nagwagi ng ikalawang karangalan sa GUMIL Hawaii’s Salip Iti
Sarita, samntalang ang dalawa pa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagi sa
Economy Tours and Travel Short Story Writing Contest, ikalawang karangalan noong
1984 at ikaapat na karangalan noong 1988. Noong 1981, isa sa kanyang mga nobela
ang nagwagi ng grant mula sa Cultural Center of the Philippines.
Ilan sa kanyang mga kuwento at tula ay naisama sa Dagiti Kapintasan a Sarita Iti Iluko
at Kalasag Ti Filipinas.
Sa kasalukuyan, siya ay konektado sa Philippine Information Agency (PIA) sa Bangued,
Abra. Siya rin ay miyembro ng GUMIL Pangasinan at naging direktor ng GUMIL
Filipinas.
Pinakasalan niya si Mercedes M. Pascua. Siya at ang kanyang pamilya ay
kasalukuyang naninirahan sa San Manuel, Pangasinan.
Mga akda: Sagut Ti Paskua (kuwento), Daton Iti Tumanor A Kaputotan (kuwento),
Paghuhubog, Isang Umaga (kuwento, Tagalog), Sukogan (kuwento), Ingget Pateg
(kuwento), Ti OIC (kuwento), Dagiti Billit-Tuleng (maikling nobela), Dagiti Pundador
(nobela).
Bulong, Dionisio S.
Nagmula sa Simbaluca, Sta. Teresita, Cagayan, unang anak nina Vicente Q. Bulong ng
Ilocos Norte at Felipa Soliven ng Buguey. Tinapos niya ang kanyang elementarya sa
Buguey Central School at ang kanyang high school sa Northeastern Academy, Buguey.
Nagpunta siya sa San Fernando, La Union, kung saan siya ipinadala ng kanyang
tiyuhin para mag-aral ng steno-typing sa National Business Institute. Siya ay
nagtrabaho din para sa isang maliit na department store habang nasa San Fernando.
Sinubukan niya nag kanyang suwerte sa Maynila kung saan siya ay naging tagabungkal
ng kanal para sa mga tubo ng NAWASA sa Marulas, Polo, Bulacan. Sa kalaunan, siya
ay bumalik sa Simbaluca at tumulong sa kanyang mga magulang sa pagpapa-aral ng
kanyang tatlong mga kapatid sa kolehiyo. Sa panahong ito siya nagsimula sa pagsulat
ng mga maiikling kuwento sa Iluko para sa Bannawag na naglathala ng una niyang
akda noong 1962.
Nang makatapos ang kanyang mga kapatid sa kolehiyo, siya ay bumalik sa Maynila at
kumuha ng kursong AB Journalism sa University of Manila. sa kanyang ikatlong taon,
lumipat siya sa Lyceum of the Philippines.
Siya ay nasa kolehiyo pa rin ng kunin siya ng Bannawag bilang isang staff. Siya ay
naging proofreader at naging editor-in-chief pagkalipas ng sampung taon.
Siya ay nakapagsulat ng mga maiikling kuwento, sanaysay, at nobela. Ilan sa kanyang
mga maikling kuwento ay isinali sa Napili A Sarita Dagiti Ilokano (GF), Kalasag Ti
Filipinas (GF) at Kurditan: Mga Kuwentong Iluko (GMM).
Ikinasal siya kay Eden L. Cachola, isa ring manunulat na Ilokana. Sila ay may dalawang
anak na babae: Diodena at Annaloi.
Mga pangunahing akda: Paskua Iti Sidong ni Manang Eden (maikling kuwento),
Nadagaang Dagiti Sardam (maikling kuwento), Ti Kapatgan A Puonan(sanaysay),
Kayatmo A Dumakkel To Barukongmo? (sanaysay), Sika Ti Katurayan (sanaysay),
Fighting Pogi I (nobela), Fighting Pogi II (nobela), Anderson (nobela), Matayakon,
Rosing (nobela), Brad Patrick (nobela).
Corpuz, Samuel
Ipinanganak sa Solano, Nueva Vizcaya, ang kanyang ama na si Felominiano J. Corpuz
ng San Nicolas, Pangasinan ay isang magsasaka habang ang kanyang ina na si
Agripina C. Fontanilla ng San Quintin, Pangasinan ay isang mangangalakal.
