Wikaaaa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Bayambang National High School

Senior High School


Bayambang, Pangasinan

Pagsusuri sa Pelikulang Pilipino

Ipinasa nina:

Gerald A. Junio
Charles Adrian C. Rabanal
Cassylyn R. Caerlang
Marielle S. Munar

Ipinasa kay:
Gng. Imelda Fausto
DED NA SI LOLO: Pagpapakita ng mga Kulturang Pilipino sa pamamagitan ng
mga Pamahiin na naging kagawian ng Sambayang Pilipino
ni Soxie Topacio
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------
PANIMULA
“Wala naming mawawala kung hindi mo susubukan.”
Mga karaniwang naririnig natin sa mga matatanda. Tayong mga Pilipino’y
maraming pinaniniwalaan at sa dinamirami na nga ay hindi na natin mabilang. Ang hindi
pagsunod sa mga pamahiing ito ay nagdudulot ng kamalasan, ayon sa mga nakatatanda.
Ang mga kaugaliang ito ay mga paniniwala sa isang bagay, gawain, o pangyayari na
nakaaapekto sa mga espesipikong na kaugalian natin, ngunit wala itong kahit anong
lohikal na kaugnayan sa kalalabasan nito. Ang pamahiin ay isang matandang kaugalian
na kinagisnan mula pa sa ating mga ninuno, buhat pa noong unang panahon at tinataglay
pa rin ng marami, lalo na yaong mga naninirahan sa malalayong lalawigan. Ang papel na
ito ay naglalayong :

1. Maisa-isa ang mga pamahiing Pilipino na nakapaloob sa pelikula.


2. Maipaliwanag ang konsepto ng salitang ‘pamahin’ bilang pamamaraan ng
paghuhulma ng pag-uugaling kultural at moral ng mga mag-aaral na Pilipino.
3. Masuri ang implikasyon ng mga pamahiing nakapaloob sa pelikula sa pagbabago ng
panahon.
Tatangkaing sagutin ng mananaliksik ang mga sumusunod na layunin upang maging
bahagi ng akademikong pagtalakay ng pelikula sa larangan ng edukasyon.

DED NA SI LOLO: Mga Pamahiin sa Tradisyon at Kulturang Pilipino


Sa pelikulang ito ay makikita ang iba’t ibang pinaniniwalaan ng mga Pilipino.
Nasasalamin nito ang mga paniniwala ng mga matatanda noong unang panahon na
naisasabuhay pa rin hanggang ngayon. Tinalakay sa pelikula ang mga pamahiing Pilipino
o ang mga ipinagbabawal kapag may lamay o patay, ito at iba pang kulturang kinagawian
ito ay ang mga sumusunod:
1. Dapat nakatapat ang ulo ng kabaong ng patay sa may pintuan.
2. May pagkakaisa ang mga magkakapit-bahay.
3. Ang pagtilaok ng manok na naghuhudyat ng pagsapit ng umaga
4. Pagtalak ng ina sa umaga
5. Bawal buhatin ng mga anak ang kabaong ng patay
6. Pagkakaroon ng pitong araw na burol
7. Bawal mag make up sa burol
8. Magputol ng rosaryo na nakalabas ang krus at ilalagay sa loob ng kabaong
9. Dapat maglalagay ng pera sa patay tas kukunin bago ilibing
10. Bawal magpasalamat,
11. Bawal magsuot ng pula,
12. Bawal mapatakan ng luha,
13. Kailangan magkumot ng pula ang bata,
14. Pagkakaroon ng kantores sa burol ng patay
15. Pagkakaroon ng mga pagsusugal kapag may burol o patay
16. Kailangan nakabarong tagalog ang patay
17. Bawal maligo sa bahay na may burol
18. Bawal maghatid ng bisita ang namatayan
19. Kailangang ilagay ang pangalan ng mga kaanak sa kabaong base sa edad
20. Bawal magwalis sa may patay
21. Paglalagay ng sisiw sa ibabaw ng kabaong kung humihingi ng hustisya
22. Dapat gastusin ang abuloy.
23. magsuot ng puti o itim pag ililibing na
24. maglinis pagkalabas ng patay o pagka alis ng bahay,
25. pagtawid sa mga bata sa ibabaw ng kabaong bago ilibing ang patay
Ang mga nabanggit na pamahiin ay nakabatay sa mga eksena na ipinalabas ng
pelikula. Ipinakikita sa tradisyong ito ang pagbibigay ng pansin sa tamang pag-uugali ng
lipunan sa panahon ng pagbuburol ng namatay, paglilibing at ang pagbibigay galang sa
mga namatayan gayundin sa mismong patay. Ipinakikita ng mga pamahiing ito ang pag-
uugaling kultural na kung saan ay masasalamin ang moralidad ng isang nasyon.

Maaari ring tingnan ang mga pamahiing ito hindi lamang bilang parusa kundi
bilang paghahasa sa kabutihang asal na nagsisilbing patnubay sa pamumuhay. Ito rin
ang nagsisilbing pamukod sa iba pang pangkat ng lipunan sa mundo upang
mapagkakilanlan ng isang lahi.
Kung susuriin ang pagtanggap ng mga pamahiing ito sa ngayon o ang pagbibigay
ng espasyo sa pamahiing ito ay masasabing nasa teoryang akomodasyon, na kung saan
ay hinahayaang magkaroon ng puwang ang mga paniniwalang ito sa mundo ng mga
kabataan at gayundin nakikita ang tunggalian ng mga ideya at pananaw ng mga
sinaunang tao at ang mga modernong tao. Dahil sa pakikisalamuha ng bawat pangkat na
ito ay nagpapalitan sila ng mga pananaw na maaaring maging bahagi ng bagong kultura.
Maaring ang kulturang nabanggit sa pelikula ay ang kulturang nagbibigay ng tamang
direksyon upang mapanuto ang isang lahi at indibidwal. Maraming konsepto ng paglabag
sa tradisyong ito tulad ng mga pamahiing nabanggit sa pelikula.
KONKLUSYON
Hindi mawawala ang pagbabago sa ideya at pananaw ng mga tao dahil ito ay
normal na nangyayari. Kung ang mga paniniwalang ito ay magiging permanente sa
mahabang panahon, ang mga tao ay maaaring makahon sa maling paniniwala o kaya’y
hindi sumuong sa pagbabago. Ngunit hindi ibig sabihin na kailangang kalimutan at
limitahan ang pag-iisip ukol rito. Sa pagbabago ng paniniwala ng mga tao maaaring
makita ang iba’t ibang pagtanggap ng mga indibidwal na maaaring makatulong upang
mapataas ang moralidad o kagandahang – asal ng isang lahi. Ang pagpag na pelikula ay
hindi lamang nagsilbing isang pananakot sa tagapanood at sa mga karakter na kasangkot
sa nasabing pelikula kundi ito rin ay nagsisilbing pamamaraan upang mahubog ang pag-
uugaling kultural at moral ng mga mag-aaral na Pilipino.

You might also like