Professional Documents
Culture Documents
Mga Tauhan Noli
Mga Tauhan Noli
Crisostomo Ibarra - Binatang nag-aral sa Europa at pangarap niya ay magtayo ng isang paaralan para sa
mga kinabukasan ng mga kabataan at nasa kamay ng mga pari sa pamamagitan ng pagtingin sa kanyang
mga gawain dahil alam niya ang kaalaman mula sa Europa
Elias - Isang Piloto at magsasaka na tumulong kay Ibarra para lamang tulungin siya sa pagkakaalam ng
problema ng bayan --
Kapitan Tiyago - Ama-amahan ni Maria Clara at isang sipsip sa simbahan. Mayroong siyang malaking
bahay at inbitihan niya si Ibarra sa isang -- (Vic Sotto)
Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya pagkatapos nang maglinkod siya
sa simbahan ng Bayang San Diego
Padre Salvi - Kurang pumalit para kay Padre Damasao at nagkaroon ng paggusto kay Maria Clara. Isa rin
siyang tagabantay ng mga gawain ni Ibarra. ---
Maria Clara - Ang sinasabing pinakamagandang babae sa buong bayan. Noong bata pa sina Maria at
Ibarra may kasunduan inihatid ni Don Rafael kay Kapitan Tiago na sa paghinaharap ay magkakasal ang
dalawang anak nila. Siya rin ang mahal ni Ibarra hanggang ngayon.
Pilosopo Tasyo - Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego. Isa rin
siya sa mga tao na hindi naniniwala sa Purgatoryo dahil sa pagbigay ng abuso ng indulgence sa
pamamagitan ng pagdasal sa mga santo o patay.
Sisa - Isang masintahing ina nina Crispin at Basilio at ang kanyang tanging kasalanan bilang isang in a ay
magpakasal sa isang asawang pabaya at malupit
Crispin - Isa sa dalawang anak ni Sisa at sakristan na may pinabintang mga mataas na posisyon sa halaga
ng reales.
Basilio - Ang panganay na anak ni Sisa at sakristan din siya katulad ni Crispin pero walang pinabintang
sa kanya. Hindi niya tinulong si Crispin dahil nag-alala siya sa kalusugan ng kanyang ina. Gusto rin niya
maging isang trabahador at estudyante ni Ibarra
Donya Victorina – Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha at maling pangangastila.
Donya Consolacion – Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña – Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng
magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares – Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya
para mapangasawa ni Maria Clara.
Lucas – Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tiya Isabel – Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia – Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
Iday, Sinang, Victoria,at Andeng – Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Don Rafael Ibarra – Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe. Tinulong niya ang isa sa mga kabataan ng bayan ng San Diego. Habang
tinulong niya ang bata sa proseso, namatay ang enconmiendero. Ang kanyang bangkay ay inihagis
lamang sa tabing-ilog dahil sa awa ng selpultero na dapat dinala sa libingan ng mga Tsino.
Kapitan Basilio – Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin
Tinyente Guevarra – Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria – Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
(Susan Roces)