Mula sa Solano, sila ay lumipat sa Bintawan, Villaverde, Nueva Vizcaya kung saan siya
lumaki. Nagtapos bilang unang karangalang banggit sa Bintawan Elementary School, at
naging presidente ng Supreme Student Council sa Dalton High School sa Solano kung
saan niya tinapos ang kanyang high school.
Nag-aral siya sa Minadanao Institute of Technology, Kabacan, Cotabato para sa isang
digri sa agrikultura, at lumipat sa Maynila kung saan siya pumasok sa Philippine
College of Criminology. Bumalik siya sa Nueva Vizcaya at nag-aral sa Saint Mary’s
academy sa Bayombong para sa kursong AB English Literature. Unang lumabas ang
kanyang mga akda sa The Link, ang pamathalaan nila sa kolehiyo.
Si Samuel ay nagsusulat sa Ingles at Iluko. Ang kanyang kuwento, Noon Episode, ay
nailathala ng Graphic sa taong 1967. Ang kanyang mga sanaysay at kuwento sa Iluko
ay nailathala sa Bannawag.
Siya ay nagwagi ng ikalawa at ikatlong karangalan sa taunang patimpalak sa pagsulat
ng maikling kuwento ng Bannawag noong 1967; ikalawang karangalan sa pagsulat ng
maikling kuwento ng Governor Roque Ablan Awards for Iloco Literature (GRAAFIL);
unang karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento ng GUMIL Aparri-Buguey-Sta.
Teresita sa taong 1991 gayundin sa pagsulat ng nobela ng Economy Tours and Travel,
Inc. sa parehong taon.
Pinakasalan niya si Estrella Castillo Gonzales ng Sta. Cruz, Ilocos Sur. Mayroon silang
pitong anak: Honesto, Arlyn, Jonahlyn, Samuel Jr., Fares, Orlando, at Estrella Victoria.
Mga pangunahing akda: Sawmill (kuwento), Hospital (kuwento), Kris Ken Talunasan
(kuwento), Maysa Nga Agtutubo Ken Nalam-ek Nga Agsapa (kuwento), Siasino ni
Liwayway (kuwento), Quezada (nobela), Ti Bassit A Balay ni Brader Orly (nobela), at
Dagiti Naidagus Iti 1010-B Instruccion St., Sampaloc, Manila.
Cudiamat, Bagnos G.
Ipinanganak sa Del Pilar, Alicia, Isabela, ikalima sa pitong anak nina Herminigildo
Cudiamat ng Piddig, Ilocos Norte at Consolacion Galora of Bacarra, Ilocos Norte.
Tinapos niya ang kanyang Bachelor of Science in Education sa Baguio Central
University sa Baguio City. Nang siya ay magtapos, siya ay nagturo sa Lyceum ng
Baguio, Isabela Colleges Foundation, at mula noong 1978 sa University of Baguio High
School.
Nagsusulat siya sa Ingles ngunit nakahihigit sa Iluko. Karamihan sa kanyang mga
kuwento ay nailathala sa Bannawag. Isa siyang miyembro ng GUMIL Filipinas at
presidente ng GUMIL Baguio. Pinakasalan niya si Mida Aromin ng Naguilian, La Union.
Mayroon silang dalawang anak na lalaki: Fiel Ariel at Bagnos, Jr. Sila ay naninirahan sa
La Trinidad, Benguet.
Mga pangunahing akda: Ni Uliteg Sergio (kuwento), Ti Anting-anting Ni Uliteg Sergio
(kuwento), Igat Nga Aritosan (maikling nobela), Puraw A Panniki (maikling nobela).
Evangelista, Rolando B.
Ipinanganak sa Centro Sur, Sto. Nino, Cagayan, ikalawa sa anim na anak nina Sofronio
M. Evangelista at Pelagia Balaqui. Siya ay ikinasal kay Josephine Atalip at nagkaroon
ng tatlong anak: Jee, Joy, at Re. Sila ay kasalukuyang naninirahan sa 06 Cruz Village,
Caggay, Tuguegarao, Cagayan.
Siya ay nagtapos ng BS in agricultural Education sa Cagayan State University sa Piat.
Bilang isang manunulat, siya ay nakapagpalathala ng mga sanaysay at kuwento sa
Ingles at Iluko. Siya rin ay naging mamamahayag sa radyo sa iba’t-ibang programa at
istasyon mula 1984-1989.
Gervacio-Gallato, Cristina A.
Ipinanganak sa Nangalisan, Bagabag, Nueve Vizcaya, nagtapos siya ng kanyang
digring Bachelor of Science in Commerce Major in Accounting sa St. Mary's College
bilang cum laude noong 1976.
Siya ay isa sa mga pinakamagagaling na manunulat na Ilokana sa kanyang panahon.
Nagsimula sa pagsusulat ng seryoso noong siya ay nasa kolehiyo, ang kanyang
kuwento, Duoy Ni Tatang, ay nagwagi ng unang karangalan sa pagsulat ng maikling
kuwento ng grupong Marinero-1189 noong 1976. Noong 1986, ang kanyang kuwento,
Fr. Mike: Komptroler, ay nagwagi ng unang karangalan sa taunang patimpalak sa
pagsulat ng maikling kuwento ng Economy Tours and Travel, Inc. (ETTI). Ang kuwento
ding iyon ay isinama sa Daton, antolohiya ng mga nagwaging akda sa ETTI na
ipinalathala noong 1991.
Noong 1991, sa suporta ng GUMIL Filipinas, siya ay nakilahok sa UP Summer Writers'
Workshop ng UP Creative Writing Center, Diliman, Quezon City.
Siya ay ikinasal kay Engineer Ireneo S. Gallato ng Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.
Mayroon silang tatlong anak.
Macugay, Franklin P.
Ipinanganak sa Magsaysay, Cabatuan, Isabela, siya ay pang-anim sa walong anak nina
Fernando Pascua Macugay at Carolina Ramos Pascual.
Tinapos niya ang kanyang elementarya sa Macalaoat Elementary School, ang high
school sa La Salette ng Cabatuan, at ang kanyang digri na Bachelor of Science in
Agriculture major in Agronomy sa Isabela State University, Echague, Isabela.
Bago pa mailathala ang kanyang mga akda sa Bannawag, nagsulat siya ng mga tula
para sa Ilocos Times, isang peryodiko sa Laoag, sa tulong ni Hermenegildo A. Viloria
ng Capangpangan, Vigan, Ilocos Sur na kanyang itinuturing na tagapaggabay.
Siya ang isa sa mga nag-organisa ng GUMIL Isabela noong 1984. Siya ay nanungkulan
bilang sekretarya ng organisasyon hanggang 1990.
Ang ilan sa kanyang mga maikling kuwento sa Iluko ay isinama sa Sarusar at Karit,
dalawang libro na ipinalathala ng GUMIL Isabela. Isa rin sa mga nagwaging kuwentong
kanyang naisulat ang isinama sa Daton, isang koleksiyon ng mga nagwaging akda sa
Economy Tours and Travel, Inc.
Pinakasalan niya si Edna Lacar ng Cauayan, Isabela at nagkaroon sila ng dalawang
anak: Karla Mae at Jeffry. Sila ay kasalukuyang naninirahan sa Munsayac Subdivision,
Nueva Era, Cabatuan, Isabela.
Paat, Renato A.
Ipinanganak sa Nabannagan, Lasam, Cagayan, anak nina Crisanto Paat at Agustina
Aguinaldo. Nagpakasal siya kay Catalina Ramiro, isang guro sa distrito ng Lasam. Ang
kanilang mga anak ay sila Haspert, Florante, Renato Jr., Altagracia, at Renelyn.
Nakamit niya ang kanyang diploma sa kolehiyo mula sa Philippine Normal College na
ngayon ay kilala bilang Philippine Normal University.
Nagkamit siya ng ilang mga parangal tulad ng: unang karangalan, pagsulat ng maikling
kuwento, sa pangunguna ng Torch, PNC sa taong 1962; Most Outstanding in Poetry
Award, sa pangunguna ng Jolly Mirriad Group, PNC sa pareho ding taon; ikalawang
karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento ng ETTI at Iluko Literary Awards sa taong
1988; at ikatlong karangalan sa pagsulat ng maikling kuwento sa Gov. Rodolfo
Aguinaldo Awards sa taong 1989.
Nailathala ang ilan sa kanyang mga kada sa Bannawag kasama dito ang Sabong ti
Kawayan (maikling kuwento), Pakalatkat (maikling kuwento), No Aregleyted (maikling
kuwento), Ti Eleksion Iti Lattung Inn (maikling kuwento), Naanag Ti Aloha Ti Lasam.
Pimentero, Rosito D.
Ipinanganak sa Buguey, Cagayan, ang bayan ng kanyang ama na si Jesus Jacinto
Oandasan Pimentero na nagpakasal kay Anastacia Yabes Dangcil ng Sinait, Ilocos Sur.
Bunso sa dalawang magkapatid, ang kanyang tiyahin na isang matandang dalaga na si
Maria O. Pimentero ang nagpalaki at nagpaaral sa kanya. Siya ay nagtapos sa Araneta
University sa kursong BSAH.
Hilig niya noong basahin ang Bannawag kahit sa batang gulang. Ang kanyang ina ang
siyang nagturo sa kaniyang bumasa at sumulat. Nang siya ay nasa kolehiyo, siya ang
naging editor ng The Aggie, ang pamathalaan ng kanilang kolehiyo. Ang una niyang
maikling kuwento sa Iluko ay nailathala sa Bannawag sa taong 1963.
Isa siyang sanaysayista at manunula. Isa sa kanyang mga kuwento ay naisama sa 24 A
Napili A Sarita Dagiti Ilokano habang ang ilan sa knayang mga tula ay isinama sa
Pamulinawen, isang antolohiya ng mga tulang Iluko.
Siya ay nagsilbi bilang bise-presidente ng GUMIL Cagayan. Ang kanyang mga
sanaysay na nailathala sa Bannawag ay muntik ng magdulot ng kanyang kamatayan.
Nagdesisyon siyang mangibang bansa nang maimbitahan bilang tagapagsalita sa iba't-
ibang seminar ukol sa pagsulat sa Iluko na inorganisa ng nga organisasyong Filipino sa
Hawaii at sa US Mainland.
Nagkamit siya ng maraming parangal sa iba't-ibang patimpalak sa pagsulat na
pinangunahan ng GUMIL Hawaii. Siya ay kinilala bilang Most Outstanding Writer of
GUMIL Hawaii sa taong 1990. Siya ngayon ay isa ng American citizen at kasal kay
Marilou Pajarillo Ramones.
Simpliciano, Juanito G.
Ipinanganak sa Calayan, Gonzaga, Cagayan, bunso sa limang anak nina Alberto A.
Simpliciano at Ramona S. Garo, parehong nagmula sa Barangay 5 sa San Nicolas,
Ilocos Norte. Ang kanyang ama ay isang beterano ng ikalawang digmaang pandaigdig.
Tinapos niya ang BS Agriculture, major in Agronomy sa Cagayan State University sa
Gonzaga sa taong 1985. Inilathala ng Bannawag ang una niyang sanaysay, Pito Nga
Aldaw A Binantayannak Ni Patay, noong Pebrero 10, 1984. Ang kanyang maikling
kuwento na Tuba at tulang Aganuska, Sawak ay inilathala din ng parehong babasahin
noong 1990. Nailathala din ang iba niyang sanaysay at tula sa Sirmata, isang
publikasyon sa Aparri. Sa taong 1985, nagwagi siya ng ikatlong karangalan sa Amado
Yoro Dakilang Ugat Awards sa kanyang tula na Kenka, Agtutubo. Matapos ang
dalawang taon, nagwagi siya ng unang karangalan sa isang On-the-Spot Poetry-Writing
contest sa Suso Beach sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Talbo, Consolacion Y.
Ipinanganak sa Sta. Teresita, Cagayan, ang kanyang mga magulang ay sina Florencio
Talbo ng Sto. Domingo, Ilocos Sur at Anastacio Yere ng Nagbalioartan, Sinait, Ilocos
Sur. Tinapos niya ang kanyang elementarya sa kanilang bayan, ngunit dahil sa kaibang
paniniwala ng kanyang ama na ang kababaihan ay walang karapatan sa mataas na
edukasyon, hindi siya nakapag-enroll sa mataas na paaralan.
Isa sa kanyang mga kapatid na babae na may-ari ng patahian at sari-sari store ang
nagdala sa kanya sa Maynila. Di kalaunan, siya ay inampon ng isa niyang tiyahin na si
Maxima Yere Arrieta at pinag-aral. Nang siya ay nasa kolehiyo, napagtanto ng kanyang
ama ang pagkakamali nito at tumulong sa pagpapaaral sa kanya. Tinapos niya ang
kursong BSEE sa Far Eastern University.
Nang siya ay nasa high school pa lamang, nagsimula na siya sa pagsusulat. Karamihan
sa kanyang mga akda ay matatagpuan sa Bannawag. Namatay siya sa aksidente
noong 1979.
Para sa kanyang alaala, nagpalathala ang GUMIL Ilocos Sur ng isang aklat na
pinamagatang Tugot sa taong 1981. Isa iyong antolohiya ng mga maiikling kuwento,
tula, dula, at sanaysay ng mga manunulat na nagmula sa Ilocos Sur.
Mga akda: Sikat Sarming Ken Bagnosko (tula), Ni Doris Ken Ti Mumunieka (kuwento),
Gapu Ta Isuda Amin (kuwento), Uray Ilakasam Ti Balasang (kuwento).
PERIOD SPANISH
PERIOD AMERICAN
PERIOD JAPANESE
PERIOD MODERN
PERIOD PERIOD IVATAN Ang mga Ivatan ay isang pangkat-etniko sa Pilipinas.
Matatagpuan lamang sila sa tatlo sa sampung islag bumubuo sa Batanes-a ng Itbayat,
Batan, at Sabtang. Ang mga Ivatan ay naninirahan sa mga bahay bato, kung saan
protektado sila mula sa ulan, init, hangin at iba pang maaring panganib na dala ng 2
panahon sa Pilipinas.
Naniniwala ang mga ivatan sa ilang pamahiin. Ayon sa kanila, ang kaluluwa ng
mayayaman ay napupunta sa langit at nagging bituin, samantalang ang mahihirap ay
gumagala sa mundo bilang mga espiritu. Naniniwala rin sila sa kabilang buhay kaya
pinababaunan nila ang kanilang mga patay ng ilang kagamitan. Tinatawag ding Gadam,
Gaddanes o Iraya ang mga pangkat-etnikong ito na matatagpuan sa Nueva Vizcaya at
Isabela. Tahimik at matulungin ang mga Gaddang bagaman handa silang
makipaglaban kung kinakailangan. Matatagpuan ang mga Itawis sa timog-kanlurang
bahagi ng Cagayan. Ang Itawes ay nagmula sa mga salitang I at tawid na
nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog". Kilala rin sila sa tawag na Itawit,
Tawish, Itawi at Itaves. Karaniwang naninirahan ang mga Itawis sa isang pamayanan
kasama ang mga Ibanag at may sarili din silang wika na ang tawag din ay Itawis.
IBANAG UVOVUG A MALUMAMO
Uvovug a malumamo
Makalunne ta nono
Uvovug a pinorayan
Makadarak ta gawagawayan.
Ariammu a pakukuan
Y maguvovug ta makaninipang
Ta yatun y makavucay
Ta mapia nga ammung na totolay. PAGAYAYA
Pagayaya ay a metallugaring
I pattaradde tam ngamin,
Pagayaya I palu paggia
Pangawanan ta zigariga,
Pare nakuan tu yao nga gayam,
Makeyawa tam mulamuagang
Kegafuanan na kapawan
Na ziga nganufulotan.
(REJOICING )
Happiness is the end
Of our being together
Happiness is the well-being
And elimination of suffering.
May it be that this occasion,
Bring us satisfaction
Which will make us forget
Our hatred and suffering.) Mamatugu ka ta gayan nga manututtu ta matam.
(You rear a crow that pecks your eyes.)